UPDATE J

834 49 15
                                    

Nakakatamad na naman mag-update kasi kaunti lang nagvo-vote tapos ang dami naman ng reads. Hays.

UPDATE (J)

Nagvibrate muli ang phone ko kaya kinuha kong muli ito mula sa aking medical bag. As expected, it was Darius. Siya lang naman kasi ang katext ko ngayon.

Darius <3:
I thought you still have classes?

Napangiti ako, kahit na hindi nakakakilig ang kaniyang mga tinetext ay hindi ko pa rin maiwasan ang matuwa. Improving na kami. (Kahit ako lang itong assume ng assume)

Tinipa ko ang keyboard ng phone ko at nagsimulang replyan siya. Now, this is what we call improvement.

Me:
Pinalabas kasi ako eh. Σ(゚д゚lll)

Message sent.

Agad kong ibinalik ang phone ko sa may medical bag, at nagmadaling tumungo sa may parking lot. Hindi ko na inalala kung nagreply man siya o hindi dahil kung mako conscious lang ako tungkol d'on ay matatagalan lang ako sa paglalakad. And, gustong gusto ko na siyang makita ulit. Hindi ko man alam ang tunay na nangyayari, okay lang.

Malapit na ako sa may parking lot at natanaw ko ang kulay puti niyang McLaren, nakasandal siya. Napansin ko ring madaming nakapaligid sa kanya, naiintindihan ko na kung bakit niya nasabing weird ang mga schoolmates ko. Napangiwi ako, nasa nature talaga 'ata ng mga babae ang pagiging territorial kaya agad akong naglakad palapit sa kanya.

"Darius." Mahinang tawag ko, sapat na para marinig niya.

Nilingon niya ako at tumindig siya nang maayos, namataan ko din ang titig ng mga babaeng nakapaligid sa kanya na may hawak ng cellphone. "Hi!" Bati ko kahit awkward pa rin sa feeling.

Tinitigan niya lang ako at umismid. Hmp, sungit! "Skip the formalities. Get inside, we should get out of here first." Pagkasabi n'un ay pumasok na siya sa driver's seat.

Ako naman ay sumunod na lang at pumasok sa katabi niyang seat. Napalunok pa ako ng bigla siyang lumapit sa akin, akala ko kung ano gagawin niya. Sus, inayos niya lang pala ang seatbelt. Akala ko kiss na eh!

Tahimik lang kami. Hindi kasi talaga siya umimik mula n'ung nakapasok sya sa loob ng kotse. Gustong gusto ko makipag kwentuhan sa kanya kaso natatakot akong baka barahin niya lang ako. Argh.

Huminga ako ng malalim bago naglakas loob na kausapin siya, "Saan ba tayo pupunta?" Nagpapasalamat ako na diretso kong nasabi iyon, pero sa labas ako nakatingin. Grabe, ang init dito.

"Coffee shop. I told you, we will talk." Sabi niya ng hindi ako tinatapunan ng tingin, seryoso siya sa pagmamaneho. Nasa kahabaan na kami ng Quiapo. Siguro ay sa may SM Manila kami pupunta.

Hindi na lang ako umimik at hinayaan siyang magmaneho ng tahimik. Hindi rin niya naman ako kakausapin ng maayos kung makikipag kwentuhan ako sa kanya.

Tama ang hinala ko, sa may SM Manila talaga kami pumunta. Nasa carpark na kami ngayon at naglalakad patungo sa loob ng mall, iniwan ko na sa kotse niya lahat ng gamit ko dahil mabibigat iyon. Hindi naman din kasi siya gentleman para ipagbuhat ako ng mga gamit eh.

Nauuna siyang naglalakad, samantalang ako ay naka sunod lang sa kanya. Napansin ko din ang tingin ng mga nakakasalubong niya, he is indeed a head turner. (If there is such a word like that)

Tumikhim ako, gan'un talaga kasi siguro kapag isa sa sikat na university athlete. Karamihan ng mga estudyante ay kilala siya.

Sa paghihimutok ko ay bigla na lang akong nabunggo sa may escalator at muntikan pang masubsob kung hindi lang may humila sa braso ko.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon