UPDATE R

763 45 12
                                        

May sinusundan akong plot kaso laging nalilihis ng landas kapag nagta type na ako. Hahaha. Kung gaano kabaliw si Darius dito, gan'on din ako. Lagi kasing walang tulog. 😂

UPDATE (R)

Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makalayo sa hotel room ni Darius. Ikinubli ko rin ang aking mukha sa kabila ng mga titig sa akin ng mga tao sa paligid dahil sa suot ko, mahirap na kapag nakita ako ni Sabrina.

Tumungo ako sa room na pinag check in naming dalawa ni Tom, may junction iyon na nagko konekta sa dalawang suite. Mag dasal dasal na siya dahil kapag naabutan ko siya sa loob ng suite niya ay kakalbuhin ko iyong kulot niyang buhok.

Saglit lang ang nilakad ko ay nakarating na ako sa suite, pinihit ko ang door knob. Gusto kong kumalma para makapag usap kami ng masinsinan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nong nangyari kagabi.

Nang makapasok ako sa suite ay dumiretso kaagad ako sa terrace kung saan nagko konekta sa kabilang suite, ang tinutulugan nang hinayupak na Tom.

Nakasara ang double doors, pero dahil salamin lang iyon ay nakita kong nakadapa siya sa malaking kama na tingin ko ay tulog pa.

Hayop na 'to, nakuha pang matulog nang mahimbing.

Hinampas ko ang double doors at nagsimulang gumawa nang ingay, mabuti na lang at hindi siya tulog mantika.

Naalimpungatan siya at unti unting iminulat ang mapupungay niyang mga mata, bumangon na rin siya. Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang hubad na itaas na parte ng kanyang katawan.

Napatalikod ako at sinubukan sumagap nang hangin, tinukod ko ang magkabilang kamay ko sa terasa ng suite niya. Bakit ba may mga lalaking natutulog na naka topless?

Narinig kong bumukas ang double doors, "You're here already?" Husky ang boses niya, nakapikit ang kaliwa niyang mata at ang kanan ay pilit na iminumulat.

Napalingon ako sa kanya at sinugod siya, "I'm here already, you say?" Iritang irita na singhal ko, tumalon pa ako para maabot ang kulot niyang buhok. Napangiwi siya dahil sa sakit ng anit niya.

"Calm down!" Kahit na masakit ang anit niya ay binuhat niya ako at initsa sa malaking kama.

Tatayo pa sana ako para sugurin siya at saktan, ang dami kong pinagdaanan kagabi nang dahil sa kanya! Kulang pa 'tong pambubugbog ko sa kanya sa kahihiyan na natamo ko. Hinawakan niya ang magkabila kong braso, marahas niya akong isinandal sa head rest ng kama dahil sa nagpupumiglas ako.

"I said calm down!" Singhal niya sa akin kaya napatigil ako sa pagpupumiglas. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko.

Nagtitigan kami nang ilang sandali bago niya ako tuluyang binitawan at umupo sa may harap ko, "Bakit hindi mo sinabing nandito siya?" Alam niya naman kung sino ang tinutukoy ko.

Umiling siya, "I know you'd be freaking out if I told you first. And the worst scenario is that you would back out and I don't want that to happen, this is for my sister." Napahilamos siya sa mukha niya, namula ang ilong niya dahil pinisil niya iyon nang matagal.

Umupo ako nang maayos at ibinalot sa sarili ko ang kumot, "What? Why would I freak out?" Asik ko sa kanya.

Nilingon niya ako at sinamaan ako ng tingin, "Eh nag fi-freak out ka na nga eh!"

Hinampas ko siya sa ulo ng unan, "Eh kung 'di ka ba naman kasi isa't kalahating tanga, paanong hindi ako magwawala? Nabigla ako sa mga pangyayari. Alam kong sinabi kong tutulungan kita sa kung ano man ang balak mo sa buhay, pero sana man lang ay sabihin mo ang plano at mga rason mo." Panenermon ko sya, napagod na ako sa pananakit sa kanya dahil wala naman na akong magagawa kasi nangyari na.

'Yung katabi ko sa JeepMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon