ESTELLA'S POVMatapos— hindi. May sumingit sa eksena namin kanina kaya nandito kami ngayon sa sala.
Nagpapasalamat pa nga ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Malakas lang ata ang loob ko kapag nakapikit ang mga mata nya at siguradong hindi nya ako maririnig.
"Good morning, Mrs. Dawson." The woman greeted.
Ngumiti lang ako saka tumango. Alam ko kung kaninong nanay sya.
"Have a sit, Tita." Alessandro said.
"Ah, yeah. Thank you." Umupo sya pati na ang asawa at anak nyang lalaki.
"Ano pong kailangan nyo sakin?" Mahinahong tanong ko saka uminom ng gatas.
Bumuntong-hininga muna sya bago nag salita. "Matagal kaming nag ipon ng lakas ng loob..." Panimula nya.
Manghuhula na ba ako pag sinabi kong alam ko ang mangyayari sa mga oras na 'to?
"We're sorry for what our daughter did." Tumungo ang lalaki.
Sabi na nga ba.
"Hindi namin alam na naninira na sya ng pamilya, pasensya na... Kami na ang humihingi ng tawad para sakanya."
Kung kayo ang humihingi ng tawad, kayo lang rin ang patatawarin kaya walang bisa rin para sa anak nyo.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ngayon ng katabi ko. Kung kasi sila pa ni Ayumi ay hindi nya gugustuhing marinig na taga sira ng pamilya si Ayumi dahil sya naman talaga ng mahal at hindi ako.
"Nararapat lang samin ang ganitong buhay dahil sa kapabayaan namin, pasensya na..." turan ng tatay ni Ayumi
"Mr. Davis-"
"No! We don't deserve this. My family don't deserve to suffer, Mrs. Dawson- whatever. Ikaw ang pumasok sa relasyon ng kapatid ko at ni Alessandro! Panong naging deserve namin 'to?!" Galit na singhal ng kapatid ni Ayumi!
Bastos! Ang pangit mo!
"Jason! Tumigil ka!" Saway ni Mrs. Davis sa anak nya pero mukhang hindi nya mapapasunod ang lalaki.
Nakangisi kong nilingon si Jason—kuno. "Wala kang alam sa pinaggagawa sakin ng kapatid mo kaya manahimik ka." Malamig kong turan.
Tinaasan nya ako ng isang kilay habang nakaawang ang bibig at naka-ngisi. "Alam ko lahat-"
"Oh? So Ayumi was tolerated by her brother, huh? Hindi na 'ko magtataka." Pangaasar ko dito at mukhang effective naman.
"Jason! tumigil kana!" Mariing saway naman ni Mr. Davis
"Hindi! Kahit ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, hindi ako matatakot sayo! Tama ang pinaggagawa sayo ng kapatid ko!" Inis na singhal nya at para bang anytime pwede nya akong sugudin.
Kung naririnig ng kuya ko ang pinagsasasabi nya ngayon, tatawanan nya lang ang baliw na lalaking 'to.
"Jason! Do you even hear yourself?!" Mukhang nauubusan narin ng pasensya ang nanay nya.
"Yes! Tama naman lahat ng sinabi-!"
"Excuse me Mr. Who ever you are." Putol ko sa sasabihin nya. "Baka nakakalimutan mo kung san naka apak ang mga paa mo?" Nakangising sabi ko na syang ikinatigil nya. "Hindi ko binibigyan ng permiso ang kahit na sino na bastusin ako! Wala akong pake kung kilalanin mo man ako bilang isa sa pinakamayamang tao sa mundo. May pera o wala, wala kang karapatan bastusin ako!" Mariin kong saad. Kitang-kita ko naman kung pano nag igting ang panga nya.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING)
RomanceHe made a wrong decision and regret at the wrong time "I'm just taking back what is mine, Darling." - My Ex-husband Alessandro @Saiji.