'Let me be your boyfriend.'
'Let me be your boyfriend.'
'Let me be your boyfriend.'
'Let me be your boyfriend.'
'Let me be your boyfriend.'
Paulit-ulit na naririnig ko ito. Tama ba ang naririnig ko? Grae, is asking me to be his girlfriend? A Campus Sire? The first man I hated in this school?
Nahihibang na ba siya?
"Ano!?" Nakakunot noong tanong ko.
"I said what I said, I know you heard it. Huwag ka nang magkunwaring hindi mo narinig," saad nito at saka inirapan ako. Kahit kailan talaga ay masama ang ugali ng lalaking ito. What made him think na tatanggapin ko ang alok niya?
Tinalikuran ko siya.
"Sienna, I said let me be your boyfriend!" mariing sabi nito. Muli akong humarap sa kanya.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng lalaking ito at naisipan niya 'yon. Men are unpredictable sometimes.
"Your boyfriend? Para saan?" seryosong tanong ko sa kanya.
"So I can protect you...from them," he said. Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa inaasta niya ngayon. "And besides this is the only way I can do to give back to you," dagdag pa nito.
"Give back?" Nilapitan ko siya at napahakbang naman ito palayo.
"I don't need a man to protect me. I'm fine on my own. I can protect myself," I said calmly, with authority.
"Until when?" Nanlaki ang mga mata ko ng tanungin niya 'yon. "You can't even hide your bruises. Akala mo ba hindi ko napapansin 'yang mga pasa mo?" Naramdaman ko ang panandaliang pagbagsak ng katawan ko sa sinabi niya.
Hindi ko alam, pero sa tuwing may nakakapansin ng mga sugat o pasa ko sa katawan nakakaramdam ako ng panghihina at para akong paulit-ulit na sinasaktan. It's just that this bruises is a sign of my weakness.
"If you can protect yourself, why do you have those?" tanong niya ulit. Natahimik ako saglit sa mga tanong niya. Para akong nawalan ng boses para ipaliwanag ang lahat ng ito.
"Hindi ko alam kung anong dahilan niyan at wala rin akong balak alamin pero sa nakikita ko...you need protection."
Gusto kong umiyak sa mga sinasabi niya, ngunit ayokong umiyak sa harapan ng lalaking ito.
"Hindi ko kailangan ng proteksyon...lalo na kung manggagaling lang sa'yo!" giit ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko ang reaksyon niya, napapansin ko na namumutla ito at tumatagaktak ang pawis kahit malamig naman ang panahon at parang uulan pa nga. Ngunit isinawalang bahala ko na lamang 'to.
"If you want to give back to me, then do me a favor... please consider that I don't exist," sabi ko at saka tinalikuran na siya at naglakad papalayo ngunit hindi niya pa rin ako tinigilan.
Sumigaw ito, "Fine! If you want to suffer your whole life, I don't ca--" Biglang naputol ang sasabihin niya at may narinig akong bumagsak kaya napalingon ako. Bumulagta sa akin ang nakahandusay na katawan niya sa lupa.
Grae fainted.
Hindi na ako nagdalawang isip, tumakbo agad ako papunta sa kanya para tulungan siya.
"Grae!?" sambit ko na may halong pag-aalala habang niyuyogyog ang katawan niya. Sobrang init na nito. Nilalagnat siya.
Sumigaw ako para humingi ng tulong ngunit nag echo lang ang boses ko. Panigurado ay wala nang mga estudyante kasi anong oras na rin at kung meron man nasa kabilang building pa 'yon. 10 minutes pa ang layo rito.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang kulog at kidlat na umalingawngaw. Napatakip ako ng dalawang kamay sa tenga dahil sa takot at napaatras habang nakaupo sa lupa. Isa sa mga kinatatakutan ko ay ang malakas na kidlat, lumalala kasi ang anxiety ko pagnaririnig ko 'yon.
Maya't maya ay naramdaman ko na rin ang pagpatak ng ulan. At sa 'di katagalan ay bumuhos na ito kaya ngayon ay naliligo na kaming dalawa.
"Grae!" Pilit ko pa rin siyang ginigising ngunit wala pa rin itong malay.
Habang nag-iisip ako kung anong pwede kong gawin, napansin ko ang isang classroom sa abandonadong building. Kahit takot na takot ako sa kulog at kidlat ay hinatak ko siya papunta sa classroom ng abandonadong building. Nahirapan din ako kasi sobrang bigat niya.Nang makapasok sa classroom ay isinandal ko siya sa pader katabi ng pintuan. Sinara ko muna saglit ang pinto para mabawasan ang ingay na dulot ng kulog at kidlat.
"Grae, gising!" Pilit ko pa rin siyang ginigising sa pamamagitan ng pagyugyog ng pisngi niya.
Kahit na masama ang loob ko sa lalaking 'to, hindi ko siya p'wedeng iwanan na lang basta-basta rito lalo na at may sakit siya. Masama lang ang loob ko sa kanya pero hindi ako masamang tao.
Napansin kong nagkamalay na rin ito ngunit bakas pa rin ang panghihina sa kanya.
"Grae, buti naman at nagising ka na!" May halong pag-aalalang sabi ko. "Stay here, hihingi lang ako ng tulon--"
"I-Ivory..." sambit nito kaya napahinto ako sa pagsasalita. Nagulat din ako ng hawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya. "P-please don't leave me," dagdag pa nito. Hindi ko naman gaanong kilala ang lalaking ito ngunit sa nakikita ko sobrang mahal niya si Ivory. The way he said those words in front of me is full of pain and longing.
Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Hindi ako si Ivory," mahinahong bigkas ko at saka tumayo at tinalikuran siya para sana lumabas na para humingi ng tulong.
"Dito ka lang, hihingi lang ako ng tulong," sabi ko sa kanya sabay bukas ng pinto.
Ngunit bago pa man ako makalabas ay naramdaman ko ang paghawak ng kamay sa braso ko para pigilan ako.
Nilingon ko si Grae na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ko.
"Please don't leave me," sabi nito habang nanghihina.
"Grae, hindi ako si Ivo--" Naputol ulit ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Please, dito ka lang...Sienna," wika niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
Hindi ko inaasahang sasambitin niya ang pangalan ko.
Bumalik ang animo ko ng biglang kumulog ng napalakas kaya napaupo at napasigaw ako sa takot. Agad-agad kong sinara ang pinto.
"Sienna..." mahinang tawag sa akin ni Grae dahil nanghihina pa rin ito. "Thank you for staying," he said and passed out again.
BINABASA MO ANG
Tainted Hues
Teen FictionSienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called a whore. Lumaki siyang may p...