UPDATE U

856 41 97
                                    

Check out the picture, it's Thomas Jocson!

UPDATE (U)

Wala kaming ibang ginawa ni Venice kundi ang magbonding buong araw at magdamag hanggang sa hindi na kaya nang mata naming dumilat pa. Isang taon din kaming hindi na nakapagkita.

Dumating ang araw nang party, maagang umalis si Venice dahil pupuntahan niya pa daw ang mommy niya, binigyan niya ako nang spare key nang condo niya bago siya lumisan.

Ako naman ay nakahilata lang sa malaki niyang kama, iisa lang kasi ang kwarto ng condo unit niya pero malaki ang living room at may second floor pa iyon. Iba na talaga kapag mayaman ka, 'no? Ang alam ko ay milyon ang ganitong klaseng unit, malabo para sa isang tulad ko na mabilhan nang nanay ko.

Ala una daw nang hapon ako susunduin ni Tom para mabilhan ako nang susuotin para sa pangge gate crash namin sa pre nuptial party nang ate niya, kailangan daw ay ubod nang ganda ako. Kahit ibanned pa daw ako nang ate niya sa guest list ay makakalusot pa rin daw kami dahil kasama ko siya.

Hindi pa rin nawawala ang abnormal na pagpintig ng puso ko tuwing maaalala kong nalalapit na ang kasal ni Darius. Malapit nang matapos ito pero hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko.

I took a quick nap before preparing myself for the 1pm appointment, naglinis din muna ako ng condo unit ni Venice dahil ang dami naming kalat.

Nagkita kami ni Tom sa isang coffee shop malapit sa condominium, wala akong ibang dala kundi panyo at cellphone ko. Wala akong balak gumastos ng kahit isang sentimo para sa party ni Darius. Ano ako masokista? Masasaktan na nga ako, gagastos pa? Though, I know Tom will pay for the expenses.

"Bagal mo kumilos. 1:30pm na kaya!" Angal niya nang makaupo ako sa coffee table kung saan siya nakaupo. "O, nga pala? Nasaan na best friend mo?" Tanong niya.

Umirap ako, "Mamaya pa namang 8 ang party, 'di ba?" Hinigop ko ang frappuccino na inorder niya para sa akin, gan'un naman siya- umoorder na bago pa man ako dumating. "May iba siyang lakad ngayon eh." Dugtong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Oo! 8 pa 'yung party pero iyong pagwawax sa mga balahibo mo aabutin tayo ng 8pm!" Inis niyang sabi.

Ngumuso ako, "Ayokong magpa bikini wax, masakit 'yun eh." N'ung stag party kasi pina bikini wax niya ako, pakiramdam ko binalatan ako nang buhay. Iniisip ko pa lang 'yung sakit, ayoko nang maulit 'yun!

Umiling siya, "Bahala ka nga. Mukhang effective naman 'yung mildang eh," nagkibit balikat siya at isinubo ang croissant na inorder niya, "Basta, siguruhin mo lang na mapipigilan natin iyong parating nilang kasal." Dugtong pa niya habang ngumunguya.

Tumango na lang ako, naalala ko na naman 'yung kasal nila. Hindi pa rin ako sigurado kung makakatulong nga talaga ako kay Tom dahil wala naman talaga akong alam sa kung ano ang tunay na gustong mangyari ni Darius. Kung totoo ba ang mga sinabi niya o talaga bang pinaglalaruan niya lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo agad kami sa dress shop para mamili ng isusuot mamaya. Kulay puti ang motif ng party pero dahil nagluluksa daw kami ay itim ang pinili ni Tom na kulay.

Hindi din kami nagtagal sa dress shop dahil pupunta pa kami sa hair and spa salon para magpaayos.

"Wala ka bang girlfriend, Tom?" I asked out of the blue, nasa kotse na kami papunta sa hotel na kung saan magaganap ang pre nup party.

Bahagya niya akong sinulyapan pero ibinalik ang tingin sa daan, "Uhm, secret?" Patanong na sabi niya sabay halakhak.

Hinampas ko siya sa braso, "Pashowbiz ka!" Hindi siya tumigil sa kakatawa, habang pinagmamasdan ko siya ay narealize kong gwapo rin si Tom at hindi na ako magugulat kung may girlfriend na ito. Pinagtataka ko lang ay masyado siyang focused sa pag oppose sa kasal ng ate niya. Darius is not that bad, gwapo ito at mayaman din naman. Walang magiging problema sa pamilya nila.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon