VIOLET’S POV
After kong magpakalma ng sarili sa comfort room ay lumabas na rin ako. Luckily, wala pa akong pasok ngayon kaya hindi ako male-late if sakali.
I fixed myself after I cried it all out—the heavy feeling I have right now.
Red is just so rude lately. It didn’t sink to me that he would do that. After that day, ngayon lang ulit kami nagkaroon ng interaction. I can’t blame him for acting like that towards me.
After kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako. Sakto namang paglabas ko ay may nabangga na naman ako. Lagi na lang akong may nababangga.
“I’m sorr—“
“Your sorry always make me shiver.”
Naputol ang sasabihin ko ng mapagtanto ko na ang kaharap ko ngayon ay si Red. Napabuntong hininga na lamang ako.“Excuse me,” wika ko at akmang aalis na lang kasi ayoko nang humaba pa ang usapan ngunit napahinto ako nang magbigkas ulit ito ng salita na siyang dahilan sa pag-apoy na naman ng tenga ko.
“You’re really good at it, huh!? Leaving people behind!” Mariing wika niya, narinig ko rin ang mahinang pagtawa niya na halatang nang-aasar.
Hinarap ko siya. “What’s with you, Red!?” mariing tanong ko. Nanginginig na naman ako sa inis dahil sa mga sinasabi niya.
“Ako dapat ang magtanong niyan sayo. What’s with you or I must say what are you up to? Ano’ng dahilan bakit kinaibigan mo si Sienna?” tanong nito. Napaawang ang mga labi ko dahil hindi ako makapaniwalang sinasabi niya ‘to sa akin.
Natawa muna ako bago magsalita. “Seriously, Red? Anong klaseng tanong ‘yan?”
“See, you can’t even answer a simple question!” giit nito.
Naging seryoso naman ang mukha ko dahil naiinis na talaga ako sa kaniya.
“My intentions are pure, Red. I want to be friends with Sienna,” giit ko sa kaniya.
“Wait, wait, wait! Did I hear it right? Your intentions? Are pure?” Red smirked in mockery. “As far as I remember you once told me that...” Inilapit niya ang mukha niya sa akin at tinignan ako nito na may halong romansa. Inilayo ko naman ang tingin ko dahil naiilang na ako sa ginagawa niya. “Your intentions are pure towards me, but what did you do?” I suddenly felt a heavy object hit my heart and now I am trying my best to hold back my tears from falling.
“F*ck you!” mariing sabi ko dahil sa inis. He just smirked, trying to annoy me even more.
“Let’s f*ck? I’m in. Where?” Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa sinabi niya. Hindi ko akalain na hahantong siya sa ganito.
“I c-can’t believe you would go this far, Red!” Tinulak ko siya para makaalis na ngunit patuloy lang ito sa pagsasalita.
“She’s not rich for you to take advantage. I know you will betray her just like what you did to me!” he yelled.
Muli ko siyang hinarap dahil punong-puno na ako.
“She’s not you, Red!” I yelled back at his face, buti na lang at kaming dalawa lang ang narito.
Napansin kong biglang nanlumo ito dahil sa sinabi ko. “I will not do to her, what I just did to you! ‘Yon ba ang gusto mong marinig ha!?” Ngayon ay naramdaman ko na ang pagbagsak ng luha ko.
“You’re really the worst person I’ve ever met!” usal nito habang pumatak na rin ang luha sa kaniyang mga mata.
“Sabihin mo na ang lahat sa akin, call me whatever you want but do not ever question the intentions I gave to people!” Tumalikod ako para umalis na ngunit bago ako tumuloy ay may iniwan muna akong mga kataga sa kaniya.
“And please, look at yourself. Babaguhin mo talaga ang sarili mo para lang sirain ako? Hindi ikaw ‘yan, Red.” Pagkatapos ko ‘yon sabihin ay tinalikuran ko na siya. Ayoko nang pahabain pa ang pagtatalo namin. Ngunit saktong paglingon ko ay nakaharap ko si Grae.
He was curiously looking at us and at the same time confused.
I’m doomed. He shouldn’t be here, seeing us. No one should know.
“W-what’s going on?” he asked, but before I could answer with an alibi, Red interrupted. Nilapitan niya si Grae.
“N-nothing, Grae. Come on!” wika nito at saka hinila si Grae papalayo. He still don’t want to expose what we had in the past.
Nagtataka pa ring palingon-lingon si Grae sa akin dahil sa pagtataka. Tinignan ko lang sila habang naglalakad papalayo at bago pa tuluyang maglaho ang dalawa sa paningin ko ay naglapat muna ang aming mga mata ni Red.
Nang tuluyan nang makalis ay napaupo ako at napasandal sa wall sabay napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ko ang dibdib ko at napabuntong hininga ng malalim at saka humagolgol para ilabas lahat ng bigat ng pakiramdam ko. Sobrang sakit.
Red, I hate what happened to us. I used to love him and he used to love me but under the circumstances I ended what we had.
I can’t blame him if he acted like that towards me, I caused him pain, so much pain. I understand where his grudges came from.Am I bad for leaving him? For causing him too much pain? For breaking the heart of the only person who accepted me for who I am?
If only he’d know...he was not the only one who’s hurting.
“I’m so sorry, Red,” I whispered in the air.
RED’S POV
“Bro...what does that mean?!” nagtatakang tanong ni Grae sa akin habang naglalakad kami.
“You heard it?” tanong ko naman. He shouldn’t know this, no one should, even if he’s my best friend.
“Everything. I-I mean not everythin—“ Natigil ito sa pagsasalita sabay harang ng kamay niya sa katawan ko na dahilan para mapahinto kami.
I’m already f*cked up. Sa lahat ba naman ng kaibigan ko na p’wedeng makasaksi n’on, bakit si Grae pa!? I know Grae well, panigurado hindi niya ako titigilan hangga’t ‘di niya nalalaman ang totoo.
“Don’t tell me she’s the girl you’re in love in high school?” tanong nito at halos marinig na ng mga estudyante na dumadaan dahil sa lakas.
Napatingin naman ako sa mga dumadaan na pinagtitinginan na kami.
“Grae, your voice!” mariing sabi ko. Nang ma-realize niya ‘yon ay hinarap niya ang nga estudyanteng nakatitig sa amin at saka tinignan ng masama kaya nagsialisan ito.
Dumiretso ako sa paglalakad pero sinundan niya ako at kinukulit.
“Red, am I right? She is—“ Bago pa man niya ituloy ang sasabihin ay pinutol ko na ito.
“Cut it off, Grae.” I chuckled to pretend I wasn’t affected with that woman.”There’s nothing going on between us.”
“I’m asking for the past, not what you and her have now.” See, hindi niya talaga ako titigilan dito hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot.
I faced Grae. “I’m not yet ready, Grae.” Naging seryoso ang mukha nito nang marinig ‘yon.
“Okay, I’ll respect your decision. Sana dumating ang araw na i-kwento mo sa amin. Hindi mo man ipakita sa amin but I know you’ve been hurt for years because of her...” Napalunok ako sa sinabi niya. Gusto nang pumatak ng luha ko ngunit pilit ko itong pinipigilan. I told myself I shouldn’t cry anymore for that pain. “Kapag handa ka na alam mo namang dito lang kami laging handang makinig.”
“F*ck you! Don’t make me cry!” Natatawang usal ko sa kaniya at saka niya ako niyakap.
“Do me a favor, Grae.” I told him habang magkayakap pa rin kami.
“What is it?”
“Sa atin lang muna ito, don’t tell anyone yet.” Hinigpitan niya ang yakap, I know it was a sign of agreement.
“Of course, I got you, bro.”
I was overwhelmed, I am forever grateful for having a friend like him.
BINABASA MO ANG
Tainted Hues
Teen FictionSienna Lavarias lived in cruelty, despise by the woman who took care of her since she was born. She grew up in the fear of getting inside the hues of lights that flickers on the bulb-a place where women are mostly called a whore. Lumaki siyang may p...