Chapter 37

118 4 0
                                    

ESTELLA'S POV

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin matapos kong ihatid sa gate ang mga kaibigan ko. Gabi na rin kaya umuwi na sila.

Nanonood ng TV si Alessandro pag pasok ko palang sa pinto. Hindi ko na pinansin at nag-tungo nalang sa hagdan dahil pakiramdam ko ang haba ng araw na 'to.

"Estella." Napa-tigil ako sa pag-akyat sa hagdan nang tawagin ako nito. Bumuntong hininga ako saka nag-lakad pababa ng hagdan.

Kasama namin sya buong araw. Hindi sya umiimik pero halatang wala sa mood dahil hindi ko sya nakitang hindi naka-kunot ang noo. Tapos ilang beses ko pa syang nahuli na masama ang tingin kay Ezekiel, pinapatay na siguro nya ang kaibigan ko sa isip nya.

"Oh?" Tanong ko saka na-upo sa sofa kung saan sya naka-upo.

Humugot ito ng malalim na hininga saka tinanggal ang paningin sa TV saka ako hinarap. "Ikaw ba talaga ang nag-luto nung tinola?" Mahinang tanong nito.

"Eh? Oo." Kahit nag-tataka ay sinagot ko ang tanong nya, napa-buntong hininga naman sya. "Baket? Pamilyar ba ang lasa?" Natatawa kong tanong pero hindi sya umimik. "Yun lang ang gusto at kaya kong lutuin, pati yung sinigang na hindi mo man lang kinain ay kaya ko." Natatawang turan ko parin nang maalala ang unang ulam na iniluto ko para sakanya AT para sa gelpren nya. "Pero hindi ko na ulit triny lutuin yun, kasi kahit masarap yun sa panlasa ko, mukhang hindi mo naman talaga nagustuhan kaya hindi ko na ipinilit pa." Kumibit-balikat ako.

"Bakit..." Tumigil agad sya nang pagsasalita matapos nyang ibuka ang bibig nya, saka sya humugot muli ng malalim na hininga. "B-bakit tinola lang ang gusto mo?" Mukhang hindi nya talaga yun gustong itanong. Hirap na hirap sya sa pag-bigkas ng bawat word.

"Alam mo, dalawa kasi ang itinuro sakin ni Manang. Sinigang at tinola, pero tinola lang talaga ang nagustuhan ko. Yung sinigang, wala na talaga akong balak ipilit." Saad ko.

"Bakit?" Muling tanong nito.

"Bakit tinola lang ang nagustuhan ko?" Tanong ko rin sakanya, tumango naman sya at halatang gusto talaga malaman ang sagot. "Favorite mo yun, e." Tanging sagot ko saka naka cross arm na sumandal sa sofa.

"Y-you..." Rinig kong bulong nito sa sarili nya.

Natawa nalang ako.

Hindi nya talaga alam kung gano ko ka-gustong maging asawa nya.

Mahina syang umubo saka muling itinuon ang paningin sa TV.

Hindi ko alam kung anong title ng pinapanood nya pero alam kong comedy yun. Hindi fan si Alessandro ng action movies. Mas prefer nya ang romance, fantasy at lalo na ang comedy. Pero kahit na ang pinaka nakakatawang movie sa buong mundo ang ipanood sakanya ay hindi sya makikitaan ng emosyon.

Hirap pasayahin.

"That Ezekiel..." Biglang turan nya kaya nalipat ang paningin ko sakanya. Naka-tingin naman sya saakin. "Is he your Boyfriend?" Biglang seryosong tanong nito.

"Yes." Mabilis na sagot ko. Agad naman syang nag-iwas nang tingin. Kahit patay ang ilaw at liwanag lang galing sa TV ang meron ay nakita ko parin kung paanong umigting ang panga nya. "With a space in between." Dugtong ko saka mahinang natawa

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon