UPDATE 25

1.5K 61 12
                                    

UPDATE (25)

Jade Carla's Point of View:

I was horrified.

Binasa ko lahat ang mga nakasulat d'un, d'un sa Medical Background ni Darius Olen de Guzman.

Nanginginig ang mga kamay ko, ang mga mata kong halos na nanlalabo na dahil sa mga luhang nangingilid dito, ang labi kong pilit kong kinakagat upang pigilan ang aking pagluha. I was horrified. Hell, I am!

Ngayon ko lang nalaman na may brain cancer siya, at malala na ito. Noon pa man, meron na pala siyang sakit kaya lagi siyang nawawala na parang bula, hindi dahil sa pinaglalaruan niya ang isang tulad ko- kundi dahil lagi siyang inaatake ng sakit niya.

Masyado kong kinakaawaan ang sarili ko dahil sa tingin ko noon ay pinaglalaruan niya lang ako, ako na lahat ang nakaramdam ng sakit ng dinulot niya- little did I know, he's hurting hundred times more than I am.

Masyado kong pinaniwala ang sarili ko na niloloko niya lang ako, malinaw dito sa mga papeles na ito na halos isang taon siyang nakaratay sa hospital bed. He was so sick.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang mga luha ko habang pinagmamasdan ko mapulta niyang mukha sa kanyang 2 by 2 picture.

Hindi ko man lang siya pinakinggan, n'ung panahong nand'un siya sa harap ng kwarto ko at nagmamakaawang makipag-usap ako sa kanya.

Pinagsisisihan ko ang panahong pinalampas ko iyon. Sana binaba ko na lang ang pride ko at nakipag-ayos sa kanya. Sana pinili ko na lang ang makipag-usap sa kaniya. At sana, sinabi niya sa akin 'tong sakit niya, para naintindihan ko. Para alam ko. Para hindi ako nagsisisi at nanghihinayang ngayon.

Dahil kakalimutan ko lahat ng pride na meron ako, para makausap lang siya- para makasama lang siya- para maipakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Marahan kong pinahid ang basa kong pisngi, marahil nga'y tama ang kasabihang, laging nasa huli ang pagsisisi. Sabagay, kailan nga bang nauna ang pagsisisi? Eh di sana wala ng taong nagkakamali at nahihirapan ngayon.

Mahal na mahal ko si Darius, walang duda 'yun. Hindi ko alam kung bakit, paano at kailan 'yun nangyari pero hindi naman kailangan ng dahilan para mahalin mo ang isang tao, 'di ba?

Basta may nararamdaman ka para sa isang tao, pwede kang magmahal. At kapag nagmahal ka, hindi mo maiiwasang masaktan, dahil ang pagmamahal ay may dalawang uri, saya at sakit.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad na inayos ang mga papeles sa isang envelope.

Magha-halfday ako ngayon, hahanapin ko si Darius. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, pero hahanapin ko siya.

Agad akong tumakbo papunta ng locker room upang magbihis nang maabutan ko si Elle na nag-aayos.

"Oh? Why are you in a hurry?" Tanong niya habang inaayos ang pagkakapusod ng kaniyang buhok.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti pero hindi ako umimik, ayoko munang makipag-usap sa kahit na sino- gusto ko munang kalmahin ang sarili ko.

Pero dahil makulit siya at may pagkapakialamera sa buhay ko, nagtanong siyang muli- ngayon naman ay pinuna niya ang namamaga kong mga mata. "Jade, bakit maga ang mga mata mo? Umiyak ka ba? Anong problema?" Sunud-sunod niyang tanong at usisa sa akin.

Umiling na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko kasabay ang pagtatanggal ko sa pagkakapusod ng aking buhok.

Mga ilang minuto pang nakatunganga si Elle sa akin at naghihintay nang sagot, nang mapagtanto niya sigurong wala ako sa mood para makipag-usap ay iniwan niya na ako sa locker room.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon