CHAPTER 39: IF I COULD JUST SAY THE WORDS
Ang hirap palang magtampo. Buong maghapon kase akong nagkulong sa rest house.
Habang sila nagsasaya.
Pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko. Sobra kase akong nasaktan.
Nasasaktan ako sa lahat ng ikinikilos niya.
Mahal niya ba talaga ako?
Kase kung hindi, dapat hindi na lang niya ako tinulungan noong una pa lang.
Dapat hindi na lang siya dumating sa simbahan para ilayo ako sa lolo niya.
Siguro dapat natuloy na lang ang kasal namin ni Hero, kung sakaling ganoon ang nangyari hindi sana ako umiiyak ng ganito ngayon.
Tama nga sila, ang umasa ang pinakamasakit na bagay sa mundong ito.
Ang umasang mahal niya ako.
"Nababaliw ka na talaga Glazy.*sniff* Bakit kase umasa ka na mahal ka niya? *sniff* Magising ka nga! Ni sa panaginip *sniff* hindi ka nya mamahalin! Ang tanga tanga mo! *sniff* "
Nababaliw na talaga ako, ngayon naman kinakausap ko ang sarili ko.
Sandali kong pinagmasdan ang mukha ko sa malaking salamin na nasa dingding ng kwartong tinutuluyan ko.
Sobrang pagod na ang mga mata ko sa pag-iyak.
Tama na nga Glazy! Wala namang mangyayari eh!
Kahit papaano naging okay na ako.
Haay. Oo na nga hindi naman talaga ako okay. Pero inayos ko na ang sarili ko physically.
Wala akong balak makisaya sa kanila, lumabas lang ako ng rest house para makapaglakad-lakad sa dalampasigan at makasagap na rin ng sariwang hangin.
Gabi na mga past 8 na rin kase kaya kaunti na lang ang mga tao sa labas.
Karamihan ay mga foreigners na busy sa panonood ng dalawang lalaki na nagpo-poy.
Gusto ko rin sanang manood kaya lang wala ako sa mood.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa tabing dagat.
Ng makarating na ako bigla ko na namang naalala ang singsing ni Kelvin. V_V Mukhang wala na talagang pag-asa na makuha ko pa yun. Masyado ng imposible. Siguro naanod na yung ng tubig papunta sa malayong malayong parte ng dagat na ito.
Tinanggal ko sa mga paa ko ang istepin na suot-suot ko. Medyo lumapit lapit pa ako sa tubig. Umaalon ng malakas kaya naaabot ang mga paa ko.
Sobrang lamig ng tubig.
"Baka magkasipon ka niyan."
Napa-urong ako bigla. Medyo nagulat din kase ako sa nagsalita.
"Sorry kanina ha."
"Ha?" Wala na naman ako sa sarili ko.
I saw him smile kahit na medyo madilim kase nakatalikod sya sa liwanag.
"Hindi dapat kita iniwan. Ang sabi nila muntikan ka na daw malunod, mabuti nasagip ka ni Kelvin."
"Sana nga nalunod na lang ako."
"Bakit mo sinasabi yan?"
"Hero sa tingin mo mahal ba ako ni Kelvin o pinapaasa ko lang ang sarili ko?"
Naramdaman kong nabasa na naman ang mga pisngi ko.
Pupunasan ko na sana gamit ang likod ng mga palad ko ng bigla niya akong pinigilan.
BINABASA MO ANG
Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]
ComédieBOOK 1 of DANGER SERIES Published under LIB *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tam...