VI

47 8 0
                                    

Narito kami ngayon sa Dean's office. Pinapunta muna kami rito para iwelcome mismo ng Dean ng Paaralan.

"The new students can now start their journey as a scholar. I congratulate all of you!" magalak na pagbati nito.

"Thank you po!" pasasalamat naman namin.

"Okay, so new Westfielders you can now proceed to the auditorium. Enjoy your first day!" sabi nito sa amin. "Miss, can I talk to you for a while?" tanong nito sa Facilitator. Pinalabas na kami at pinauna papunta sa auditorium. Hindi namin kabisado ang school, at malawak ito, at limang palapag ang taas ng mga building, kaya baka maligaw pa kami.

Habang naglalakad kami sa hallway. Nagkwentuhan ang mga kasamahan ko.

"Sobrang proud talaga sa akin sila Mommy at Daddy ng malaman nilang nakapasa ako sa Paaralan na 'to," tuwang tuwa na saad ng babae.

"Sa akin rin, nagcelebrate pa nga kami sa restaurant no'ng nalaman nila," wika naman ng isa.

Napangiti na lamang ako sa aking mga naririnig. Hinayaan ko lang sila, gusto ko man na makipagkaibigan sa kanila, pinipigilan din naman ako ng aking sarili dahil hindi naman ako sanay na makipagkaibigan. Nasa likuran lang ako nakasunod sa kanila habang nakahawak ng mahigpit sa tote bag ko na may sarili kong pinta at desinyo na ibon at ang kulay ay rainbow. Ito ang bag na gamit ko kasi wala naman akong pambili.

Sa 'di kalayuan ay naririnig na namin ang mga hiyawan ng aming kapwa estudyante kaya napagtanto naming malapit na kami. Nagsitakbuhan na rin ang mga kasamahan ko at 'di na makapaghintay na makisali sa kasiyahan.

Patakbo na rin ako nang may mapansin ako na tao sa loob ng silid aralan. Napahinto ako at pinagmasdan siya sa loob. Nakaglass window at bukas ng kaunti ang kurtina kaya kita ko siya sa loob, hindi ko nga lang masilayan ang mukha niya dahil nakasubsob ito sa desk.

Lumapit ako ng kaunti sa bintana at nakita ng mga mata ko ang tubig na pumapatak sa sahig. Hindi ako maaring magkamali, patak ito ng luha.

Nilapit ko ang tenga ko sa bintana at tama nga ang hinala ko, umiiyak siya dahil naririnig ko ang mga hikbi nito.

Ito ang unang pagkakataon na makarinig at makakita ako ng umiiyak na lalaki sa harap ko. Akmang kakatukin ko sana ang glass window ng may tumawag sa akin. Nanatili sa ere ang kamay ko.

"Miss, pretty girl. Tara na!" sigaw sa 'di kalayuan ng isang babaeng kasamahan ko. Tumango ako at nginitian siya. Tumakbo na ulit siya. Pinagmasdan ko ulit ang lalaking nasa loob.

Mukhang mabigat ang problemang dinadala niya. May bahid man ako ng galit sa lalaki, kahit na hindi ko pa gusto ang isang tao, I wouldn't invalidate what he feel. I know what it feels crying in the eye of no one. It's comforting alone yet chaotic.

I immediately get a paper on the bag and a pen and draw a smiling face and put a words 'Smile hueman!' Pagkatapos ay tinape ko ito sa bintana saka kinatok ang bintana at agad-agad umalis bago pa niya ako masilayan.

Nang makarating ako sa auditorium, ang daming tao sa loob. Nabalot ito ng mga hiyawan, may nagpeperform na dancers sa stage.

Hindi ko na sinubukan pang makipagsiksikan baka masagi pa nila ang mga pasa ko.

"Aray!" Speaking of, nasagi nga ang mga pasa ko ng mga dumadaan na estudyante. "Hindi kasi nag-iingat, ang sakit pa naman ng katawan ko," mahinahong reklamo ko.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Ang pagkakaalam ko, wala naman akong pasa rito. Napagdesisyonan ko na lamang na pumunta ng comfort room para tignan. Napatingin ako sa biglang nag-announce sa stage.

"The time has come to announce our Campus Grandeur! We'll meet our Sire and Majesty!" he announced cheerfully.

Sayang! Iaannounce na pala ang Campus Grandeur. Napabuntong hininga ako at saka umalis na muna sa Auditorium at naghanap ng comfort room. Sa kabutihang palad ay may nakita agad akong comfort room dito lang sa gilid ng Auditorium.

"As per students and officials decision, I would like to congratulate our Newly Campus Sire no other than...Mr. Grae Amaranth Algarve and our Newly Campus Majesty Ms. Ivory Valencia! You two come over here and let everyone saw who's going to take over the Academy!" Announcer.

"We all know you two are freshman but everyone saw your potential so they nominated the two of you as their Campus Grandeur and we, the officials and Professors here in Westfield Academy also agreed. Congratulations!"

"Westfielders, let us all welcome our Campus Grandeur! Sire Grae Amaranth Algarve and Majesty Ivory Valencia!"

GRAE'S POV

The moment he announced who the Majesty is, I am absolutely in cloud nine. I gazed at Ivory, she's in shocked with the announcement yet I saw how happy she was. I am happy for her too. I admit until now I love her. Ivory is my ex-girlfriend. Naghiwalay kami sa 'di malamang dahilan. I don't know if she still loves me. All I can say she's my great love.

Parati ko siyang hinahabol-habol kaso siya itong leaving umiiwas. Kaya sa ngayon masaya ako kasi siya ang napili, kasi kahit sa ganitong sitwasyon ay makakasama ko ulit siya lalo na sa mga gaganapin sa school.

Ivory is the reason why I became cold. Noong nagbreak kami 'di na nila ako nakikitang ngumiti. She's one of the reason behind my smile.

Before anything else, let me introduce myself. I am Grae Amaranth Algarve, 18 years old. I am a Fine Arts student, a varsity player, photographer and a member of a Campus Organization called 'Koloris'. It was an organization founded by me and my best friends, Dark, Red, Cyan, Bleau. Ang weird ng mga pangalan namin, ewan ko ba sa mga magulang namin kung bakit 'yan ang pinangalan at nagsama-sama pa talaga kami. Like everyone else, we are chaotic kind of friends.

Anyway, this organization's mission is to help people in need of financial assistance through our artworks. Once we have enough funds, we travel to every corners of the country especially those in higher areas and give them services

Nabaling ulit ang atensyon ko kay Ivory nang nasa taas na kami ng stage. Ngunit napapansin kong umiiwas ito sa akin. Kaya nabadtrip ako inaasta niya sa akin. Pagkatapos ng pagwelcome sa amin ay agad na rin akong bumaba at nakiparty na lang sa mga kaibigan ko.

Ilang sandali pa ay napansin kong bumaba si Ivory. Everytime I stared at her face, I was fascinated by its breathtaking beauty.

No wonder, ulol na ulol ako sa kanya.

I decided to follow her.

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon