XXVIII

53 2 0
                                    

Ilang oras na rin akong nagbabantay kay Grae rito sa hospital, gumaan ang loob ko ng malaman ko na maayos naman ang lagay niya. Ngunit naroon pa rin sa akin ang pangamba dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Kaming dalawa lang ngayon ang narito sa loob ng kwarto, si Auntie nakauwi na rin kahit na lasing na lasing pa. Pinaalam ko na rin ang nangyari kay Dark at on the way na raw sila ng mga kaibigan niya.

Ilang saglit pa ay napansin kong iminulat ni Grae ang kanyang mga mata kaya agad ko itong nilapitan at bakas sa mukha ko ang galak.

"Grae, gising ka na," bungad ko sa kanya at abot tenga'ng ngiti ko. Dahan-dahan pa itong pinagmamasdan ang paligid.

"A-anong nangyari?" utal pang tanong nito.

"Napaaway ka..." Napahinto muna ako dahil nakaramdam ako ng konsenya dahil kung 'di sa akin ay wala siya Ngayon sa kapahamakan, "dahil sa akin," dugtong ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil sa sobrang konsenya ko sa nangyari.

"A-are you okay?" Nagulat ako nang tanungin niya 'yon. Hindi ba dapat sa kaniya tanungin 'yon dahil siya itong nalagay sa bingit ng kamatayan.

"Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo dahil ikaw 'tong nalagay sa kapahamakan nang dahil sa akin," sabi ko. Hinawakan nito ang wrist ko kahit medyo wala pa itong lakas kaya sabay naman na napatitig ako sa ginawa nito.

"I'm glad you're safe, Sienna. Thank you for being here," sabi nito sabay dayo ng mata sa paligid ng kwarto. Inobserbahan ko rin ito, siguro ay nagtataka ito kung bakit wala siyang kasama. Baka pakiramdam niya nag-iisa lang siya ngayon at wala man lang nag-alalang pumunta sa pamilya at kaibigan niya.

"Pa-parating na sila, Grae. Pinaalam ko na sa mga kaibigan mo ang nangyari at sinabi ko na rin sa pam–" Naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Grae!" bungad agad ng apat niyang kaibigan na sobra ang pag-aalala.

"What happened, bro?" tanong ni Cyan.

Huling pumasok si Dark kaya napansin ko na sa akin agad ang atensyon nito. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Natahimik ang lahat at napatingin sa akin. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng konsenya sa nangyari.

"K-kasalanan ko sor–" Bago ko pa ako tuluyang humingi ng tawad ay pinutol agad ni Grae ang sasabihin ko

"No, it wasn't your fault," giit nito.

"Buti na lang takot sa'yo si kamatayan," singit na pagbibiro ni Bleau.

"Sienna, are you okay?" tanong ni Dark sa akin. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Ilang sandali pa ay biglang nag-ring ang phone ni Grae sa mesa. Lumitaw sa screen ang pangalang "Mom".

Nang makita ito ni Grae ay napabuntong hininga ito.

"F*ck!" mahinang mura nito. Napansin ko rin ang 'di mapakaling mukha ng apat.

"Grae, answer it," pangumbinsi ni Dark. Inirapan niya lang ito. Kinuha na lamang ito ni Dark at nagbitaw muna ito ng malalim na paghinga bago sagutin.

"T-tita, hello it's me, Dark."

"Where's Amaranth?! What happened to him?!" malakas ang  boses nito at matatakot ka talaga sa tuno nito kaya Pala parang may pangamba silang sagutin. At rinig na rinig din namin dahil sa lakas ng boses niya. Binigyan ni Grae ng sign si Dark na nagtutulugtulugan ito.

"H-he's fine, Tita but he needs to rest. He's asleep," pagsisinungaling nito.

"Dark, tell Amaranth to stop being irresponsible!
If he didn't have any use to this family then he better stop putting his self into trouble and bring burden on our family." Pagtapod ay binagsakan niya ng phone si Dark. Napansin kong nagtitimpi si Grae. Kahit ako ay nagulat sa binitawang salita ng Mommy ni Grae. Akala ko ay mag-aalala ito sa anak niya, mali pala ako. I thought they were fine but turns out it wasn't.

"Bro, what do you want? Foods?" pagbasag ni Cyan sa katahimikan.

"I think he needs some cold drinks. We will buy you any drinks, I'll pay, I'll pay." Sinusubukan nilang i-divert ang atensyon ni Grae ngunit wala pa rin itong epekto.

"Who told her?" mariing tanong nito. Natahimik ang lahat at nagsitinginan silang apat na nagtataka.

Bago pa magkasisihan, nagsalita na ako.

"A-ako." Nabaling ang atensyon nilang lahat sa akin. Nagtama ang titig namin ni Grae. Matalas ang titig nito sa akin kaya alam kong galit siya sa akin. "S-sorry hindi ko kasi alam–" Napatigil ako dahil tinanggal ni Grae ang karayom ng dextrose niya at kahit may iniinda pa itong sakit ay nagpumilit itong umalis.

"Grae, stop it hindi ka pa okay!" Pinigilan ito ni Red, ngunit ayaw niya magpaawat.

"Bro, calm down," sabi ni Cyan.

"I'm good. I want to go home!" giit nito.

Nanlamig ako at parang naging yelo ang katawan ko dahil hindi ko alam ang gagawin kasi kasalanan ko lahat ng ito. Ngayon lang ako nakonsensya sa ginawa ko kay Grae kahit may di pa rin akong maipaliwanag na pagkamuhi sa kaniya.

"Grae you Tita, ganiyan lang talaga siya magsalita pero alam kong nag-aalala pa rin siya sayo," Dark insisted kaya natigilan si Grae.

"No, Dark. She's only worried for the reputation of our family but not me, you know that," mahinahon ngunit bakas ang galit nito sa binitawan niyang salita.

"Then at least stop pleasing them. You're living your whole life pleasing them, Grae. Free yourself for once!" he advise. Sa puntong 'yon natahimik kaming lahat. Grae looks like a drop of tears will came from his eyes. Hindi na nagsalita pa si Grae at pilit na lang na tumayo habang hawak-hawak ang tagiliran.

Bago makaalis sa loob ng kwarto ay nagsalita namang muli si Dark.

"Kailangan mo magpagaling, Grae. Koloris will be happening next week," sabi nito. Napahinto si Grae ng marinig 'yon at sabay titig sa aming lahat habang hawak-hawak pa rin ang tagiliran.

Ilang segundo itong binalot ng katahimikan at saka tuluyang umalis. Sinundan naman ito ni Cyan at Bleau. Tinignan na lamang ako ni Dark at Red. Napayuko na lamang ako dahil sa ginawa ko.

Wala akong masabi lalo at wala akong mukhang maihaharap sa kanila. Sa ngayon dinagdagan ko pa ang kasalanan ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon