Chapter 35

153 5 0
                                    

ESTELLA'S POV


"Mabuti pa raw yung Pinsan ko at pinapa-takbo na ang negosyo nila Tita, can you believe that?! I-compare ba naman ako!" Iritadong turan ni Fiona. Inuumpisahan na raw kasi syang sermonan dahil ayaw pa mag-trabaho ni Fiona sa company nila.

"Oh my! Grabe nga yun, Fiona!" Pag-sangayon ni Tyler at pa-simpleng kinuha ang fried chicken sa plato ni Fiona.

"Sobra!" Inis na sambit ni Fiona saka uminom ng beer.

Napa-iling-iling nalang ako dahil hindi napansin yun ni Fiona. Kung ako yan, kapag sumang-ayon sakin si Tyler, alam ko na agad na may ka-abnormalan syang gagawin.

Napa-lingon sila saaking lahat ng malakas akong bumuntong-hininga.

"Problema mo, Girl?" Tanong ni Kiesha saka sya sinubuan ni Theo ng ice cream.

Really?! Infront of my tsukulit puding?!

"Iniisip ko lang, ano kaya kung mag tayo ako ng sarili kong negosyo? Magaling naman ako mag manage kahit na alam kong si Kuya ang heir ng Cooper, e marami parin naman akong natutunan about sa business." Saad ko saka sumubo ng chocolate pudding.

"Estella?! Ikaw ba talaga yan?!" Nagugulat na parang tangang tanong ni Tyler kaya napa-busangot ako.

"Bakit mo naman iniisip yan?" Biglang tanong ni Anne.

Bumuntong-hininga ulit ako. "Naboboring kasi ako sa bahay lalo't lagi namang wala si Sandro." Sagot ko na ikina-kunot ng noo nila.

Palagi namang ganyan, kung hindi sabay-sabay nang sasabihin, pare-parehas naman ang reaksyon.

"At bakit kapag andyan si Alessandro, hindi ka bored?" Naka-kunot ang noong tanong ni Trixie.

"Syempre! Kawawa sa asar sakin yun e, kaya tuwang tuwa ako." Naka-busangot kong sagot.

Umiling-iling si Anne. "So anong gusto mong business, kung sakali?" Tanong nya.

"Restaurant." Maikling sagot ko saka muling sumubo ng chocolate pudding.

Lumapit samin si Ezekiel dala ang square na plato na may laman na takoyaki.

"Gusto mong mag restaurant?" Biglang tanong ni Ezekiel. Hindi ko sya sinagot at kumuha nalang sa takoyaki na hawak parin nya.

Pag-subo ko non ay agad kong iniluwa ang takoyaki sa kamay ko saka ko nilagay sa plato ko.

Pakshet ang init!

"Buang yan, Beh. Mag r-restaurant, e hindi naman marunong mag-luto." Biglang saad ni Fiona kaya nag tawanan sila.

"Bakit ba?! Marunong naman na ako mag-luto ng tinola! Atsaka, ayan naman si Ezekiel oh, pwede ko syang kuning chef!" Inis na turan ko saka sinubo ulit ang takoyaki pero muli ko lang ulit yung niluwa.

Ang dila ko!

"Buang ka pala talaga, e." Ani Anne pero hindi ko sya pinansin at tinutukan lang ang isang pirasong takoyaki sa plato ko. "Alangan naman tinola lang ang lutuin mo sa restaurant? Atsaka, kung pwede naman pala mag chef itong si Ezekiel edi sana isa na sya ngayon sa mga famous chefs dito sa pinas! Alam mo namang hindi nga sya pinapayagan ni Tita El!"

Sinubo ko ulit ang takoyaki at pinag-tiisan ang init! Mas masarap daw kapag mainit. Yan ang mga gustong gusto nila! Masarap pero masakit! Buti nalang hindi ako ganon!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon