ESTELLA'S POV
Mariin. Sobrang diin ng bawat kagat ko, habang ang apat na babae ay tawang tawa lang sa itsura ko.
Ha! Sige, masaya kayo dyan!
"Oh ayan, Ampalaya!" Nilagyan ni Anne ang plato ko ng Ampalaya na lalong ikinainit ng dugo ko.
"Perfect! Masyado na kasing mapait ang itsura mo!" Pumalakpak pa ang Gagang Kiesha.
Inosente akong ngumiti. "Okay lang maging bitter, kesa naman sa cheese corn." Ngumuso naman si Anne at Kiesha ng parehas ko silang tignan.
Ulowl! Hindi kayo mananalo sakin sa asaran, boy!
Sinayang nila yung ampalaya. Hindi ko naman 'to makakain. Hindi ko talaga gusto ang ampalaya, masyadong mapait. Hindi kaya ng sikmura ko.
What if isungalngal ko nalang 'to sa bibig ni Anne? Tutal malapit naman sya sakin.
"Tikman mo..." Tinanguhan ako ni Ezekiel.
Oo na, magaling saka masarap sya mag luto pero hindi talaga tatanggapin ng lalamunan ko ang mapait na gulay na 'to!
Inilingan ko sya at patuloy na kumain, pero kusa rin akong napatigil ng hindi sya gumalaw at ganon parin ang tingin nya sakin.
"Fine!" Inis na sabi ko at sinubo yung ampalaya.
No choice! kapag hindi ko ginawa, hanggang matapos kaming kumain hindi sya gagalaw sa pwesto nya. Titignan nya lang ako na parang isa syang istatwa. Tsk!
Nginuya ko ang pagkaing nasa bibig ko. Nung una ay hindi ko pa maintindihan hanggang sa napa O nalang ang bibig ko sa sarap. Hindi sya mapait, siguro dahil manipis yung pagkakahiwa.
Iba din talaga ang isang 'to. Nakakamangha.
"How is it?" Tanong ni Ezekiel.
Ay? Need ng survey?
"Ayus na." Kunwareng bored na saad ko. Tinanguhan naman nya ako saka tumuloy sa pagkain.
"Gago Pre, sarap! Iba ka talaga!" Siniko pa ni Theo ang braso ni Ezekiel.
Same thoughts, Theo.
Tinuloy ko ang pagkain ng walang pinapansin. Naaalibadbaran ako sakanila lalo na kala Fiona na panay banggit nang nakita kanina. Syempre, kailangan ko mag timpi, baka bigla nalang kasi lumipad itong plato ko papunta sakanila. Sayang naman yung pagkain.
"Magkano pusta mo?" Tanong ni Anne kay Fiona
"2k!" Sagot ng bruha.
"Saken 5k! Wala" Si Trixie
"Sakin 2k den! Meron!" Si Kiesha
"Sakin 3! Meron!" Si Theo
"Wala saken, 5k" Si Aiken
"Sakin 1k lang, gipit ako ngayon! Meron!" Si Tyler.
"Ikaw Fiona?" Tanong ni Anne
"Meron, saken!"
"8k pusta ko, Wala!" Si Anne saka pinalo ang isang palad.
Wow, rich kids. Exit nako, biruan ng mga mayayaman 'to.
Sabay sabay silang lumingon sakin. "May period O wala?" Sabay sabay nilang tanong.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING)
RomanceHe made a wrong decision and regret at the wrong time "I'm just taking back what is mine, Darling." - My Ex-husband Alessandro @Saiji.