CHAPTER 35: I'm PREGNANT?!

15.8K 215 8
                                    

CHAPTER 35: I'm PREGNANT?!

"Oh Sir, may bisita ho pala layo, sandali lang ho at maghahanda ako ng makakain."

Wala na rin namang nagawa si Kelvin, kase pagkasabing pagkasabi nun ni Manang Pola pumasok na agad ito sa kusina.

Si Manang Pola ang ina ng tatlong Maria.

Speaking of tatlong Maria! Hindi ko pa sila nakikita ngayon. Pero sigurado pagnakita nila si Hero hindi na naman sila mapapakali.

Nabalik lang ang atensyon ko kina Kelvin at Hero ng higitin ako bigla ni Kelvin at ang tendency ay mapa-upo ako sa tabi niya.

~__~ Pati ba naman sa harapan ni Hero ganito parin niya ako tinatrato.

"Ayos tong lugar na to ah, tagong-tago talaga." Naka-upo si Hero sa tapat namin. Palinga-linga sya sa paligid na para bang nag-oobserve.

Alam kong nagpipigil lang si Kelvin pero..

-___- Alam ko rin na sasabog din sya.

Gusto kong maayos na to.

Kaya ako na ang magsisimula.

"Hero, hindi kita gusto at kahit kelan hindi kita mamahalin. Si Kelvin lang ang pakakasalan ko sa simbahan. Kaya pwede ba, lubayan mo na kami! Ikaw nalang ang umurong sa kasal at magpaliwanag ng lahat lahat sa grandpa niyo ni Kelvin. Okay?! Naiintindihan mo ba?!"

Pero syempre hindi iyan ang inilabas ng bibig ko. Kahit na iyun naman talaga ang gusto kong sabihin. V.V

"Hero sorry--"

"Hwag ka ngang magsorry sa kanya! Kung tutuusin nga sya dapat ang mag-sorry!" Putol ni Kelvin sa sasabihin ko.

Nanlilisik ang mga mata niya saken! Nakakainis!

"UGH! Matigas ka talaga Kelvin." Ibinaling naman ni Hero ang tingin sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita. "Wala kang dapat ihingi ng sorry sa akin, Glazy. Sumama ka lang saken, magiging okay na ang lahat."

O.O EH?! AYOKO NGA!

Napakapit tuloy ako sa braso ni Kelvin.

"Kung umaalis ka na ditong mag-isa ay di magiging okay na lahat!" Kelvin.

(TTwTT) WAAAAH! KELVIN! Wag mong hayaang kunin niya ako!

"HAHA! Hindi ko akalain na bingi ka pala Kelvin." Hero.

"Anong sinabi mo?!" =__= sabi ko na nga ba eh. Kung hindi ko pa sya napigilan, nasuntok na naman niya si Hero.

Maikli talaga ang patience nitong lalaking to.

"Kelvin..." Ako

"Easy bro! Mukhang hindi mo kase ako naiintindihan. Let me explain it to you. Hindi ako aalis dito sa Hacienda mo hangga't hindi ko kasama ang fiancé ko."

Nararamdaman kong napupuno na naman si Kelvin.

"BUT! Lingid sa kaalaman mo, hindi ko tipo yung namimilit ng tao. Kaya I'll wait for the right time na sumama sya saken, in her own will. Ganun kasimple." Then nag-smile sya mischievously.

Mukhang nag-eenjoy siyang panoorin na mainis st sumabog sa panggagalaiti si Kelvin.

Sa totoo lang hindi ko ito ine-expect.

Ang laki ng ipinagbago ni Hero.

O talagang hindi ko talaga sya kilala?

Haay.

**

Nililibot ko ang buong Hacienda.

Ayoko kasing umuwi sa Main house. Tiyak nandoon si Hero. Isa syang guest at kailangan syang tanggapin at pakitaan ng magandang pakikitungo ng mga tao dito sa Hacienda carvegas. At hindi na rin naman tumanggi si Kelvin. Sa takot na baka kapag-itinaboy namin si Hero dito sa Hacienda eh magsumbong sya kay Sir Vergara at matunton kami. Nangako rin naman kase si Hero na hindi sya magsasalita sa totoong nangyayari at wala syang pagbibigyan ng impormasyon na nandito kami ni Kelvin.

Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon