Celena's POV
I'm currently here at music room for our practice. Alasingko ang start namin kaya matatapos kami ng 6 PM. Nag-text na rin ako kay Prince na mauna na siya dahil kaninang alastres pa ang dismissal nila kaya mag-co-commute na lang ako pauwi."Ok guys, may notes na ako para sa mga kanta na kakantahin natin sa intrams. Marami 'to kaya i-practice niyo na." Binigay niya saamin isa-isa ang mga notes na kakantahin. Buti na lang at alam 'ko lahat 'to.
Nag-simula na kaming mag-practice at maganda naman ang kinalabasan.
"Ang ganda ng combination ng boses niyo Yena and Lory. Pero hindi kayo laging mag-sasama sa isang kanta, minsan mag-sosolo kayo." We just nodded at him. "Depende din sa kanta ang gagamitin nating instruments. Ikaw Yena, kapag nag-solo si Lory, ikaw ang sa keyboard. Kapag kailangan ng keyboard at ikaw ang vocalist, kaya mo bang tumugtog habang kumakanta?"
"Yup. I can multitask." I assured him.
"That's good. Its already six. Tapos na tayo." Inayos 'ko na ang gamit 'ko at lumabas.
Nandito ako sa waiting shed habang nag-hihintay ng taxi nang biglang huminto sa harap 'ko ang kotse ni Alex.
"Hey! Sabay ka na saakin." He offered. Sumakay naman ako dahil no choice, mukhang matatagalan ako sa paghihintay ng taxi.
"Ba't ngayon ka lang uuwi?" I asked him.
"Nag-practice pa ako para sa pageant." I just nodded. "Ikaw, sino hinihintay mo?"
"Nag-aabang ako ng taxi. Nauna na kasi si Prince kanina, ung driver naman namin bukas pa ang balik galing probinsya nila."
Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ng kasambahay namin.
"Ate, andito na ba sila mommy?" I asked her.
"Opo, Ms. Yena. Nasa dining na po sila at hinihintay kayo." Agad akong nag-hugas ng katawan at nag-palit ng damit tsaka bumaba sa dining area.
"Yena, why are you late? Sino ung nag-hatid sayo?" Kuya asked me.
"Si Alex, kuya. Mapapadalas po ung pag-uwi ko ng late kasi po everyday kaming may practice sa Banda. Para po yon sa Intrams at Foundation day namin. Kinuha po kasi nila ako as vocalist." I answered.
"Sasabihan 'ko na lang si Mang Ador na siya na muna ang susundo sayo pauwi." Dad said. I just nodded and continued eating.
Nang matapos akong kumain ay pumunta ako sa Pool Area para mag-review dahil may recit kami bukas. Napa-angat ang tingin 'ko nang umupo si Kuya Charles sa harap 'ko.
"Kuya Caly, what are you doing here?" I asked him.
"Nothing. Magpapahangin lang." He answered.
"Kuya, by the way, diba po sa RU ka nag-aral?" He just nodded. "Ano pong ganap mo nung intrams at foundation day niyo? I'm just curious." I shrugged.
"Well.... Kasali ako sa Mr. And Ms. Intrams."
"Really? Ang pogi mo talaga kuya!" I giggled.
"I know that. Kaya nga patay na patay saakin ang Ate Nica mo." Napairap naman ako dahil sa kahanginan nya.
"Ang hangin mo. For what I've heard, ikaw kaya ang patay na patay kay Ate. I can ask her if you want." I teased him.
"Yena, huwag mong gagawin yan." He said in a serious tone.
"Ok, in one condition." Napataas naman ang kilay niya dahil don. "Bili mo 'ko ng Album ng Exo." I said happily.
"But-"
"No buts kuya." I said to him then left happily. Well, I can actually afford that, pero syempre mas maganda kapag libre.
Today is Sunday kaya nandito ako sa kwarto 'ko at hinihintay sila Ciara. Habang nag-babasa ako ng libro ay kumatok ang isa sa mga kasambahay namin.
"Ms. Yena, nandito po si sir Alex." Tumango naman ako at bumaba na.
"Hey! Hintayin muna natin sila Ciara bago tayo magdrive. Nakahanda na rin ung sasakyan na gagamitin natin." I said to Alex. Sakto namang dumating si Ciara at Enzel.
"Tara na, guys. Turuan muna natin si Yena mag-drive." Aya saamin ni Alex.
"Sige, after that mag-chess na tayo." Enzel suggested. Kaya naman lumabas na kami at sumakay sa kotse.
"BMW? Nuxx, firstime mag-drive tapos BMW ang gamit." Ciara said. Napailing na lang ako at nag-simula na kami. Mabilis naman akong natuto pero mabagal lang dahil kinakabahan ako at baka mabanga.
"Guys, picture!" Humarap naman kami sa cellphone ni Alex tsaka nag-picture. Ako ang nasa driver's seat, si Alex naman sa shotgun seat at si Ciara at Enzel naman sa Backseat.
"Post ko 'to ha?" Alex said.
"Tag mo kami." Enzel said. After namin ay nag-patuloy pa siya sa pagtuturo saakin.
Prince's POV
I'm currently here at Racing Track kasama si Lia at Mat. Wala si Edward dahil busy siya sa basketball. Kumakain kami dahil kakatapos lang namin ni Mat mag-race, samantalang si Lia naman ay nag-ce-cellphone lang."Close pala talaga si Alex at Yena 'no?" Lia suddenly asked. Bakit napasok na naman sa usapan si Yena?
"Stalk mo IG account ni Alex. Nagpost siya kasama si Yena." Agad 'ko namang kinuha ang phone 'ko at ini-stalk si Alex.
alex_emrys
Alexander Emrys Castro
Law Student|Photography|Golf798 Posts 18k Followers 436 Following
Nakita 'ko naman ang new post niya. Si Yena habang nagdadrive kasama ang mga kaibigan niya with caption."Our driver for today." Ang dami ding likes at comments.
ms.yena:Thanks sa libreng driving lessons:)
"Mauna na ako. May gagawin pa pala ako." I said to them. I didn't wait for their response. Agad akong nag-palit ng damit dahil naka racer suit pa ako, tsaka ako nag-punta sa bahay nila Yena.
Nang makarating ako doon ay hinatid ako ng kasambahay nila Yena sa kwarto niya dahil nandoon daw sila.
Kumatok ako ng tatlong beses at bumungad saakin si Yena na halatang gulat. Di 'ko rin alam kung bakit ako nag-punta dito eh.
"A-anong ginagawa mo dito? Pasok ka." Pumasok ako sa kwarto niya. Mayroong piano, violin, note stand, isang malaking shelf na puno ng libro at codals, meron ding walk in closet, shelf na puno ng albums, light sticks at poster. Meron ding balcony.
"Guys, andito si Prince." Agad naman silang napalingon saakin. "Uhm... Prince this is Ciara, Enzel and Alex, my friends." Pag-papakilala niya sa mga kaibigan nya.
"Nice to meet you all. I'm Prince Tyler, you can call me Tyler." I said to them.
"Anong ginagawa mo dito?" Yena asked confused. Di 'ko din alam.
"Balak sana kitang ayain love, kaya lang mukhang busy ka." I answered.
"Ahhh ganoon ba? Sige sama ka na lang samin. Mag-lalaro kami ng chess tsaka mag-papractice din ako kumanta, okay lang ba?" She asked me. I just nodded at umupo na sa sofa.
YOU ARE READING
Unpredicted Marriage (Royal University Series #1)
RomantikRoyal University Series #1 Celena is living a quiet life not until her parents arrange her to marriage with Prince, would they relationship work? (Under Editing)