CHAPTER 38: WHAT YOU MEAN TO ME

15.2K 280 62
                                    

CHAPTER 38: WHAT YOU MEAN TO ME

"Hindi ka ba talaga sasama Glazy?" siguro pang-sampung tanong na sa akin yan ni Manang Pola. Hindi naman siya makulit ano?

Ngumiti ako sabay iling.

"Pabayaan niyo na nga yang si Glazy Mama! Wag pilitin ang ayaw, malas daw yun." Singit ni Pam. Inilalagay niya ang mga bag sa loob ng pick up na dadalhin nila sa swimming.

"Mama! Mama! Bilis! Mama!" Sumisigaw na parang naliligaw si Neri.

Bakit kaya?

"O bakit anak?" Manang Pola.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita ulit

"Mama! Wag kayong papayag pleaseeeeee~" At talagang naka-'amen' hands pa sya with matching puppy dog eyes.

Napakamot tuloy sa ulo si Manang Pola.

"Aba'y ano ba yun ha? Hindi naman kita maintindihan eh."

"Ano ba kase yun! Sabihin mo na kase!" Pam. Mukhang naiinip na rin.

"Kase dito daw sa sasakyan natin sasakay si Kc! Eh diba dito na nga sasakay si Sir Kelvin?! MAWAWALAN SIYA NG UPUAN!"

-___- Yun lang pala.

"Eh di si Mama na lang ang magpaparaya." Sabay irap ni Pam kay Neri.

"O sha sige na nga. Doon na lang ako sa kabilang sasakyan." Pagpapasya ni Manang Pola.

Mukhang nakahinga na din ng maluwag si Neri.

Ang laki ng problema niya uver.

Di nagtagal, sumakay na silang lahat.

Punong puno nga yung pick up eh. At sila ang unang umalis.

Pagkapasok ko sa bahay nakasalubong ko si Hero.

PAra siyang nagulat ng makita ako.

"Iniwan ka nila? Saken ka na lang sumabay." Sabi niya.

V_V "Hindi. Hindi talaga ako sumama."

"Bakit?"

Tumungo na lang ako.

"Ah okay. Alam ko na. Ayusin mo na yung mga gamit mo. Hihintayin kita sa labas."

Eh? O_O? Akala ko ba na-gets niya?

Hinanap ko si Hero pero nakalabas na agad siya.

=___= Naman oh.

"Oh Glazy, hindi ka ba talaga sasama?" Manang Pola talaga.

Iiling na sana ako ng bigla siyang lumapit sa akin at bumulong.

"Hindi ka ba natatakot na maagaw sayo si sir kelvin?"

O_O HA? Bakit niya sinasabi yan saken? MAy alam ba sya?

"Ikaw din, alam kong may hindi kayo pagkakaintindihan pero maaayos niyo rin yan." Nagthumbs up pa siya bago umalis.

Anong ibig niyang sabihin?

**

Ang sabi ko hindi ako sasama.

"Oh Bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka sasama?" Bungad saken ni Pam pagkababang-pagkababa ko ng kotse ni Hero.

(_ _) Haay. Mahirap talagang magpabago-bago ng isip.

"Tch!" Inirapan niya ako bago siya umalis sa harapan ko.

"Wag mo na lang silang pansinin."

Nilingon ko yung nagsalita.

Si Hero. Kakababa lang rin niya ng kotse.

Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon