XX

18 2 0
                                    

Ang mga mata ko’y mulat habang nakatulalang nakatitig sa malaking logo ng Westfield Academy sa entrance gate. Malakas na hiyawan ng mga estudyante ang nagpabalik ng animo ko. May mga estudyanteng nasa field na nagtitipon. Everyone was showing their outfits, since no uniform day ngayon, pagandahan sila, parang fashion show but for fun. They look elegant with their outfits, truly they have a fashion sense. Another normal day at the Academy. Halos araw-araw ata ay may ganap sa school na ito, basta kung ano lang maisipan ng mga nag-aaral dito.

Dapat masaya ako sa nakikita ko ngayon ngunit nananaig pa rin ang pagka-miserable ko sa buhay lalo pa’t hindi pa rin maalis sa utak ko ang nangyari kagabi. Sa totoo lang sobrang mugto ang mata ko ngayon at wala ako sa sarili dahil hindi ako nakatulog dahil sa trauma na naranasan ko kagabi. Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin na parang isang lantang gulay. Hindi ko na rin pinansin ang mga titig ng mga estudyante sa akin at mga sinasabi nila. Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang eskandalong kumalat. Hindi ko alam kung kailan matatapos ‘to o kailan sila mapapagod na pag-usapan ako, ang tanging alam ko lang ngayon ay mawalan ng pake at mawalan ng pakiramdam sa lahat.

Nang makarating ako sa classroom ay una kong hinanap si Grae. Tinanaw ng mga mata ko ang paligid ngunit wala pa siya, ang narito lang ay ang mga tropa niya.

“Sienna, are you okay?” tanong ni Dark na kalalapit lang sa akin. Hindi ko siya pinansin at tumingin tingin lang ako sa paligid kaya sumabay na rin sa paglingon-lingon sa paligid si Dark. “May hinahanap ka ba?” tanong niya kaya tinignan ko siya nang diretso sa mga mata.

“Nasaan si Grae?” matamlay na tanong ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Marahil ay nagtaka ito.

“He’s still not here,” sagot nito. “Why are you asking? May ginawa na naman ba siya sayo?” dagdag pa na tanong niya.

“Kailangan ko siya,” ‘yon lang ang tanging lumabas na mga salita sa bibig ko.

“S-sienna?” Naiintindihan ko kung bakit ganito ang reaksyon ni Dark. Alam kong napapansin niya kung gaano ko kinamumuhian si Grae kaya malamang ay magtataka siya kung bakit ko siya hinahanap.

Naagaw ng atensyon namin ang mga pumasok na babae dahil sa dulot nitong ingay. Grupo ito nila Ivory.

Napahinto siya ng magkasalubong ang aming mga titig. Ibinaba niya ng kaunti ang shades niya para tignan ako mula paa hanggang ulo at pagkatapos ay inirapan ako. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang ako sa upuan ko.

Paupo na ako sa aking upuan ng bigla kong maalalang iniwan ko pala siya kagabi sa abandonadong building. Hindi kaya hindi siya nakauwi?

Agad-agad akong tumakbo papalabas ng classroom para sana puntahan siya baka may nangyaring masama sa kaniya, kargo de konsensiya ko pa ‘yon.

“Sienna, where are you going!?” Narinig kong tawag sa akin ni Dark ngunit hindi ko na ito pinansin. Ngunit bago pa man ako makalabas ng pintuan ay malakas na tumama ang mukha ko sa dibdib ng isang lalaki. Naramdaman ko agad ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko at para akong hinahabol ng aking hininga, siguro ay dahil sa kaba.
Ewan ko ba, hindi ko maipaliwanag ang emosyong nararamdaman ko sa puntong ito.

Bago pa man ako tumingala para tignan siya ay nagsalita na ito.

“I hate you for leaving me in there,” malamig na tunong wika nito. Sa boses pa lang ay alam ko na agad kung sino ito. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tignan siya. Hindi ito nakatingin sa akin, nakatingin ito sa isang direksyon, mukhang alam ko na kung kanino.

Ilang segundo rin kaming nanatili sa pwestong ito.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa nagsalita na ako para ipaalam sa kaniya ang gusto kong sabihin.

Tainted Hues Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon