UPDATE 1

8K 171 26
                                    

Created and Imagined by: stylistnoona

All Rights Reserved 

© 2013

The characters, some places and scenes are strongly fictional and product of the author's imagination. Be aware of vulgar words; such as swearings, it is only used for expressing characters' feelings and thoughts. Being OPEN-MINDED is a MUST.

P.S.: I do not own any of my character's model. (Even tho I really want to own them)

Remember: Plagiarism is a CRIME.

Enjoy Reading :)

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ 

CHARACTERS:

YOU as Jade Carla Aragon

KIM JI WON as Venice Elizalde 

DO KYUNG SOO [EXO] as Darius Olen 'D.O' de Guzman 

CHOI MIN HO [SHINee] as Elvis Javier 

SULLI [f(x)] as SABRINA JOCSON

Other characters will be revealed as the story unfolds. 

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ 

UPDATE (1)

Jade Aragon's Point of View:

Naaasar ako ngayon dahil sa ako ang na-assign sa Pathophysiology na ire-report namin next week, malapit na kasi ang finals at matatapos na ang semester kaya gahol na gahol kami ngayon.

"JADE!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin, istorbo sa paggagawa ko nang scratch para sa report ko.

Sinamaan ko siya nang tingin, "Bakit, Venice?!" Naaasar kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya nang nakakaloko, "Nabasa ko 'yung tweet mo kagabi. Anong meron?" Sabi niya sabay umupo sa tabi ko habang ako naman ay bumalik sa pagre-research at pag-aayos.

Tinutukoy niya 'yung lalaking nakatabi ko kagabi sa Jeep, grabeng lalaking 'yun! Ang lakas nang self-confidence!

Nagkibit-balikat lang ako, ayoko nang intindihin pa 'yung "lalaking" 'yun, naiirita at kumukulo lang ang dugo ko.

"Dali naaaaa~" Sabi niya habang yinuyugyog ang kamay ko kaya hindi ako makapagsulat nang maayos.

Hinila ko ang kamay ko, "Pwede ba!" Tapos sinamaan ko siya nang tingin, ngumuso lang siya habang nakatingin sa akin.

"Jade Carla Aragon!" Sigaw niya sa kaliwang tainga ko. Grabe, ang sakit nang tainga ko parang sumabog.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabatukan siya, "Ang kulit mo, Ven!"

Kinamot-kamot niya naman 'yung ulo niyang nasapok ko, "Ikwento mo na kasi 'yun, curious lang eh."

I rolled my eyes, nagsisisi na akong tinweet ko pa 'yung nangyari kagabi, hindi ko tuloy mapigilan 'tong pagkachismosa ni Venice. Ugali ko na kasing maglabas nang sama ng loob sa Twitter kapag badtrip ako eh.

"Wala lang 'yun." Sabi ko at bumalik na sa pagsusulat.

Knowing Venice, hindi niya ako titigilan hangga't 'di ko naikukwento 'yung mga nangyari.

"Pwede bang wala lang 'yun? Eh, nabanggit mo ang napaka-'bait' mong EX kagabi sa tweet mo." Sabi pa niya na ini-emphasize ang 'bait' at EX.

Tinitigan ko naman siya nang masama, kahit sana minsan matuto siyang manahimik lalo na kung tungkol kay 'ELVIS'.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon