I was left dumbfounded for a moment. Nakatitig lang ako sa kanya sabay ang paghinga ko ng malalim. Ilang segundo pa ay bumalik muli ang animo ko. Agad-agad kong nilapitan ang nahimatay niyang katawan.
"Grae, gising!" bigkas ko habang inaalog ang katawan niya. Hinawakan ko ang leeg at noo niya para tignan kung gaano na kalubha ang init ng katawan niya. At ramdam ko nga na inaapoy na ito ng lagnat.
Ngayon ay hindi na rin ako mapakali, sobrang lakas na ng ulan sa labas at nakakatakot na ang tunog ng kulog at kidlat. Hindi ko alam kong sa oras na ito ay may mahihingian pa ako ng tulong. Badya ko ay wala nang tao sa Paaralan.
Habang patuloy ko siyang inaalalayan ay napansin ko ang cellphone sa bulsa niya ng umilaw at tumunog ito.
Hindi na ako nagdalawang isip na kunin ito sa bulsa ng pants niya.
Pagkahawak ko pa lamang ng phone niya ay tumambad agad sa akin ang wallpaper ng phone niya. Napahinto ako saglit at pinagmasdan muna ito.
Ito ay ang litrato nilang dalawa ni Ivory. Nakahiga silang dalawa at nagyayakapan, Grae is kissing her in the forehead while he strangle his arms around her while Ivory is closing her eyes while smiling. You can clearly saw the intimacy on them.
Nabaling ang atensyon ko kay Grae habang hawak-hawak ang phone niya. Napaisip ako bigla, at tinanong ko ang natutulog niyang diwa.
"I wonder what kind of love story you have and why it just ended," mahinahong bigkas ko. Napansin kong gumalaw ang ulo nito and he groaned kaya ibinalik ko ang atensyon sa cellphone niya.
Binuksan ko ulit ang phone niya at nakita ko ulit ang wallpaper. A sudden realization hits me.
"So, this is how it feels to be in love," I said to myself.
I opened the phone but it has a passcode and the signal is not stable.
Tumayo muna ako para maghanap ng signal. Habang busy ako sa paghahanap ng signal ay naririnig kong nagsasalita si Grae kaya naka-agaw ulit ito ng pansin sa akin. Nang tumingin ako sa kanya ay doon ko lang napagtanto na nagsasalita siya ng tulog. He's not just talking, he's literally crying. Naririnig ko ang mga hikbi niya."Please, don't leave me. Please! Please! Please!" wika nito habang humihikbi.
I don't know what really happened between him and Ivory but I can see that Grae is traumatized.
Nilapitan ko siya.
"Grae, I'm here. Walang mang-iiwan sayo," sabi ko sa kanya. It's just my way to comfort him. I don't know if he can hear me or he can recognize my voice, but I just want him to hear those words even if it's just an illusion in his dreams.
Narinig kong muli ang pagtunog ng phone ni Grae at agad-agad ko itong tinignan. Text messages ito. It was from Red.
'Already convinced Dad about her situation. He said he already talked to everyone, they'll give Ms. Lavarias a chance.
This was one of the hardest favor you asked from me, bro, u owe me this one.''Btw, where are u? Called u several times! Too lazy to pick up again u fckr'
'Call me when u got home.'
'Love u!'
Laking gulat ko nang mabasa ko ang apelyido ko. Nagtaka rin ako kung anong pinag-uusapan nilang dalawa. Sandali, may kinalaman ba 'to sa expulsion ko? Ibig ba nitong sabihin, gumawa si Grae ng paraan para hindi ako matanggal sa school? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon, hindi ko alam kung bakit ganito pero dahil siguro sa galak na nararamdaman ko ngayon. Sobrang importante talaga sa akin ang scholarship na ito. Sayang ang oppurtinidad sa school na 'to kaya natutuwa ang puso ko ngayon kung sakaling totoo man ito lahat. Ngunit bakit? Alam ko na kahit ganito ang inaasta niya sa akin ay may binabalak ito. Sa palagay ko ay may kinalaman din ito kung bakit niya gustong maging kasintahan ko.
"Sienna..." Narinig ko ang pagtawag ng nanginginig na boses ni Grae. Pinatay ko ang phone niya at agad-agad ko naman siyang nilapitan.
"G-grae?" mahinahong tanong ko.
"Nilalamig ako," saad nito, agad naman akong napalunok sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin, first time mangyari sa akin 'to kaya medyo natataranta ako.
"S-sandali..." Tumayo ako at agad na naghanap sa paligid ng p'wede kong ikumot sa kanya. Madilim sa loob kaya ginamit ko muna ang phone ni Grae pang- ilaw.
"Sienna..."
"Sandali lang." Mas lalo lang akong natataranta sa kanya.
"Turn on the lights," wika nito. Napatingin ako sa kanya. Nakatutok ang kamay niya sa isang direksyon kung saan naroon ang switch ng lights. Ang lutang ko sa parte na 'yon. 'Di ko man lang naisip na posibleng may ilaw rito. Pinuntahan ko ito at saka pinailaw.
Paglingon ko sa paligid bumungad sa akin ang loob ng kwarto. Maraming naka display na paintings dito, mostly portraits and scenery. Medyo makalat lang dahil sa mga paints at art materials. Habang pinagmasdan ko ang paligid napansin ng mata ko ang isang painting na nasa sahig.
Sandali...ari ba 'yon ng lalaki?
Napangisi na lamang ako sa nakita. Maganda naman ang pagkakagawa.
Hindi ko akalain na sa abandonadong building na 'to may nakatago pa lang mga masterpiece.
"Namangha ka ba sa nakita mo?" tanong ni Grae kaya napalingon ulit ako sa kanya. Hindi na ako sumagot at lumapit nalang ako sa bintana kung saan may nakakabit na kurtina. Kinuha ko muna ito para gawing pangkumot. Pagkatapos ko itong makuha ay agad-agad ko siyang nilapitan kasi halata na sa kanya na nanginginig na ito sa lamig.
"Ito gawin mo munang pangkumot pansamantala," ani ko sa kanya habang kinukumutan siya. Pagkatapos ay tumayo ako para lumayo sa kanya kasi sobrang awkward ng sitwasyon namin ngayon.
Ilang minuto pa ang nagdaan at hindi kami nagkaimikan. Nakaupo ako sa silya ngayon at pinagmasmasdan ang paligid. Naisip ko rin na kailangan ko nang umuwi pero hindi ko naman p'wedeng iwanan na lamang siya rito ng mag-isa. Niyakap ko na lamang ang sarili ko dahil nakaramdam na rin ako ng lamig.
"Sienna please think of my offer." Biglang nagsalita si Grae kaya nakatuon ngayon ang atensyon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tainted Hues
Teen FictionSienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called a whore. Lumaki siyang may p...