ESTELLA'S POV
Tahimik lang akong naka-upo sa upuan ng lamesa dito sa kusina habang pinapanood si Alessandro na nagluluto. Walang T-shirt at may suot na apron.
Sya yung pawisan pero mukhang ako yung naiinitan sa kakatingin sakanya!
Damn his biceps!
Napa-iwas ako nang tingin at naubo nang mag lakad na sya papunta sakin dala ang ulam na niluto nya. Bistek.
Inilagay na nya sa lamesa ang plato kung saan naka-lagay ang bistek saka sya na-upo sa tabi ko.
"Let's eat?" Nginitian nya ako pero kinunutan ko lang sya ng noo kaya gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. "What?"
"Dun ka maupo sa tapat ko." Yun lang ang sinabi ko saka nag-lagay na ng kanin sa plato ko.
"Ayoko." Napalingon ako sakanya nang sabihin nya yun at hindi nga sya gumalaw sa kina-uupuan nya.
"At baket?" Kunot-noong tanong ko.
"G-gusto kitang... Subuan." Nahihiyang turan nito habang hawak ang tinidor.
"Ano ako bata? Dun ka na! Baka sapian ka bigla at ihagis mo nalang ako palabas ng kusina!" Pananaboy ko sakanya.
Mabuti na yung sigurado, baka mamaya magka-sapi 'to!
"What?!" Inis nitong tanong. Ayan na nga ang halimaw! "You seriously believe I would do such thing?!" Naiinis parin nitong tanong at patapon na binitawan ang tinidor sa plato nya.
Nginisian ko sya na syang ikina-sama nang tingin nya. "I always believe in facts."
"You're unbelievable!" Iiling-iling na turan nya.
"I know. Now if you don't mind, please umalis ka sa tabi ko." Saad ko saka sumubo ng ulam.
Sarappp!
"I do mind-"
"Wala akong pake, alis!" Pinutol ko ang sasabihin nya saka nag 'go away' hand gesture.
"No! Estella-" Napa-tigil sya sa pag-iinarte ng itapat ko sa mukha nya ang palad ko, halos maduling naman sya sa pag tingin dun.
"Talk to my hand." Yun lang ang sinabi ko atsaka kumain na.
Ansarap talaga. Kung hindi lang short tempered itong Alessandro na 'to ay sakanya ako magpapa-turo mag luto tuwing sabado at linggo na hindi ko kasama ang mga kaibigan ko. Sayang. Mainitin kasi masyado dugo, baka imbis na karne yung pakuluan ay ako ang isalang nya sa kumukulong tubig dahil sa hirap kong turuan.
Napa-tigil ako sa pag nguya nang marahang hawakan ni Alessandro ang kamay ko! Eto nanaman ho kami! Ang pangit kapag hindi sya aware na halos mag away-away ang internal organs ko dahil sa pinag-gagagawa nya!
What if masuka ko bigla puso ko? What if pumutok yung utak ko? What if ibenta ko nalang dalawang kidney ko para dead end na?
Kinuha ni Alessandro ang tinidor sa plato ko at tumuhog ng karne sa ulam na niluto nya saka yun tinapat sa bibig ko.
Bumuka naman ang bibig nya, animong dine-demonstrate sakin kung pano ngumanga para maka-kain! Ano ako bata?!
Pwede naman, baby mo.
Tumaas-baba taas-baba ang dalawang kilay ni Alessandro habang naka-ngiti. Napa-buntong hininga nalang ako at walang nagawa kundi isubo yun dahil hindi ko matanggihan ang cuteness nya!
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING)
RomanceHe made a wrong decision and regret at the wrong time "I'm just taking back what is mine, Darling." - My Ex-husband Alessandro @Saiji.