CHAPTER 26: LONGEST STORY EVER TOLD!

13.5K 237 11
                                    

CHAPTER 26: LONGEST STORY EVER TOLD!

"MAMA!!" Tumakbo ako papalapit sa kanya saka ko siya niyakap ng sobrang higpit.

TT__TT

"Ma... Miss na miss na kita. Mabuti umuwi ka na."

"Wag ka ngang masyadong ma-drama Glazy! Parang isang taon akong nawala sa kinikilos mo ah." Humiwalay si mama sa pagkakayakap ko.

TToTT

Mama naman eh!

Nag-pout ako.

"Mas mahaba pa ang nguso kesa sa ilong!"

"MAMA!!!"

"Ahahaha~~ Si tita si Pinochio! ahahaha~~" Singit ng kambal kong pamangkin.

hmm?!

"Ganun pala huh?! Humanda kayo sa Pinochio niyong tita! WHAAAH!" Ginulat ko palang yung kambal ng lagay na yan pero wag ka! nagtakbuhan na palabas ng bahay ng mga Vergara. Oo nga pala, hindi ko nasabi sa inyo na nasa mga Vergara kami ngayon. Sinundo kami nung mga tauhan ni Sir Vergara.

***

"Mama alam niyo na ba yung nangyayari dito sa mansion?" tanong ko kay mama habang inaayos ko yung mga gamit niya. Nakaupo ako sa kama at si Mama naman busy sa paglalabas ng mga kung anu-anong souvenirs galing sa ibat ibang bansa na pinanggalingan nila.

"Oo naman. Updated ako sa lahat ng kaganapan dito." Madaliang sagot niya.

-___- "Eh ma ayos lang sa inyo na iba na yung pakakasalan ko?"

"Kahit sino pa yan basta dugong Vergara bakit ako tututol?"

"Pero ayoko sa kanya." I muttered.

"Narinig ko yon. GLAZY JEAN HIMENEZ! Iuntog mo nga yang ulo mo! Namimili ka pa diyan! Eto tatandaan mo ha, hindi ka isang prinsesa para mamili pa ng prinsipe mo na pakakasalan." Iyun lang at exagge na tumayo si Mama at pumasok sa cr.

UGH!

May Prinsesa Prinsepe pang nalalaman si Mama. May hung-over pa ng DISNEY LAND. Haixt!

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ni Mama lumabas muna ako ng mansion para maka-langhap ng malamig na hangin.

"Umuwi na mama mo?"

"Ehh?" I turned around and saw a perfect creature walking towards me.

Perfect daw eh! BALUGA KAMO! -____-! Sexy kase niya sa DILIM. HAHA~~ BALUGANG KELVIN!

"Oo.." Teka. Kelan pa naging curious siya tungkol sa pamilya ko?Think! Think! Think! Ngayon lang ata.

-____-!

Tss!

Tumigil siya sa tabi ko. Napansin kong maganda at fresh ang aura niya ngayon. Nag-shower siguro ahaha~~

Ang tagal naming tahimik.

Walang nagsasalita.

Pagtingin ko sa kanya

o___O?

Naka-tingala siya at matimtim na naka-titig sa maliwanag na buwan.

ang EMO naman nito ngayon.

"Alam mo ba yung kwento tungkol sa full moon?" He suddenly asked.

Umiling ako. "Hindi eh.Ikaw alam mo?"

Naaaninag ko yung mukha niya, ngumiti siya. Well di naman masyadong madilim dito sa pwesto namin ngayon pero mukhang nagtitipid sa ilaw ang mga Vergara. haha~ -___-v ang Weirdo ko talagang mag-isip!

"Ang sabi nila nalungkot daw ang araw kaya humiling siya sa anghel na bigyan siya ng makakasama.Tinupad ng anghel ang hiling ng araw kaya nag-exist ang buwan. Pero malungkot pa rin ang araw, hindi kase sila nagkikita ng buwan. Sa tuwing sisikat siya, nawawala ng parang bula ang buwan. At sa pagsapit ng gabi, lumulubog naman siya at ang buwan naman ang naghahari sa kalangitan. Gumawa ng paraan ang araw para lang magkasama sila ng buwan. Pinilit niyang sumikat tuwing gabi, pero nasisilaw lang ang Buwan sa kanya dahil sa sobrang liwanag. At yun ang dahilan kung bakit nababawasan ng liwanag ang buwan. Kung bakit may quarter moon. Nasasaktan si buwan at hindi iyun matiis ni araw kapag hindi tumigil si araw sa pagbisita kay buwan, mamamatay si buwan."

He paused.

Tumingin siya sa akin.

Sa mga mata ko.

I cleared my throat.

"A-anong nangyari sa kanila?" I asked. Kahit na hindi ako makatingin ng direkta sa kanya.

"Nag-decide si araw na minsan na lang niya dadalawin si buwan. At sa tuwing 'FULL MOON'. iyun ang gabi na naging tatak ng pagmamahal ni araw kay buwan. Ang gabi na hinayaan niyang maging buong-buo ang liwanag na binibigay ni Buwan. Iyun ang tinatawag nilang 'NIGHT OF LOVE'"

Ano ba!

Bakit ba kailangan pang nakatitig siya sa mukha ko?!

"Alam mo ngayon ko lang narinig yang kwento na yan. Pero ang sweet." Looking around. Para hindi niya mapansin na kinikilig at na-te-tense ako sa ginagawa niya.

"Gusto mo bang maging buwan?"

"Ha? Buwan? HAHA~~ Pwede din." I answered him.

"Bakit? Bakit gusto mong maging Buwan?" He asked seriously.

"Kase ang sweet ni Araw." I said.

"Don't..."

"HA?"

Tumingala ulit siya at tumitig sa buwan.

"Don't choose to be the moon neither the sun."

O___O

"B-bakit naman?"

Then he looked at me AGAIN.

"Dahil ayokong maging araw mo o kahit buwan. Ayokong mahalin ka sa paraan na masasaktan kita."

O////O

WHAT?

ULIT NGA!

"Dahil ayokong maging araw mo o kahit buwan. Ayokong mahalin ka sa paraan na masasaktan kita."

Nabibingi ata ako!

Isa pa!

"Dahil ayokong maging araw mo o kahit buwan. Ayokong mahalin ka sa paraan na masasaktan kita."

WEH?

"Dahil ayokong maging araw mo o kahit buwan. Ayokong mahalin ka sa paraan na masasaktan kita."

O//////////////////O

Cleared throat.

"Glazy, ayokong maging selfish but I want to make sure na magiging akin ka lang. Hwag kang magpakasal sa kanya."

"Wha--" He stole my lips.

I can't move my body.

I can't believe this is happening right now.

Or baka naman...

PANAGINIP LANG ANG LAHAT?!!

Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon