Chapter 32

131 5 0
                                    

ESTELLA'S POV

Tinitiis ko ang sakit ng ulo ko habang kumakain ng gabihan. Yup, nagka-sakit ako kahapon ng gabi. Pero worth it naman, pero unfair kasi ako lang yung nagka-sakit. May favoritism yung ulan, tsh!

"Hija." Nilingon ko si Manang ng tawagin nya ako. May hawak itong phone na keypad.

"Po?" Tanong ko.

"Uminom ka na raw ba ng gamot?" Tanong nito na ikina-kunot ng noo ko.

"Sino hong nag-tatanong?" Tanong ko. Sandali itong nanahimik, animong may pinapakinggan sa cellphone nya.

"Ah, ako Hija" Aniya.

Ako pa lolokohin ni Manang oh.

"Hindi pa po." Sinagot ko nalang. Kung ayaw nya naman sabihin, ayus lang. Hindi naman ako ganon ka curious.

Tumango na si Manang at umalis. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Kumuha na rin ako ng ice cream sa ref mwehehe. Kumuha narin ako ng maliit na kutsara para dun

Aware ako kung gano katigas ang ulo ko.

Binuksan ko lang yung ice cream at itinabi muna yun sa tubig ko saka ko tinuloy ang pagkain ko. Masarap ang ulam, kalabasa. hindi ko alam ang luto, pero basta kalabasa! Si Manang ang nag-luto. Ang sabi ko gusto ko ng steak pero kalabasa ang niluto nya kasi yun daw ang utos ni Alessandro.

Parang timang yung Alessandro na yun, hindi naman sya ang kakain e!

Pero i don't mind since ampalaya lang naman talaga ang hindi ko gustong gulay.

Nang matapos akong kumain ay kinuha ko na ang ice cream ko, pero nung susubo palang ako ay nagulat ako ng may pumasok sa kusina.

"The hell are you doing Woman?" Kunot noong tanong nya habang naka-tingin sa hawak ko.

"Susubo ng ice cream?" Sagot ko, as if it's not obvious.

"Are you actually aware that you have fever?!" Inis nitong tanong at hinablot ang ice cream ko kaya napa-nguso ako.

"Aware ako okay? Akin na yan! Need ko ng dessert, hindi mo ba alam yun?" Naka-nguso kong turan pero inilingan nya lang ako at inihagis sa lababo yung ice cream ko.

Hays, fly high ice cream...

Inilapag nya sa lamesa ang basket na may mga prutas kaya kunot-noo ko lang yung tinignan. Tumingin naman si Alessandro sa pinagkainan ko saka sya may nilabas sa bulsa nya.

"Here." Abot nya ng gamot kaya kinuha ko yun. "Inumin mo yan." Aniya saka lumabas ng kusina.

Nag-kabit-balikat lang ako at sinubo yung gamot saka uminom ng tubig. Tumayo narin ako at nilagay yung pinagkainan ko sa lababo saka lumabas ng kusina ng may marinig akong nag-uusap.

Si Alessandro, may kasamang babae.

Natigil sila sa pag-uusap nang makita ako kaya patay malisya lang akong dumiretso nang lakad animong hindi sila nakita. Bigla namang may humawak sa kwelyo ng damit ko sa likod kaya tumigil ako sa paglalakad dahil halos masakal ako.

"Aray ko naman!" Pabulong kong singhal kay Alessandro pero hindi nya ako pinansin.

"I'm sorry, who is she? Sir?" Tanong ng babae.

Sumi-Sir. Mukhang importante pinag-uusapan nila.

Tumingin sakin ang babae matapos nyang tumingin kay Alessandro. Tinaasan nya ako ng isang kilay animong hinihintay ang sagot ko.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon