UPDATE (Z) Part 1 of 2
"Jade," tawag sa akin nang katrabaho ko na kasalukuyang kumukuha nang vital signs sa isang matandang pasyente.
Iniwan ko ang ginagawa kong pagcheck ng dextrose ng pasyente at nilapitan siya, nagmamadali na rin ako sa mga dapat kong gawin dahil malapit ng mag end ang duty ko para sa araw na ito, "Bakit?" Medyo hingal na sabi ko ng makalapit sa kanya, kanina pa kasi ako busy.
Ngumiti siya, "Pinatatawag ka nang head nurse," sabi niya kasabay ang paglagay ng stethoscope sa bulsa ng scrub suit na suot niya. "Mabuti ka pa, nakakuha ka ng recommendations." May halong inggit na sabi nito, mahirap kasing makakuha ng recommendations for abroad lalo na't nangangailangan ng registered nurses dito sa Pinas.
Napangiti ako ng mapait, hindi ko naman kasi gustong umalis eh. Kailangan ko lang talagang hanapin ang sarili ko ngayon kaya lalayo ako, "Makakakuha ka rin nyan." Pa humble na sabi ko, saglit lang akong nakipag kwentuhan sa kanya at agad na dumiretso sa lounge dahil naroon daw ang head nurse namin at nagpapahinga.
Nadatnan kong nakaupo ito, "Good afternoon po!" Bati ko sa head nurse namin, nag angat ito nang tingin at nginitian ako. Iginiya niya ako para makaupo sa kanyang tabi.
Iniabot niya sa akin ang brown envelope, "Congratulations," bati niya sa akin, inabot ko iyon at nagpasalamat. "Kaso, sayang naman regular ka na sana dito." May himig ng panghihinayang ito.
Hindi ako umimik, gusto ko rin naman na magstay dito kaso hindi ako malalagay sa tahimik kapag hindi kaagad ako nakalimot sa mga nangyari sa akin n'ong nakaraang buwan.
"Pero kung desidido ka na talaga, sundin mo lang ang mga plano mo. Basta, in case na magbago isip mo ay tatanggapin kita dito." Napangiti ako sa sinabi nito, niyakap ko siya at walang tigil sa pagsasalamat. Alam ko namang hindi lang ako ang deserving na makakuha nito pero ako ang nabigyan.
"Uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Elle nang madatnan niya ako sa may locker room na nagliligpit nang mga gamit.
Nginitian ko siya at tumango, "Oo eh, at last day ko na rin ngayon." Sabi ko, pagbibigay alam ko sa kanya. Mabait kasi siya sa akin.
Ngumuso siya, "Akala ko ba, na-regular ka na rin?" Takang tanong niya, inannounce kasi noong nakaraang linggo kung sino ang mga regulars sa batch namin na probation pa lang. At, napabilang ako doon at pati siya.
Isinara ko ang locker ko at bumaling sa kanya, "Oo, pero nakakuha kasi ako ng recommendation." Sabi ko at isinukbit ang body bag ko sa aking balikat.
Napangiwi siya, "Wow, ang swerte mo. Pero, parang biglaan naman 'ata? Akala ko ba pangarap mo maging head nurse dito?" Hindi ko malaman kung natutuwa siya o nalulungkot para sa akin.
Nagkibit balikat ako, "Kailangan ko mag abroad eh." Malumanay kong sinabi, "O sya sige, mauuna na ako." Tinapik ko ang balikat niya bago ako tuluyang naglakad palayo.
Kahit na sabihin kong malaki ang oportunidad na nakuha ko ay hindi ko pa rin maiwasan ang manghinayang, pangarap ko ang makapasok dito sa hospital na ito dahil bukod sa maganda magpa suweldo ito ay mababait ang mga staffs.
Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na iniwaglit sa aking isipan ang panghihinayang.
Naramdaman ko ang pag vibrate nang phone ko kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa, tumatawag si Venice sa skype. Sinagot ko iyon.
"Konnichiwa, Aragon-san!" Bati niya sa akin na may perfect accent pa ng isang hapon.
Napailing ako at napabungisngis, "Parang tanga ka lang, te." Sabi ko at umupo sa may waiting shed, mamaya maya na lamang ako sasakay ng fx pagkatapos naming mag usap. Hindi na ako sumasakay ng jeep.
BINABASA MO ANG
'Yung katabi ko sa Jeep
Romance[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay pag-ibig ni Jade at Darius! Jade: Alam mo ba? Saksakan nang yabang 'yung katabi ko sa Jeep! Darius: Didn't you know? You're a stalker. -UNE...