XXII

20 2 0
                                    

“Dito mo na lang ako ibaba,” saad ko kay Grae. Wala akong choice kun’di magpahatid na lamang sa kaniya dahil hindi talaga kami tinigilan ng mga babaeng ‘yon kanina hangga’t sa ‘di kami nakaka-alis doon. Dito na lang ako nagpababa sa isang Mall malapit sa lugar namin. Lalakarin ko na lang din mamaya, papunta roon. Nakakahiya naman sa lalaking ‘to at sa pagkakakilala ko sa kaniya ay malamang baka pagtawanan niya lang ako lalo dahil sa buhay namin.

Nang maiparada ang sasakyan sa tabi ay bumaba na agad ako at hindi ko na siya pinansin pa kahit anong tawag niya sa akin.

Nagmadali na akong maglakad kasi sa malamang ay hinihintay na ako ni Mr. Fuego.

Nang makarating ako sa kanto namin ay natanaw ko na agad ang itim na kotse niya at ang kintab nito ay tumama sa mga mata ko. Sa pagkakataong ‘yon ay naramdaman ko na ulit ang takot na namumuo sa akin. Hinigit ko ang pagkakahawak sa tote bag ko dahil ramdam ko na rin ang panginginig ng kamay ko at ng buong katawan ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon, parang naging bato ang mga paa ko sa sobrang bigat nito na ultimo isang hakbang ay mahirap gawin.

Ilang sandali pa ay nasa harapan na ako ng kotse, bumaba ang windshield nito at doon muli kong nakita ang demonyong matandang ito.

“Nasaan na ang pera ko? O baka nakapagdesisyon ka na, na katawan mo na lang ang pambay—“ Bago niya pa tuluyang sabihin ‘yon ay kinuha ko ang pera sa bag at itinapon sa loob.

“Bayad na kami,” mariing sabi ko dahil sa namumuong galit na nararamdaman ko sa lalaking ‘to.

“Matapang kang bata,” wika nito at saka tumawa. Hindi ko na siya pinansin at saka umalis na at baka kung ano pa ang maisipan niyang gawin.

Habang mabilis akong naglalakad paalis ay bigla na lamang may humablot sa akin at pinasok ako sa loob ng sasakyan. Nagpupumiglas ako at saka sumigaw ng napakalakas para humingi ng tulong ngunit pinagsasampal niya ako at naramdaman ko ang pagtama ng kamao niya sa sikmura ko kaya bigla akong nawalan ng lakas at nandilim ang paningin.

Kahit unti-unti akong nawawalan ng animo ay ramdam ko ang pagpunit niya sa pang-itaas kong damit. Gusto kong manlaban ngunit wala akong magawa, ang ating alam lang ng sarili ko ngayon ay lumuha.

Ilang sandali pa ay biglang umalingaw-ngaw sa tenga ko ang pagbasag ng windshield, tumalsik pa ang mga bubog nito sa amin at maya’t maya ay bumukas ang pinto ng sasakyan at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang malakas na tawag sa pangalan ko.

“Sienna!” Binugbog nito ang driver at pagkatapos ay sinunod naman niyang pinasadahan ng suntok si Mr. Fuego. Hindi ko na alam ang buong pangyayari dahil nawawalan na ako ng malay, ramdam ko na nawawalan na ako ng paningin dahil pati ang mukha ng lalaking tumutulong sa akin ngayon ay malabo na sa aking mga mata ngunit ang boses nito’y pamilyar at hinding hindi ako nagkakamali kung sino siya.

“Sienna!? Ligtas ka na, nandito na ako,” sabi niya sabay angat sa akin. Inaayos niya ako, naramdaman ko ang akay niya sa bewang ko at sa lower part ng legs banda, inilagay niya ang mga kamay ko sa leeg niya para makakapit ako at pagkatapos n’on ay binuhat na niya ako.

At bago pa ako mawalan ng malay habang binubuhat niya palayo ay naririnig ko ang hikbi nito. Hindi ko alam kung bakit? Naawa ba siya sa kalagayan ko? Sa nangyari sa akin? Hindi ko alam.

“Sienna, naririnig mo ba ako?” Umalingaw-ngaw ang boses nito sa aking pandinig. Iminulat ko ang aking mata ngunit malabo pa rin ang aking nakikita.

“Sienna!” Doon lang nagising ang animo ko.

“Dark?” nagtatakang tanong ko. Siya ba ang nagligtas sa akin? Ang pagkakatanda ko, si Grae ang huling nasilayan ng aking mga mata bago pa ako mawalan ng malay.

Lumingon ako sa paligid at doon ko napagtanto na wala ako sa bahay.

“Nasaan ako?” tanong kong muli kay Dark.

“Nasa clinic ka ngayon. Ito lang ang pinakamalapit sa lugar niyo kaya dito na lang kita dinala. Ano nang nararamdaman mo ngayon?” wika nito sabay tanong.

“I-Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” malamyang tanong ko dahil sa sobrang panghihina.

“A-ah o-oo. Ano ba kasi ang nangyari at humantong ka sa kapahamakan?” tanong niya.

Inilayo ko ang tingin ko sa kaniya ng maalala ko muli ang nangyari sa akin. Namuo rin ang butil ng luha sa aking mga mata.

“I’m sorry, Sienna. I didn’t mean to ask th—“ Natigil siya sa pagsasalita nang dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga.

“Kailangan ko nang umuwi,” giit ko habang namimilipit sa sakit ng katawan.

“Wait, you need to rest,” saad nito ngunit hindi ko siya pinansin at naglakad ako papunta sa pinto para umalis na.

Nasa harap na ako ng pinto nang biglang bumukas ito at bumungad sa harap ko si Auntie, ang mukha nito’y ‘di maipinta. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano?

Maya’t maya pa ay bigla na lamang sumulpot si Grae sa likuran niya. Nang magtama ang mga mata namin ay bigla itong umiwas. Napansin ko rin na mugto ang mga mata nito.

“Tara na at umuwi,” mahinahong wika nito kaya nagtaka ako sa inasta niya. Hinawakan niya ako sa braso at hinila papalabas. Kahit masakit pa ang katawan ko ay wala akong choice kun’di sumama na lamang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Auntie sa akin pagdating sa bahay, ngunit wala na akong pakialam. Masyado na akong nasasaktan, pisikal man at emosyonal. Nasanay na lamang ako sa sakit na pinaparamdam sa akin ng buhay araw-araw.

Bago kami umalis ay hinawakan ako ni Grae sa braso na siyang dahilan ng paghinto namin ni Auntie. Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at doon ko napansin ang sugat at pasa sa kamay nito.

Hindi nga ako nagkakamali. It was him who saved me.

“Remember our agreement, Sienna,” seryosong tugon nito kaya tinignan ko siya sa mata ngunit inilayo niya ang titig bago pa magtamang muli ang aming mga mata. “Hihintayin kita bukas,” dagdag niya pa.

“Tara na!” usal ni Auntie at saka ako hinila muli papalayo.

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon