Ilang minuto akong nakatulala at para akong nakalipad sa hangin. Nanginginig ang kalamnan at buong katawan ko.
"Sien..." Naririnig kong paulit-ulit na tawag sa'kin ni Dark ngunit wala ako sa sarili. Nakatutok lang ako sa video na kumalat. Ilang libo na rin ang react, comments and share nito. Habang binabasa ko ang mga comments ay bumuhos ang mga luha ko.
@xxxxx
Grabe naman 'yan hindi na nahiya, sa school pa talaga gagawin ah!@hhhhh
Iba na talaga mga kabataan ngayon.@Ssshsjsjk
Konting respeto naman sa Paaralan. Sikat na school pa naman ito.@kkakall
@hhsk gurl look at this one! You remember that guy? Omg!
@kkakall Of course I remember! Ngl, he's dif hot tho. But fr?
@hhsk He's my type pa naman, so sayang! What a shame.@lsiwkkk tangna sanaol boi! Ganda at sexy naman niyang nadali mo.
@mmmm lf kapartner sa CR.
@loverboy mahal @ulolnull kung hindi tayo ganito maghiwalay na lang tayo
@gtgshj Hindi na siguro mapigilan ang libog kaya kahit saan na lang HAHAHAHAHAHA
@jjjjj ANG LANDI!
Ilan lang 'yan sa mga nababasa ko. Alam kong hindi naman totoo kasi wala naman talagang nangyari sa amin pero sobrang nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.
Imagine someone will make an assumption of you based on what they've seen on a video clip without knowing the other side of the story. People will judge you for who you are not. That's the reality we live.
Ibinalik ko ang phone kay Dark at nagmadaling tumakbo paalis.
"SIENNA!" Tawag nito sa akin pero hindi ko siya nilingon.
Habang tumatakbo ay may mga patak ng luha pa rin sa aking mga mata. Sa tuwing may nadadaanan akong estudyante ay titig ng panghuhusga ang binibigay nila sa akin. Nilagpasan ko lang sila at kailangan kong hanapin si Grae. Gusto ko siyang kumprontahin.
Papunta na ako sa direksyon ng classroom namin ng bumungad sa akin ang malakas na sampal na tumama sa mukha ni Grae. It was Ivory who slapped him. Napahinto ako sa harap nilang dalawa.
"Shame on you!" galit na wika ni Ivory sa kanya.
Nabaling ang tingin ni Grae sa akin. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya dahil sa mangiyak-ngiyak niyang mukha o magagalit dahil sa nangyaring ito.
Lumapit sa akin si Ivory at bakas sa mukha niya ang galit.
"Now you're happy?" Nasa harapan ko na siya ngayon. "Did you have fun with my ex-boyfriend?" tanong nito. How dare she is asking me an inappropriate question. She doesn't have any idea how much damage it brought me. How in pain I am because of shame!
"Fun? Do you think I had fun!?" mariing sagot ko. She hissed.
"Haven't you? Come on I'm not stupid, I know you wanted it. Slut!" she yelled at my face. I was boiling with anger and I didn't second thought to slapped her in the face.
"How dare you!?" She raised her hands and is about to slap me but someone grabbed her arms. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at galit habang nagkatitigan silang dalawa. He then diverted his gaze at me and I was also in shocked when I saw who it was.
It was Grae.
Iwinasiwas niya ang kamay ni Ivory at saka hinawakan ako sa braso at hinila papalayo kay Ivory.
"GRAE!" pasigaw na tawag ni Ivory habang bumababa kami sa hagdanan ni Grae at hawak-hawak lang ako nito sa braso. Hindi niya pinansin si Ivory, ni lumingon ay 'di niya ginawa.
Habang naglalakad kami sa Corridor ay may mga estudyante na nakatitig sa amin at malamang ay pinagchichismisan kami.
Ilang sandali pa ay nakarating kami sa Coliseum. Sobrang laki nito, kulay black na matte lahat ng upuan, actually filled with black colors, ewan ko kung bakit ganito ang kulay nito pero sobrang ganda niya. Ang expensive tignan. Mabuti na lamang at walang tao rito medyo nakakagaan sa loob kasi walang manghuhusga.
Iwinasiwas ko ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak niya. Hinarap niya ako, halatang umiyak ito kasi namamaga ang mata niya at halata ang namumuong butil ng luha sa mga mata niya.
Hindi pa siya nakakapagsalita ay sinampal ko siya agad.
"Bakit lumabas? Akala ko ba hindi lalabas ang video na 'yon!?" mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya. Nakayuko lang ito.
"I didn't know that this would happen. I'm sorry," malamig na tunong sambit niya.
"Sorry!? May magagawa ba 'yang sorry mo ngayon!?" Hinampas ko ang dibdib niya. "Lahat sila hinuhusgahan ako! Lahat sila ang tingin sa akin malandi, maduming babae!" sigaw ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba hindi ito makakaapekto sa akin? Mas makakaapekto 'to sa akin...I'm a Campus Sire! I have a name in here and outside of this school!" giit nito habang nakahawak sa bewang ang kaliwa niyang kamay at ang kanan ay sa ulo niya at hindi mapakaling hinahawakan ang buhok. "Ikaw sino ka ba?" Lumapat muli sa pagmumukha niya ang kamay ko dahil sa sinabi niya.
"Sino ako? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?" mahinahong tanong ko sa kanya habang umaagos ang mga luha sa pisngi ko.
"Basehan na ba talaga ng estado sa buhay ngayon ang validation to feel pain? At ang halaga ng isang tao?" Nagbago ang aura ng mukha nito ng marinig niya 'yon. Umiwas din siya ng titig sa akin. Maybe he's a little bit guilty...or maybe not?
"Hindi na mahalaga kung anong katayuan ko sa buhay, kung sino ako...pero tao rin ako and just like you I'm vulnerable with pain," nanghihinang sabi ko at saka siya tinalikuran.
"Sandali!" Hindi ko siya pinansin, at patuloy lang sa paglalakad ng mabagal. I felt like I died this day.
"I'll fix this. Let them judge all they want, they'll get tired," he said. Sana gano'n nga lang kadali 'yon. Sana gano'n lang kadali harapin ang bawat matatalim na titig at matatalas na salita nila.
"Hindi mo ako naiintindihan!" sigaw ko sa kanya. My voice echoed in the Coliseum. "Madali lang sabihin sa'yo 'yan kasi hindi ka naman lumaki sa panghuhusga! You live with praise and I live with judgement!"
Napaupo ako at humagolgol na sa iyak. The emotional damage weakens me.
Today, I let go my hands on the rope of hopes that I am strong. The wounds are penetrating to the point that its skin bleeds tears of pain.
BINABASA MO ANG
Tainted Hues
Novela JuvenilSienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called a whore. Lumaki siyang may p...