CHAPTER 28: I WILL RUN AWAY WITH YOU
Gusto kong umiyak.
Gusto kong mag-protesta.
Bakit ba kase wala siya?
Habang naglalakad ako sa gitna ng simbahan na ito, nararamdaman kong malapit ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang makasal sa taong hindi ko naman mahal.
Tumigil ako sa paglalakad.
Alam kong lahat sila nagulat.
Malayo pa kase ako sa altar.
Pero buo na ang loob ko.
"Bessy! Maglakad ka na!" Inggrid.
Hindi ko sya pinakinggan.
Dahan-dahan, tinanggal ko sa mga paa ko ang sapatos na suot ko.
At ilang saglit pa ay..
*TAKBO!!*
WAAAAAAAAAAAAH!
Madaming humaharang at humahabol sa akin pero naiiwasan ko sila.
Hanggang sa makarating na ako sa pinto ng simbahan.
Ng biglang
*VROOOOOOOOOOM!*
O.O
Isang lalaking naka-all black. Naka-black na helmet at black din na motor.
Hindi ko alam, pero bigla na lang pumasok sa isipan ko na umangkas sa kanya.
Kaya naman
(TTTT 3 TTTT) WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! MAMAAAAAA!!
Sobrang bilis niyang magpatakbo ng motor! Gusto niya ba akong patayin sa takot?
Napapa-higpit tuloy ang yakap ko sa kanya.
Humanda ka saken pagbaba ko dito sa motor mo! Papatayin kita!
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!
**
(>____________<) Ang bad.
Sobrang bad.
Sabihin niyo nga kung nagkamali ako ng desisyon kanina sa simbahan.
Feeling ko mamamatay na ako sa sobrang nerbyos.
Kanina pa kami bumibyahe.
Pero hindi ko pa siya kilala.
Palubog na nga ang araw eh.
Sino kaya tong hinayupak na power ranger na to?! Sarap batukan!
Pero
O.o?
Infairness
Bumabagal na yung patakbo niya ng motor ngayon.
Hindi na katulad kanina.
Ang perfect!
Ang ganda pala ng place na to! Hindi ko alam kung nasaan na kami, pero ^___^ feeling ko nasa isang province na kami.
Puro puno, bukid, bundok at mga farm animals ang nakikita ko.
Ang weird kase nakarating ako sa lugar na ito ng naka-wedding gown na sobrang haba. At sa sobrang haba ay nililipad na yung dulo. Feel na feel ko tuloy.
Hehe.
Then out of nowhere, bigla nalang kaming tumigil.
O.O
BINABASA MO ANG
Danger: Mischievous Couple! [PUBLISHED under LIB]
HumorBOOK 1 of DANGER SERIES Published under LIB *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tam...