Chapter 12

343 4 0
                                    

ESTELLA'S POV

umunat-unat ako pagkagising ko saka nauna ng maligo.

Tulog pa sila Anne, Pagod e. Nakatulong din yung pagkain kagabi para makatulog kami agad.

"Oh Apo, gising kana pala!" Bungad ni Lola saka nag morning hug.

Wow, nakiki-Lola.

"Ah opo, anlakas din po kasi ng hilik ni Tyler." Nakanguso kong sabad na ikinatawa nya..

Pwede na po ba akong maging comedian?

"Halika, may Cacao sa labas.." nakangiting aya ni Lola saka naunang lumabas.

Napagpasyahan kong gisingin muna ang mga kaibigan ko, lakas narin kasing makaistorbo ng hilik ni Tyler.

"Hoy gising naa!" Tinampal ko ang mga hita nila kaya agad naman silang nag react, pero ang Abnormal na si Tyler ay nananatiling tulog, nakanganga pa.

"Gago, lakas ng hilik!" Sabi ni Theo saka kinusot kusot ang mata nya.

"Good morning, Estella." Bati ni Ezekiel gamit ang morning voice nya, sabay sabay naman na tumingin sakin ang mga kaibigan namin saka bumati na rin.

"Mmm, Good morning din. Tara na sa labas, may cacao daw." Patungkol ko sa ginagawa nilang chocolate coffee.

Tumango sila saka nagsilabas na.

"Ikaw? Di kapa lalabas?" Tanong ni Fiona, Umiling ako kaya nag kabitbalikat sya.

Napacross arm ako habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na dinaig pa ang baka. Lumapit ako kay A.B. Tyler saka malakas na pinitik ang noo nito.

"Arayyyy!! Masakitttt!!" Sigaw nya habang nakapikit at nakahawak sa noo nya.

"Umaga na ho, gumising na senyorito!" Sarkastiko kong turan. Mangiyak-ngiyak naman nya akong tinignan.

"Eto na! Napakasama mo!" Padabog itong tumayo ng kama at lumabas ng kwarto.

Kung alam nya lang na nakakahiya kung pano sya humilik.

Paglabas ko ay may kanya kanya na silang hawak na kape habang si Tyler, nakaupo sa gilid. Mukhang batang aping-api.

"La, Nasan sila Mommy?" Tanong ni Ezekiel sa Lola nya ng mapansing wala sila Tita.

"Ah, nasa labas, Apo. Malapit narin matapos ang niluluto nila. Andyan narin ang mga Pinsan mo.." Paliwanag ni Lola, napatango-tango nalang si Ezekiel saka sumimsim na kape.

"Maliligo na ako!" Sigaw ni Trixie at akmang tatakbo nang hawakan ni Fiona ang braso nya

"Ladies First!" Salubong pa ang kilay.

"Hoy, babae ako!" Inis na saad ni Trixie.

Mukhang magkaka-pikunan pa.

"Beautiful ladies will go first!" Umirap si Fiona saka tumakbo pabalik ng kwarto. Humaba naman ang nguso ng isa.

"Hmpk! Pretty face always win!" Maktol nya.

"Hey..." Saway sakin ni Ezekiel pero diko sya pinansin. Sumimsim nalang ako ng masarap na kape. "Estella, that's mine" Mahinahon pero parang batang maktol din nya.

Eh bakit ba? Tinatamad ako e, hehe.

"Timpla ka nalang bago!" Ngumiti ako saka nag peace sign kaya napabuntong hininga nalang ito.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon