ESTELLA'S POV
"Masarap, Hija!" Napangiti ako sa sinabi ni Manang nang tikman nya ang niluto kong tinola.
"Pwede na ba akong mag chef, Manang?" Pabiro kong tanong at sabay naman kaming natawa.
Tinola daw ang paburitong ulam ni Alessandro kaya nagpaturo ako kay manang mag luto. Hindi naman naging mahirap yon dahil hindi ako na pressure nang isiping para kay Alessandro ang niluluto ko.
Nagkakainteres ata ako sa pagluluto kapag alam kong sya ang kakain.
"Napaka swerte saiyo ni Alessandro, Hija. Hindi ko lang mawari kung bakit hindi nya iyon makita," nakangiting saad ni Manang.
Hindi talaga nya yon makikita, bulag sa Ayumi ang isang yon.
Umiling-iling ako at iwinaksi ang iniisip. Maganda ang mood ko, ayokong sirain yon.
Nag lagay na ako sa puting bowl ng tinola. Maganda rin daw kasi ang mainit na sabaw sa may sakit. Inutusan ko nalang rin ang isang maid na mag dala ng tubig at gamot.
Pag bukas ko ng pinto ay gising na pala si Alessandro. Nakatulala sa ceiling. Ang lalim ng iniisip. What if sisirin ko?
Lumapit ako sakanya pero mukhang hindi nya naramdaman ang presensya ko. Napansin ko rin ang pamumugto ng mata nya at pamumula ng ilong.
Malalim akong nagpakawala nang buntong hininga na syang ikinalingon nya sakin. Bahagya pang kumunot ang noo nya pero nginitian ko lang sya.
"What are you doing here?" He asked in his deep voice. Ang lalim, kasing lalim ng pagmamahal ko sakanya.
Umupo ako sa gilid ng kama nya. Ng gusto nyang umupo ay inalalayan ko sya.
"Halika, Tikman mo-" napatayo ako at napapikit ng maramdaman ang hapdi sa balat ko.
Ang Gago! Tinabig ba naman!
Mabilis kong iginalaw-galaw ang kamay ko sa hangin! Para akong kinukuryente!
"Ouch, ouch!" Mahinang daing ko habang ramdam na ramdam parin ang init.
Inis kong tinignan si Alessandro pero inismiran lang nya ako.
Napakasama talaga ng ugali mo!
Pasalamat ka may sakit ka! Itutulak sana kita sa balcony kung nagka-taon.
"Ang sama mo!" Pabulong kong singhal sakanya.
"I don't need you here, Estella. I'm not hungry so leave me alone." Malamig nyang turan habang nakatingin sa bintana ng kwarto nya.
Wow? Sana hinayaan nalang kitang mamatay sa lagnat kagabi!
"I don't need you here pero hindi kayang gamitin ang power nya para gumaling ang sakit." Bulong ko sa sarili ko.
Pinulot ko yung bowl saka nag flipped hair at lumabas ng kwarto.
Ha! Damhin mo ang katarayan ko!
"Aysusmaryosep, Hija! Anong nangyari sayo? Nasunog ata ang balat mo, jusko po!" Tarantang saad ni Manang saka kinuha ang bowl at hinawakan ng marahan ang namumula kong kamay.
Matamis ko syang nginitian saka umupo sa upuan sa lamesa. Umalis si Manang sandali at maya-maya lang ay inabutan ako ng ice pack.
Idinikit ko na yon sa kamay ko. Ang laki ng namula. Baka mag pasa ito.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING)
RomanceHe made a wrong decision and regret at the wrong time "I'm just taking back what is mine, Darling." - My Ex-husband Alessandro @Saiji.