Chapter 16

305 3 0
                                    

ESTELLA'S POV

Pumasok ako sa loob ng bahay ng marinig ko ang tawag ni A.B. Tyler. Ano nanaman kayang problema non?

Napatingin ako kay Ezekiel na nakaupo sa sofa habang nakatayo naman sa harap nya ang mga kaibigan namin.

Ang itsura ni Ezekiel ay kala mo nadaya sa pasugalan.

"Anyare dyan?" Kunot noong tanong ko, inayos ko naman ang karga kay Jessica. Medyo nakakangalay narin kasi.

"Hala ka!" Ginalaw-galaw ni Tyler ang hintuturong daliri nya like I did something wrong.

Kunot noo kong binalik ang tingin ko kay Ezekiel. Kinagat naman nya ang ibabang labi nya.

"Hindi mo raw sya pinapansin." May pananakot sa boses ni Aiken.

Hala, matatakot na ba ako?

"Big deal?" Takang tanong ko. Natigilan kami ng padabog na tumayo si Ezekiel saka pumasok sa kusina. Mahina namang natawa ang mga kaibigan ko.

"KUYA EZEKIELLL TINATAWANAN KA!" Sigaw ng magpipinsan, andito narin pala si Avery na tahimik lang na nakaupo.

"Hoy bata! Napuputol daw ang dila ng sumbungera.." Pananakot ni Tyler sa kapatid ni Mais.

"Bata your face!" Masungit na sigaw nya saka lumapit sakin at humawak sa braso ko. Nakanguso naman syang sinundan ng tingin ni Tyler

Wala ka pala sa bata e.

"The food is ready!" Sigaw ni Ezekiel mula sa kusina. Halatang badtrip.

Nag kibit-balikat nalang ang mga kaibigan ko saka nauna ng pumasok sa kusina ganon din ang ibang pinsan ni Ezekiel. Naiwan naman kami nila Jessica at Avery kasama ang kapatid na babae ni Jessica.

"Halika na kayo, kumain na tayo." Mahinang turan ko, tumango ang dalawang bata saka sumundo sakin. Nakahawak parin yung kapatid ni Jessica sa braso ko.

Bago makapasok sa kusina ay saktong kakababa lang ni Mais. Binangga nya ang balikat ko saka naunang pumasok sa kusina. Tumigil ako at pinakalma ang sarili ko. Ayokong mag mura, baka gayahin ng mga batang kasama ko pero mamaya ka sakin Mais!

Naiilang ako. Hindi ako makakain ng maayos kasi hindi inaalis ni Ezekiel ang paningin nya sakin, ni hindi nga ata sya kumukurap. Deretso ang likod na kumakain at na sakin lang ang atensyon.

Tinaasan ko sya ng kilay na syang ikinasama ng tingin nya. Halatang kanina pa sya nag titimpi.

"Nakakawalang gana." Mariing bulong nito. Akala nya siguro di namin naririnig.

"Ano ba talagang problema ng Abnormal na yan?" Tanong ko kay Tyler pero ang loko nginisian lang ako.

"Ha! Ako pa Abnormal?" Mahinang turan ulit ni Ezekiel habang nakayukong kumakain.

"Hoy Ezekiel!" Inis kong tawag dito. Bumuntong hininga sya bago ako harapin. "Anong hinihimutok mo dyan?" Iritadong tanong ko.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon