I'm Sienna Lavarias also known as 'Sien' and this is my life's masterpiece.
I'm 18 years old. Nakatira ako ngayon sa bahay ng Auntie ko at nang gago niyang kinakasama. Ang buhay ko ngayon ay napaka-miserable dahil sa Auntie kong walang ibang ginawa kun'di abusuhin ako. Parati niya akong sinasaktan, parati niya akong binababoy at lahat ng kinikita ko sa pagtatrabaho ay kinukuha niya dahil kapag wala akong maibigay sa kanya ibibenta niya ang katawan ko sa mga lalaking walang kwenta. Oo, nagtatrabaho ang Auntie ko sa club kaya isang dahilan na rin siguro kung bakit hate na hate ko ang mga lalaki dahil sa mga naranasan kong pambabastos nila sa akin, lalong lalo na ang kinakasama ng Auntie ko. Kung tutuosin muntik na niya akong gahasain at 'di ko rin alam kung bakit lahat ng lalaking makakasalamuha ko ay binabastos ako.
Minsan naiisip ko kung kasumpa-sumpa ba ang maging babae?
Sa kabilang banda, si Auntie naman ay dinadala ako sa club pero mabuti na lang kaya kong tumakas ngunit pagdating sa bahay sinasaktan niya ako at ikinakadena sa kwarto at 'di pinapakain ng buong araw. Higit pa sa pambababoy ang ginagawa niya sa'kin. Wala rin naman akong choice dahil kapag sinuway ko siya malamang ay sa lansangan ang bagsak ko. Wala akong kilala, ni hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Nasanay na ako na mamuhay ng ganito. Naging manhid na ako sa paghihirap.
Ang Inay ko ay namatay raw sa pangangak sa akin. Ang tatay ko naman ay iniwan kami hindi pa ako sinisilang.
Hindi pa ako pinapanganak ay ayaw na sa akin ng mundo.
Sa kabilang banda, maraming humahanga sa pisikal na anyo ko. Sa pagkakaalam ko, sabi sa akin ni Auntie may lahing Griyego ang tatay ko, at halata 'yon sa estruktura ng mukha ko. Makakapal rin ang kilay ko, sakto ang liit at tangos ng ilong, mahahaba ang pilik mata, yung kulay ng mata ko ay Hazel brown na kung maaarawan ay makinang. Gusto ko rin ang kulay ng balat ko, morena. Wavy ang buhok ko at sakto lang ang haba, siguro hanggang waist lang. Mataas rin ako, sa edad kong ito ay 5'8 ang tangkad ko. Bukod sa pisikal na anyo, ay magaling din naman ako sa akademiko.
Tinignan ko ang orasan sa wall. 2 minutes na lang at matatapos na ang oras. Narito ako ngayon sa isang Prestihiyosong Pribadong Paaralan, kumukuha ng scholarship exam. Nakalimutan ko na kung anong pangalan ng Paaralan pero sana ay makapasa ako. Nagbabakasakali ako sa opportunidad na makukuha ko rito.
AFTER AN HOUR
"Announcement of passers will be out tomorrow," sabi ng proctor.
Pagkatapos ng exam ay naglakad na rin ako pauwi kasi wala rin naman akong pamasahe para sumakay. Sa kasamaang palad ay nadaanan ko na naman ang mga lasing na tambay rito sa amin. Dire-diretso lang ako at 'di na ako nagpahalata pero napansin ako ng isang lalaki.
"Halika muna rito!" Hinila niya ako papalapit sa kanya.
"Bitawan niyo po ako," kalmado kong sambit.
"Pakipot ka pa kasi e'. Kagaya ka rin naman ng Nanay at Tiyahin mong malandi!" Wala akong ibang naririnig sa mga tao rito sa amin kun'di paulit- ulit na katagang 'yan. Nasanay na ang tenga ko sa mga pinagsasabi nila.
"Wala na po kayong pakialam doon. Kaya pwede po ba bitawan niyo na ako?" mahinahong sagot ko. Ayoko na ring makipag-away. Sawang sawa na ako sa pakikipag-away sa mga bastos na ito. Maliban na lamang kung may iba pa silang gagawin, hinding-hindi na ako papayag sa gano'n.
"Sigurado akong doon din ang bagsak mo!" sigaw nito sa akin at nagtawanan silang lahat.
"Ang importante hindi maging walang kwentang tambay na ang tanging alam lang ay manghusga at mambastos ang bagsak ko." Ngumiti ako ng pilit. "Kaya ka siguro iniwan ng Misis mo kasi puro lang pagpapalaki ng bayag ang alam mo," sagot ko sa kanya. Namuo ang galit sa mukha nito.
"Bastos 'yang bunganga mo ah!" usal nito.
"Nagsalita ang literal na bastos," sagot ko pa. Sandali pa ay dumampi sa mukha ko ang malakas na sampal. Napayuko ang ulo ko sa lakas ng sampal niya at ramdam ko ang pagmanhid ng pisngi ko. Tinulak ko siya at agad na tumakbo. Habang papalayo ako ay naririnig ko ang mga mura nila.
Papalapit na ako ng bahay ng marinig kong nag-aaway si Auntie at ang kinakasama niya. Ilang sandali ay nagkalat ang mga damit nito sa labas, pinalayas na niya ang gago na lalaking 'yon. Pumasok ako at bumulagta sa akin ang gulo ng bahay, mga basag na pinggan, sirang upuan.
"A-auntie ano po ang nangyari?" nangangambang tanong ko. Sa malamang ay ako na naman ang pagbubuntunan niya ng galit.
"Wala ka nang pakialam doon! Nasaan ang pera?" bulyaw nito.
"P-po?"
"Yung perang kinita mo!?" sigaw nito.
"S-sorry Auntie pero 'di po kasi ako nakapasok ngayong araw kasi po--" Naputol ang sasabihin ko ng bulyawan niya ulit ako.
"Bakit!? Ano na namang ginawa mo? Lumandi ka na naman!? Alam mo kagaya ka rin ng Nanay mo e'! Wala silbi! Linisin mo 'to para kahit paano may silbi ka! O gusto mong dalhin kita sa mga customer ko sa bar?" Nanginig ang katawan ko sa takot nang sabihin 'yon ni Auntie.
"A-auntie huwag po. Lilinisin ko na po ito, huwag niyo lang po ulit akong dalhin doon," pagmamakaawa ko.
"Binabalaan kita! Sa susunod na wala kang perang maibigay sa'kin 'di na ako magdadalawang isip na dalhin ka roon." Dinuduro ako nito. "Sige na linisin mo 'yan!" Bumagsak ako sa sahig ng itulak niya ako, tumama pa ang kamay ko sa isang basag na plato kaya nagkasugat ako. Umalis nang walang pakialam si Auntie. Namuo ang luha sa mga mata ko at sa 'di ka tagalan ay pumatak ito sa kamay ko, naghalo sa pulang likido.
Ang hirap mabuhay.
Pagkatapos kong linisin ang bahay ay dumiretso ako sa loob ng kwarto. Maliit lang ang bahay namin, tagpi-tagping kahoy at bubong lang bumubuo nito. Ang pinto ng kwarto ko ay kurtina lang ang ginagawang pansara kaya hindi maiwasang pasukin ng gagong kinakasama ng Auntie ko dati, mabuti na lamang at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.
Napahiga ako sa higaan at pinikit ang mga mata para matulog, at bago ako matulog ay nagdasal muna ako. Bagay na lagi kong ginagawa. Kahit miserable ang buhay ko at ganito man ang nakagisnan kong mundo, ni minsan ay 'di sumagi sa isip ko na sisihin ang Panginoon sa nangyayari sa akin. Siya na lamang ang mayroon ako. Siya na lamang ang kinakapitan ko sa lahat ng pagsubok na kinakaharap ko.
"Panginoon, kailan ko po kaya matatakasan 'tong buhay na ito? Bigyan niyo pa po ako ng lakas ng loob para malampasan ito. Sana makapasa rin po ako sa scholarship exam. Amen!" dasal ko.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na rin ako ng antok kaya natulog na rin ako.
BINABASA MO ANG
Tainted Hues
Teen FictionSienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called a whore. Lumaki siyang may p...