II

63 9 0
                                    

Maaga akong nagising para maagang makapunta sa Department kung saan ako kumuha ng test. Sakto namang pagdating ko ay marami ng tao at iaannounce na ang result ng mga nakapasa.

"Good morning, everyone! Ito na ang resulta. Sa 50 kayong kumuha sampu lang ang nakapasa." Narinig ko ang biglang pag-ingay ng mga kasama ko sa announcement na 'yon. Mas lalo akong kinabahan kasi baka hindi ako mapasama sa sampung 'yon. "Ang sampung 'yon ang maswerteng makakapag-aral sa isa sa mga Prehistiyosong paaralan sa Pilipinas. Makakakuha kayo ng full scholarship grant. Itong scholarship na ito ay programang pinatupad namin para sa mga kabataang hangad na makapagtapos sa isang Prehistiyoso at isa sa mga sikat na Paaralan sa Pilipinas. Kaya sa mga hindi makakapasok, pasensya na. Ngunit, huwag kayong mawalan ng pag-asa next year pwede ulit kayong sumubok. Sa ngayon, iaanunsyo ko na ang mga nakapasa.

"Okay po!" sabi naming lahat.

Isa-isa niyang inanunsyo ang pangalan ng mga nakapasa. Habang binabasa nito ang pangalan ng mga nakapasa patuloy lang ako sa pagdadasal sa aking isipan habang nakapikit ang aking mga mata.

"And, the last one is...wait, this is impressive! This girl got almost the perfect score!" Imposible man na maging ako 'yon pero sana ako talaga.

Lord, please!

"Congratulations! You've got a 99% Ms. Sienna Lavarias!" Tila ba'y tumigil ang mundo ko at naging tahimik ang paligid, tanging pangalan ko lang ang naririnig ko. It was me! I did it!

Iminulat ko ang mga mata ko, at hindi ako makapaniwala na gano'n kataas ang makukuha ko.

"Ms. Sienna Lavarias where are you?"

I raised my hand. "Narito po."

Ang atensyon ng lahat ay nabaling sa akin at ang iba ay binigyan ako ng masigabong palakpakan habang ang natitira ay tinitigan lang ako na para bang may namumuong sama ng loob sa kanila. Hinayaan ko na lang sila at hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin, baka dahil lang ito sa frustration na nararamdaman nila.

"There you are! Such a beautiful lady. You did great! Congratulations!"

"Thank you po!" Abot tengang sabi ko dahil sa tuwa.

"Sa mga nakapasa, classes will start next week. Bumalik lang kayo rito dala ang mga gamit niyo next week at kami na ang bahalang ihatid kayo sa new school niyo. Again, congratulations! You can now go home. Have a great day ahead!" Nagsialisan na ang lahat pagkatapos no'n.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa pinagtatrabahuhan kong isang maliit na Karinderya. Habang naglalakad ay paulit-ulit na naririnig ko ang pag-anunsyo ng pangalan ko.

"Panginoon, thank you po! Promise po hinding-hindi ko sasayangin ang opportunity na ito. Thank you po talaga!" dasal ko sabay talon sa sobrang tuwa. Napansin ko rin na pinagtitinginan ako ng mga tao sa daan. Hindi ko na sila pinansin at agad na tumakbo na ako papasok sa pinagtatrabahuhan kong Karinderya.

"Ate, sorry po nalate ako ng kaunti at sorry po dahil hindi ako nakapasok kahapon," paumanhin ko sa may-ari ng Karinderya. Bakas sa mukha nito ang pagkabad mood dahil sa kilay nito na nangungisap at parang hugis bahaghari na.

"Sorry!? Gano'n lang 'yon!? Hindi mo ba alam na nahirapan kami sa pagseserve rito kahapon dahil wala ka!? Hali ka nga rito!" Hinawakan niya ang tenga ko at piningot.

"Aray! Tama na po, nasasaktan na po ako!" sigaw ko habang pinipilit na kunin ang kamay niya sa tenga ko.

"Anong tama na? Kulang pa ito!" sigaw nito.

"Sinabing tama na po!" sigaw ko sabay tulak sa kanya dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. "Wala po kayong karapatan na gawin sa'kin 'to! Sana sinabi niyo na lang na sisante na ako, hindi po 'yong sasaktan niyo pa ako," dagdag ko.

"Ah, gano'n? Dahil d'yan sisante ka na!" bulyaw nito.

"Hindi na po kailangan, ako na po mismo ang aalis," sabi ko. "Kaya pwede po ba ibigay niyo na sa akin ang perang pinaghirapan ko nitong buwan," dagdag ko pa.

"Anong pera? Ang kapal din naman ng pagmumukha mo! Akala mo ba may makukuha ka? Wala! Kaya umalis ka na!" sigaw nito at tinulak ako dahilan ng pagbagsak ko. Naghintay ako sa labas ng Karinderya kahit bumubuhos na rin ang malakas na ulan at basang basa na rin ako kakapilit sa may ari na ibigay ang pera.

Alas dose na ng Gabi at pinagsarhan na rin ako ngunit wala akong nakuha at napala. Tumayo ako ng luhaan at umalis na lang.

"Hindi pwede 'to! Ayoko nang bumalik sa lugar na 'yon!" Napaupo ako sa daan at humagolgol.

Ilang oras pa ay umuwi na rin ako. Pagpasok ko sa bahay ay bumungad agad sa'kin si Auntie na nagbibihis para pumunta sa club.

"Oh!? Nasaan na ang pera?" Ayan agad ang mga katagang narinig ko kay Auntie, hindi man lang niya tinanong kung anong nangyari sa'kin. Sabagay, wala nga pala siyang pakialam. Kahit nga siguro mamatay ako ay hahayaan niya na lang akong mabulok.

"A-auntie, s-sorry po," nanginginig na sambit ko.

"Sinasabi ko na nga ba!" Nilapitan ako ni Auntie at sinabunutan. "Wala ka talagang kwenta! Bwiset ka!" bulyaw nito.

"Tama na po!" Humagolgol ako sa iyak habang sinasaktan niya ako. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa iba ngunit pagdating kay Auntie hindi ko magawa.

"Hali ka rito!" Kinaladkad niya ako papasok sa kwarto. Kumuha ito ng mga damit na ginagamit niya pansuot sa club. Tinapon niya ito sa pagmumukha ko.

"Ayan magbihis ka! Hindi ka na nadala! Gusto mo talagang dalhin kita sa club ano!? Bilisan mo!" sigaw nito.

Isinuot ko na ang binigay niyang damit. Sobrang iksi nito at halos kita na ang singit ko sa shorts at nakasleeveless lang din ako. Nakaponytail ang buhok ko.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay dinala na niya ako sa club.

"Rose, baka sabit na naman tayo d'yan sa pamangkin mo?" sabi ng manager na intsek.

"Nako, manager hindi na po. Binalaan ko na ito!" sabi ni Auntie sabay tingin sa akin.

"Siguraduhin mo lang." Manager.

"Opo," ani Auntie.

"O' sige, dalhin mo na 'yan sa mga customer. May mga bagong customer doon, ang babata at ang popogi. Pwede na siguro 'yon, malamang magugustuhan nila itong kaedaran nila," sabi nito kaya nanginig ang katawan ko. Para akong hindi makagalaw sa sitwasyon ko ngayon.

Hinila na ako ni Auntie Rose papunta sa isang room sa taas ng club.

Habang naglalakad ay binabalaan ako ni Auntie.

"Ayusin mo 'yang sarili mo. Mukhang mayaman daw e', tiba-tiba tayo roon. Huwag na huwag mo akong subukang ipahiya kun'di ilalampaso ko 'yang pagmumukha mo." Huminto kami sa pintuan ng kwarto.

"Sige na, pumasok ka na!" Tinulak ako ni Auntie papasok ng kwarto kaya nadapa ako sa sahig.

"Sir, enjoy your night!" sabi ni Auntie sabay sara sa pinto.

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon