Chapter 34

132 2 0
                                    

ESTELLA'S POV

Hindi ko alam, pero siguro hindi ko talaga lucky day ngayon!

Gusto ko nang maiyak habang naka-hawak sa dalawang pisngi ko dahil halos umikot ang paningin ko kanina ng sampalin ako ng sira-ulong babaeng 'to, hindi ko naman inaano!

"WHAT?! SYA ANG NAUNA LEV! BINANGGA NYA AKO!" Sigaw ng babae kay Leviathan habang dinuduro ako!

"Correction! Nabangga kita, hindi binangga!" Sabad ko kaya muli syang hinawakan ni Leviathan ng akma nanaman itong susugod sakin.

"Tumigil kana, Patricia!" Inis na suway ni Leviathan pero sinamaan lang ako nang tingin nung babae.

Mahina kong hinila ang damit ng katabi ko para lumingon ito sakin na sya namang ginawa nya.

"Pigilan mo ako, papatulan ko yan!" Inis na bulong ko.

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Alessandro at pinandilatan ako. "Wag-"

"Pero-!"

"Wag na, sinabi!" Nananaway na bulong nya kaya napa-nguso ako.

Ang lapit-lapit ko sakanya! Hinila nya kasi ako papunta sa tabi nya! Hmpk, hindi pa man lang ako nakakalabas ng building nasampal na ako tapos dalawa pa, antibay!

"Napaka war freak mo, Patricia!" Inis na bulyaw ni Leviathan dun sa babae.

"Ah ganon? So kinakampihan mo yan kesa sakin?!" Inis na dinuro ulit ako nung babae, nanahimik naman si Leviathan

"Tsk! Hindi ka lang sinuwerte kay Sandro kagabi e!" Bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig nya yun dahil halos hablutin nanaman ako ng babae, mabuti nalang ay hawak sya ni Leviathan.

"ANONG SABI MO?!" Sigaw nito kaya halos mapa-tago ako sa likod ni Alessandro! Kainis! Sumasakit na talaga ang ulo ko!

"Tumigil kana sabi! Hindi kaba nahihiya?!" Leviathan.

"AT BAKIT NAMAN AKO MAHIHIYA SA BABAENG YAN-?!"

"Sakin ba, wala kang balak mahiya, Quezon?" Biglang malamig na turan ni Alessandro.

EEEHHH? Quezon? Edi kamag-anak sya ng kamag-anak ni Alessandro?! Buti nalang hindi sila ni Alessandro yung magka-apilyedo. Ang laswa naman tignan, matapos nyang halik-halikan si Alessandro kagabi ano.

Nanahimik naman yung babae. Sumilip ako sa babae habang nasa likod parin ni Alessandro. Binelatan ko sya at nakita naman nya yun kaya tinago ko na ulit ang mukha ko sa likod ni Alessandro.

"Nakita mo ba yun?! Nang-aasar pa!" Rinig kong mariing bulong ng babae at mukhang kay Leviathan nya yun sinabi dahil narinig ko ang mahinang pag tawa ng lalaki.

"Tigilan mo ang suot ko, Estella." Malamig na turan ng pader sa harap ko.

Ngumunot naman ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ibig sabihin nya. Pero ilang sigundo lang yun dahil nakita ko ang kamay ko sa dulo ng suit nya. Ngi-ngiti-ngiti kong binitawan yun.

"Didn't i tell you to pack your things-"

"A-ano, pwede umalis na ako? Hindi ko naman siguro need pakinggan ang sermonan nyo..." Mahina kong putol sa sasabihin ni Alessandro kaya medyo humarap sya sakin at sinamaan ako nang tingin! Masamang masama! "N-nilalamig na kasi ako" Pag-dadahilan ko dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang pag singit ko sa sasabihin nya.

Bumuntong hininga si Alessandro saka tinanguhan ako, kaya malawak akong napa-ngiti saka na tumakbo paalis, hindi ko na inintindi ang masamang tingin ng bruhildang babaeng yun. Pero masakit ang sampal nya sakin kaya gagantihan ko sya pag may chance, hmpk!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon