XXIV

24 2 0
                                    

Nasa Cafeteria ako ngayon, nakatayo sa gitna ng maraming estudyante habang dala-dala ang tray ng pagkain at tumititig kung saan may bakante pang upuan. Libre lang ang pagkain dito, since shoulder na ng school ‘yon. Sa laki ba naman ng tuition dito e’.

The two storey cafeteria is fully conditioned, with high-class interior—fully glass wall, kita ang view ng field. Chairs are made of black fabric and is tub chair designed. The table are also made of black tainted glass. The owner of this school is obviously a fan of Black color. Geometric chandelier gives life to this room,acquainted with soft white lights, kaya sobrang modern at classy niya tignan.

Mabuti na lang ang uniform ay fit sa setting ng area. Our uniforms are not kind of usual in the Philippines, we are required to wear button-down shirts, trousers for boys and blouses, pleated skirts for girls, with both wearing blazers. Apat ang klase ng uniform sa school, everyday iba-iba ang kailangan suotin at designated sa bawat araw ang color. During Mondays, we wear this color Maroon. Tuesday, the Grey one. Wednesday, the Biege color and Thursday the Black one. Friday is no uniform day, everyone are having their best OOTD’s. Since, scholar naman ako, ang expenses ko rito ay libre kaya sobrang laking bagay talaga nito sa akin.

Habang naghahanap ay ‘di pa rin maiwasan ang mga titig at bulong-bulongan sa akin dito, hindi ko na lang sila binigyan ng atensyon, ‘yon lang naman ang gusto nila e’. Nang makahanap ako ng upuan ay agad kong tinungo ‘yon at baka maunahan na naman ako. Inilapag ko ang pagkain at bottled water na kinuha ko, rice with spicy adobo ang kinuha ko at may kaunting gulay, ‘di ko alam kung ano’ng tawag nila rito, pangmayaman ang dish e’. Bahala na basta pagkain ay kakainin ko ito.

Pasubo na ako nang biglang may lumapag ng pagkain sa harap ko, kaya’t nanatili sa ere ang kutsarang hawak-hawak ko.

“Hi!” boses babae ito at pamilyar ang kasuotan niya. Tinignan ko kung sino ito para siguraduhin. “Sienna, right? Remember me?” dagdag pa nito.

Namuo ang ngiti sa labi ko ng makita ko na ang babaeng kaharap ko ay si Violet. Umupo ito sa tabi ko.

“P’wedeng tumabi?” tanong nito. Bakit niya pa tinatanong ‘yon kung nauna na siyang naupo? Napangisi na lamang ako saka tumango at isinubo na ang pagkain ko.

“Kumusta ka na pala?” tanong nito. Sasagot na sana ako sa tanong niya ngunit napansin ko na naman ang mga estudyante sa paligid na tinitignan kami.

“Sigurado ka bang gusto mong tumabi sa akin?” pabulong na tanong ko kay Violet.

“Oo naman, bakit?” Napatigil ito sa paggalaw ng pagkain niya at napatingin sa mga tao sa paligid.

She chuckled. “Don’t mind them, just let them stare,” sabi nito. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. “By the way, can I be your friend?” Namuo ang galak sa puso ko ng sabihin niya ‘yon. “Gusto talaga kitang maging kaibigan, please?” dagdag pa niya.

“Sigurado ka? Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Magaan ang loob ko sa’yo, Sienna. At isa pa, isa ka rin sa mga scholars dito, I’m one of them too, kaya makaka-relate talaga tayo sa isa’t isa. But I’m already a sophomore,” wika niya. Masaya ako at may nakilala akong gustong makipagkaibigan sa akin, kahit na alam niya ang mga issues na meron ako na kumakalat at may posibilidad na madamay pa siya rito dahil ginusto niyang maging kaibigan ko siya.

“Pero ayokong madamay ka sa mga issues ko rito,” saad ko sa kaniya.

“Wala akong pake kung ano man ‘yang pinagkakalat nilang issues tungkol sa’yo at kung madamay man ako. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan kasi alam kong you’re good at mapagkakatiwalaan. I can sense people,” giit niya sabay kindat sa akin. Violet is really cool and drop dead gorgeous, her e-girl personality still resonates, even she’s wearing a uniform.

“Pero na sa’yo pa rin ang desisyon kung gusto mo rin akong maging kaibig—“ Bago pa man siya matapos sa pagsasalita ay agad na akong sumingit.

“Gusto ko!” sagot ko agad. Nang sabihin ko ‘yon ay niyakap niya ako na punong-puno ng galak.

Habang masaya kaming nagyayakapan ni Vi rito ay bigla na lang may naglapag ng mga pagkain sa harap namin at saka walang pasabing umupo. Sabay kaming napatingin ni Violet sa limang lalaking kaharap namin.

“Hello, gorgeous ladies!” Cyan greeted. Umayos kami ni Violet sa pagkaka-uupo. Ngayon ay nasa amin na talaga ang atensyon ng lahat.

“How’s my girlfriend doing?” Grae flirtatiously asked while biting a pizza.

“Boyfriend mo?” tanong ni Violet. Tinignan ko lang siya.

“Yes, and who are you?” Grae answered and asked her.

“Sienna’s new best friend,” pagpapakilala nito sabay abot ng kamay kay Grae. Tinignan lang ito ni Grae.

“What’s that for? You don’t know us?” seryosong tanong ni Grae. Napansin naman ng mga mata ko ang napakasamang titig ni Red kay Violet at parang hindi ito mapakali. Dark just smiled at me and just eat his food, gan’on din si Bleau.

“I don’t think I have a schedule to know people with no relevance,” Violet answered. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Same with the five of them, ultimo napahinto sila sa pagkain.

“Then why are you offering a shake hand?” mariing tanong ni Red. Nagkatitigan ang dalawa.

“Change of judgement? Because maybe I’m wrong?” sarkastikong saad ni Violet. Seryosong nakakatitig lang si Red sa kaniya at ang mga titig niya ay parang may halong pagkamuhi.

“Sienna, are you sure you wanted to be friend with this woman?” tanong nito sa akin at saka tumingin ulit kay Violet. “Cause she seems untrustworthy. Halatang pagdating ng araw, iiwan ka niya sa ere,” giit pa nito. Nagtataka naman ako sa mga sinasabi niya. Pati mga kaibigan niya ay may halong pagtataka rin.

“Huwag kang mag-alala... Red, hindi naman ako gan’on,” saad ni Vi nang may ngiti sa labi.

“Hindi nga ba?” mariing usal nito.

“Do you guys know each other?” singit na tanong ni Bleau.

“No!” sabay at malakas na giit ng dalawa.

“Woah, kalma lang!” Bleau.

“I don’t think I would want to know a girl who I can sense not worthy of trust, besides she’s no special.” Napansin kong nanginginig na ang kamay ni Violet, siguro dahil sa mga pinagsasabi ni Red.

“Red, calm down,” Dark interrupted, trying to calm him down.

“Grae, p’wede ba umalis na lang muna kayo. Kung may kailangan ka sa’kin, ako na mismo ang lalapit sa’yo mamaya,” wika ko para hindi na lumala ang namumuong tensyon dito.

“I just want to see my girlfriend. Am I not allowed?” nakakalokong wika niya. Napatingin naman ako sa likod ko, at tama nga ang hinala ko naroon naka-pwesto sila Ivory. Napabuntong hininga na lamang ako.

“Vi, tara na,” pag-aaya kong umalis kay Violet. Kung hindi sila aalis, kami na lang.

“Sienna, pasensya na,” wika ni Dark habang papaalis kami.

Hindi na namin sila pinansin. Habang naglalakad kami paalis ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ni Violet.

Hindi ko alam kung bakit gan’on na lang bigla ang inasta ni Red. Ang pagkakaalam ko, hindi naman gan’on magtrato si Red sa mga babae. Sa katunayan sa lima sa kanila, siya itong soft-boy, kaya nakakapagtaka.

“Vi, okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya.

“Yes, comfort room lang muna ako. Kita na lang tayo ulit. Thank you, Sien,” wika nito at niyakap ako.

“Sige, pasensya ka na ha,” saad ko. Tumango lang ito at pumasok na sa na sakto namang nadaanan namin.

Ngayon pa lang, I feel bad dahil mukhang madadamay talaga si Violet sa sitwasyon ko rito sa school, kay Grae at sa mga kaibigan niya.

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon