ESTELLA'S POV
"Thankyou." Naka-ngiting pasalamat ni Noah nang makabalik kami sa mga kaibigan namin.
Nginitian ko sya saka na-upo sa tabi ni Ezekiel. "Magaling ka nga sumayaw, 'no?" Natatawa kong turan, mahina rin naman syang natawa.
"Ganon talaga pag maraming sinasayaw na chix!" Sabad ng kaibigan ni Alessandro na nasa tabi ni Leo saka ito tumawa.
"Love." Tawag ni Theo kay Kiesha saka sila tumayo at nag-tungo sa dance floor.
"Baby, sayaw tayo!" Aya ni Aiken kay Anne saka tumayo. Malawak namang ngumiti si Anne saka tumayo na rin at nag-tungo sa dance floor.
Balak ata banggitin ni Aiken lahat ng endearment na alam nya -,-
"Estella, is it okay to get your number-?"
"Estella."
Natigilan sa pagsasalita si Noah nang sumingit si Alessandro. Nilingon ko naman sya.
Bumuntong hininga sya saka tumayo. "Let's talk." Pagkasabi nya non ay hinila nya ako patayo, para naman akong manikang basta nalang nahatak! "Excuse us." Paalam ni Alessandro sa mga kaibigan nya saka ako hinatak paalis.
Nang makalabas kami sa club ay agad akong nagpa-bigat dahil mukhang may balak pa syang dalhin ako sa kung saan.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sakanya. Bumuntong hininga naman sya saka humarap sakin.
"Why are you here? Hindi ka nagpaalam sakin, Estella." Malumanay nyang turan.
Tinaasan ko naman sya ng isang kilay. "At bakit naman ako magpapaalam sayo?" Tanong ko.
"Because I'm your Husband." Sagot nya na syang ikina-tawa ko. "Estella!"
"I'm your friend, Sandro." Sarkastikong turan ko.
Parang bata naman itong ngumuso saakin.
Hindi sya si Alessandro! Isa syang maligno na sumapi sa katawan ni Alessandro the great monster!
"You know the reason why I have to say that..." Malumanay parin nitong turan.
"Alam ko at ginagampanan ko lang ang parti ko para hindi ka ma-perwisyo." Saad ko. "Bitawan mo na ako." Utos ko sakanya pero umiling-iling ito.
"Let's go home." Malambing na turan nito kaya pa-simple kong kinagat ang ibabang labi ko para hindi tuluyang ngumiti. "Please... Hindi pa ako kumakain, let's eat together." Muling saad nya sa ganong tono.
Hindi pa sya kumakain?! Bakit?! Kainis!
"I-ikaw nalang, kumain na kami ng mga kaibigan ko." Pagmamatigas ko at pilit na inaalis ang kamay nya na nasa pulsuan ko.
"Sige, umuwi nalang tayo?" Aniya, inaalam kung yun ang gusto ko.
"Ikaw nalang. Uuwi ako mamayang 10 o'clock." Saad ko at malakas na hinila ang kamay ko, nang makuha ko naman ang kamay ko ay agad nya ulit yung hinawakan. "Sandro!"
"No... Sabay nalang tayong umuwi mamayang 10. I'll stay with you." Aniya habang naka-tingin ng deretso sa mga mata ko.
"Sasabay ako sa mga kaibigan ko-"
"Estella! Stop doing this to me!" Pagtataas nito ng boses at nagmama-kaawang tumingin sakin na syang ikina-gulat ko.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING)
RomanceHe made a wrong decision and regret at the wrong time "I'm just taking back what is mine, Darling." - My Ex-husband Alessandro @Saiji.