UPDATE 22

2.2K 53 7
                                    

UPDATE (22)

Jade Carla's Point of View:

Nanlalabo na ang mga paningin ko dahil sa walang humpay na pag-agos ng luha ko, pero sa kabila nito ay hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Darius at Sabrina na naghahalikan.

It literally breaks my heart, nanlalambot ang mga tuhod ko at ramdam ko ang panginginig nang kalamnan ko. Ang sakit-sakit, ang lakas ng kabog ng dibdib ko kasabay ang paninikip nito.

"Jade..." Elvis whispered, inalalayan niya akong makatayo nang maayos.

Hindi pa rin humihinto ang pagluha ko, gusto ko silang sugurin at pagsasampalin. A-Ang kapal ng mukha nilang paglaruan ako?! Paglaruan? Parang ang sakit sa pusong isipin na pinaglaruan lang ako ng mga taong ito.

Tama na 'to. Tama na ang panlolokong 'to, hindi ko na kakayanin kung masusundan pa ang mga pangyayaring 'to.

Sinikap kong maglakad palayo sa kanila, ayoko nang malaman nilang nakita ko ang panloloko nila. Mas masakit kapag nalaman nila, parang ipinamumukha nila sa akin na wala akong kwenta. Kakabati pa lang namin ni Darius, pero bakit nagawa niya na agad akong lokohin? O talagang n'ung una pa lamang ay niloloko niya na ako?

"Jade, dapat hinarap mo sila." Rinig kong sabi ni Elvis habang hinahabol ako, lakad-takbo kasi ang ginawa ko.

Tumigil ako para harapin siya, "I-I... w-want to go home." Sinikap kong sabihin sa kanya dahil hindi pa rin ako maawat sa paghikbi, kasabay n'un ang pagpunas ko nang mga luha ko gamit ang kamay ko.

Bumuntong hininga si Elvis habang nakatitig sa akin, alam kong kinakaawaan niya ako dahil sa sinapit ko. Ikalawang nangyari na ito eh, "Madaling araw na, pwedeng ipagpabukas naㅡ" Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nagpatuloy na ako sa paglalakad, naramdaman ko naman ang paghabol niya sa akin.

"Jade!" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Narinig ko ang muli niyang pagpapakawala ng malalim na paghinga, "Fine, I will take you home."

Napatigil ako sa paglalakad para harapin ulit siya, "S-Salamat, El." Sambit ko at hindi napigilan ang pag-iyak.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, "Everything will be okay, JC." He whispered.


Hindi na ako pumunta sa suite namin ni Venice para ayusin ang mga gamit ko, alam ko namang ililigpit niya na ang mga 'yun para sa akin. At saka ayoko nang magtagal sa lugar na 'yon, ayoko nang makita ni isa man sa kanila- basta ang alam ko lang ay gusto ko nang umuwi at magmukmok sa kwarto ko. Oo, 'yun ang mga dahilan kung bakit gusto ko na agad umalis sa isla.

I want to runaway.

'Yun na lang kasi ang tanging paraan na naiisip ko para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. I want to runaway from him, from everything. I am wishing that everything happened was just a nightmare. Gusto ko 'pag gising ko sa umaaga ay okay ang lahat. No pain, just love.

But, I know- I can't change anything. Na kahit na anong pikit ko sa mata ko ay hindi na mababago ang mga pangyayari, nakita ko silang naghahalikan at niloloko ako. Hindi na 'yun mababago. Alam ko. At masakit iyon.

Hinayaan lang ako ni Elvis na umiyak nang umiyak, alam kong naiintindihan niya ako. Dahil una sa lahat, ngayon niya lang ako nakitang nagkaganito- nagawa niya na 'to sa akin ('yung ganitong klaseng panloloko) at alam niya naman siguro na masakit 'yun. Hay, ewan, hindi ko na maintindihan ang tumatakbo sa isip ko.

Hindi ako makatulog, dahil kahit na ipikit ko ang mata ko, tanging sina Darius at Sabrina lang ang pumapasok sa utak ko. Siguro nga'y pinagtatawanan na nila akong dalawa eh, kung paano ako nagpakatanga sa kanilang dalawa? 'Di bale, hindi ko naman na sila makikita eh. Sisikapin kong hindi na magtatagpo ang mga landas namin.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon