Nasa lobby na kami ngayon papuntang comfort room. Bago pa man siya makapasok ng CR ay hinawakan ko ang braso niya kaya bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
"Grae!?"
"Ivory, let's talk. Please!" mariing sabi ko.
"Grae, please stop this! Wala na tayo!" usal nito habang palingon-lingon sa paligid. Bakit parang ayaw niyang may makakita sa amin? Bakit parang ikinakahiya niya ako?
"O-okay, I'll stop this...just say you still love me," saad ko. Hibang na kong hibang pero gagawin ko talaga ang lahat maibalik ko lang ang dating kami.
"Grae naman!" Halatang inis na ito sa akin. Pilit niyang kinukuha ang kamay niya ngunit pilit ko rin itong hinihigit.
"You can't do it, right? Because you still l-love me, right?" nauutal na wika ko at umaasang marinig na mahal niya pa rin ako.
"No!" I felt like an heavy object fell into me and a knife struck my heart and it bleeds pain. "Hindi na kita mahal. Kaya please layuan mo na ako." Tears formed on her eyes.
"Ivory, please I still love you!" Now tears drip on my cheeks.
"I'm sorry." She forcefully get her arms from my grip and open the door of the comfort room to enter then suddenly she bumped into someone.
SIENNA'S POV
Nasa comfort room na ako ngayon. Ang laki at lawak ng CR. Isang buong bahay na siguro namin ito. Maganda rin ang design sa loob, kulay caramel ang pintura. Naka-aircon pa tapos may 24 inch tv sa loob, kita ko rito ang mga kaganapan sa labas. 10 cubicles ang nasa loob. Automatic na bumubukas ang gripo once na ilagay mo ang kamay mo rito, gano'n rin ang sabon nito. At may hand dryer sa gilid. May available pads din for free sa bawat cubicles. Available rin ang towel rito, pwedeng pwede maligo kasi sa gilid may shower area.
I checked it kasi curious ako.Pagkatapos kong mag-ikot sa CR ay nagcheck na ako ng pasa sa ulo. Mabuti na lang at ako lang ang mag-isa rito.
"Meron nga." Napabuntong hininga ako ng makita ko ang pasa sa ulo ko, sa may bandang taenga.
Ginugol ko ang oras ko sa pag-aayos ng sarili at para itago ang mga pasa. Ayokong maging center of attraction pag nakita nila ito. Ayokong magmukhang kawawa sa paningin ng iba.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng dalawang taong nagsasalita sa labas. Sa pagkakasiguro ko boses lalaki at babae ito. Magjowa siguro kasi halata sa pinag-uusapan.
"Ivory, please I still love you!" Narinig kong pagmamakaawa ng lalaki. Pag-ibig nga naman.
Napabuntong hininga ako at nagwalang kibo na lang sa aking mga naririnig. Hindi naman ako chismosa kaya hinayaan ko na lang sila.
Pagkatapos kong mag-ayos dito ay lumabas na rin ako at sinuswerte ka nga naman talaga sa buhay.
"Aray!" Napahawak ako sa balikat ko na may pasa. Natamaan ito ng magkabungguan kami.
"Shit! Are you blind!?" naiiritang sigaw ng babae sa akin.
"Ivory are you okay?" tanong ng lalaking kasama niya na may pag-alala sa tono ng boses niya.
"Miss, sorry hindi ko sinasadya. Pasensya ka na," paghiningi ko ng paumanhin.
"Get out of my way!" Nagulat ako nang itulak niya ako na dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Napaaray ako sa sakit ng matamaan na naman ang mga pasa ko.
"Miss sana 'di ka man lang nanunulak," kunot noong sabi ko habang hinihimas ang likod. Ang sama naman ng ugali ng babaeng 'to. Humingi na nga ng pasensya kasi hindi ko naman talaga sinasadya tapos ito pa ang gagawin niya.
"Now you're accusing me!?" Lalong napakunot ang noo ko ng sabihin niya 'yon. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to. I didn't accused her. Pa-victim naman masyado. Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae. "I already told you get out of my way! It's your fault not mine!" sigaw pa nito.
"Wait, I know you!" Napatingin ako sa biglang nagsalita. Natulala ako ng ilang segundo ng makita ko kong sino ito.
"You're the prostitute, right? And you're the one who slapped me, right!?" Napansin ko naman ang masamang titig ng babae sa kanya at sa akin.
"Oo ako 'yon pero hindi ako prostitute!" bulyaw ko sa kanya.
"Oh my gosh! You're a prostitute!?" Tinignan ako nito ng may pandidiri. "God! Why are they sending students na madumi here sa Academy," maarteng wika nito. Nag-init ang tenga ko sa sinabi niya.
"Madumi!? Hindi ako madumi!" giit ko rito. "Miss sorry kong kasalanan ko, pero hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Humingi na rin ako ng pasensya. Kaya sana huwag mo nang palakihin ang gulo. Excuse me!" Paalis na ako ng may sumagi sa isip ko.
"At saka nga pala, ayon may salamin pakitignan na lang ang ugali mo. Mukhang mas madumi e'," sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nito. Umalis na ako doon. Napansin ko rin ng dulo ng mga mata ko ang titig ng bastos na lalaking 'yon.
"What's happening? Sino 'yon, Grae?" Bungad na tanong agad ng mga kakarating na grupo ng mga lalaki, nakayuko lang akong naglalakad at hindi na sila pinansin pa.
"Wait, it looks like I know her!"
"What!?" rinig kong tanong nila.
"Sandali lang! Wait, Miss!" tawag nito sa akin habang papalayo ako.
Hinawakan niya ako sa braso ng maabutan niya ako. Ngayon ay kaharap ko na siya at hindi ako makapaniwala sa aking nakita.
"Hi, do you still remember me?" nakangiting tanong nito sa akin. Hindi ako makapagsalita, hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko siya rito.
"That guy in the Clu--" Napahinto siya sa sinabi niya ng marealize niya ang sasabihin. Napatingin din siya sa saglit sa mga kasamahan niya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Iris? Remember?" mahinang bigkas niya.
Tumango na lang ako bilang sagot.
"D-dito ka pala nag-aaral?" nauutal na tanong ko. Namuo ang ngiti sa mga labi niya kaya mas lalong lumiwanag ang mukha niya dahil sa kapogian nito.
"I'm glad you're talking to me. It's nice hearing your voice," he uttered with his sweet raspy voice. "By the way, what happened to you? Bakit ang dami mong pasa?" nagtatakang tanong nito. Napansin nito ang mga pasa ko. Akala ko wala nang makakapansin nito, 'yon pala kita pa rin.
"W-wala ito, o-okay lang ako," pagsisinungaling ko. "P'wede bang next time na lang natin pag-usapan ito. Pasensya ka na talaga." Inalis ko ang kamay niya at saka naglakad paalis.
"Take care of yourself!" sigaw nito.
"Iris!" Napahinto ako saglit ng sinigaw niya 'yon habang mahigpit na nakahawak sa tote bag ang dalawng kamay ko. Hindi ako lumingon kasi sobrang lakas nang tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag.
"I'm happy to see you again! I hope you remember my name!" dagdag nito. Dumiretso na ako sa paglalakad at hindi na lumingon pa.
Of course, I remember you, Dark. There's no way I would forget the only man who saved me.
BINABASA MO ANG
Tainted Hues
Teen FictionSienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called a whore. Lumaki siyang may p...