CHAPTER 8: HEARING A SECRET
"Oh? Anong ginagawa mo dito Donya Glazy?" huh? DONYA?
"Boss naman eh! Sorry nga po pala hindi ako nakapag-paalam sa inyo na papasok na po ako. Biglaan po kase eh." paliwanag ko. Nadaanan ko itong restaurant sa paglalakad ko. Magsasara na nga eh. Remember? Iniwan ako ni Kelvin the monster! Hayz!
Nakakapagod maglakad. Ang sakit sa paa!
"I see! Hindi naman obvious sa suot mo?! At talagang asensado na tayo ngayon ahh. Galing nga pala dito yung lukaret mong kaibigan! Aba eh, hinahanap ka. Ang sabi ko nag-forced leave ang bruha! Ayun tyaka lang umalis! Pilit ka ba namang hinahanap sa bulsa ko!"
"Si Inggrid po?"
"Aba eh, sino pa nga ba? May iba ka pa bang kaibigan?!" Sabay higop ni Boss. Ewan ko kung anong klaseng drinks yun. Bago yata sa menu.
"Meron pa naman po. Ah boss, pwede pa naman po akong pumasok dito di po ba?"
"Hoy Glazy! Kinausap ako ng chairman ng Vergara Group. At alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin?"
"Ano po?"
"Hindi ka na daw dito magta-trabaho--"
"Alam niyo na po Boss?!" Putol ko sa kanya.
"Actually hindi pa malinaw sa akin, pero sa pagkakaintindi ko--"
"Alam niyo na talaga?!"
"Eto nga sasabihin ko na nga! Manahimik ka muna diyan!"
"Opo."
"Medyo malabo kase yung paliwanag sa akin nung chairman eh, pero--"
"Pero ano po?!"
"Oh siya! Ikaw na! Ikaw na lang ang magkwento! Kwentuhan mo sarili mo!"
"Boss naman eh sorry na, ituloy niyo na."
"Pigil kase ng pigil! Eto ah makinig ka na! Totoo bang ikaw Glazy Jean Himenez, ang magiging future wifey ng Apo ng mga Vergara? Don't lie! Alam ko blurred yung lines nung matanda pero, matalas ang pandinig ko!"
"Sinabi po talaga ni Sir Vergara yun?"
"Iyun naman eh, masinsinang usapin. Lalaki sa lalaki. Ipinakiusap din sa akin ng mga Vergara na huwag munang ikalat ang Breaking news. Ako naman eh, mapagkakatiwalaan."
"Boss, lalaki sa lalaki?" O__o? Parang hindi ako agree dun!
"Oo! May technical problem man dun sa sinabi ko eh basta! Bakit ko naman ipagkakalat ang isang balita na pwedeng makapatay sa akin?! Ano ako hilo?! Alam kong hindi magdadalawang isip ang mga Vergara na patayin ako kapag kumalat yung balitang yun! Glazy, ako lang ba talaga ang nakakaalam pa nung balitang yun?" pagsisigurado niya.
-__-! "Yung mama ko po, pero nasa ibang bansa po siya ngayon eh."
"Hay nako! Wala na ba talagang iba?!" Pinagpapawisan na siya.
"Ah! Meron pa po! Si Migz!" I said.
"Migz? Migz? Hindi ko yata kilala yun?!"
"Kababata ko po si Migz. Hayaan niyo po, next time dadalhin ko siya dito!"
"Salamat naman! May karamay ako sa sikretong yun!" mukhang nakahinga na nga si Boss.
KELVIN POV:
Malayo pa lang tanaw ko na si Mommy na naka-abang sa front door. What the heck is she doing there? And maaga ata siya ngayon? Dati kase uuwi siya sa pagitan ng 10 to 12 AM.
I got out of the car. Dere-deretso papasok sa bahay.
"Kelvin, hindi mo ba kasabay si Glazy?" hmm? Nakalampas na ako kay Mom ng marinig ko yun. I stop.
BINABASA MO ANG
Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]
HumorBOOK 1 of DANGER SERIES Published under LIB *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tam...
![Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]](https://img.wattpad.com/cover/86777-64-k941149.jpg)