Celena's POV
I'm wearing a black highwaisted shorts and white T-shirt.Kakarating lang namin dito sa bahay nila Tita Lana. It's a simple modern two storey house here in one of the subdivision in Bataan. Pagkababa 'ko ay sinalubong agad ako ni Victoria ng yakap.
"Couz, namiss kita, gosh!" Nalipat naman ang tingin niya kay Prince sabay ngiti. "This is your fiancée right? Nakwento ni mommy saakin. Hi! Nice to meet you." Sabay lahad ng kamay niya kay Prince.
"Tyler. And you're Victoria right?" Prince asked kaya naman tumango si Victoria.
"Halika, pasok na kayo, Yena. Mommy is waiting for you." Pagpasok namin ay nakita 'ko si Tita na nasa kusina. Bigla 'ko namang namiss 'tong bahay na 'to. Balak 'ko din bisitahin ung bahay namin dati. It's near here.
"Tita, I missed you!" I greeted Tita Lana.
"Me too, Yena. Kasama mo pala ang fiancée mo. We have 2 guest rooms. Pinaayos 'ko na kahapon pa." Nakangiting sabi ni Tita.
"Mommy, isa lang ang kailangan. Sa kwarto 'ko matutulog si Yena." Napairap naman ako dahil doon.
"Uhh, tita for you po. And this is for your daughter." Nahihiyang binigay ni Prince ang apat na designer paper bags.
"Nag-abala pa kayo. Halina kayo, pagod kayo sa byahe. Kumain muna tayo tsaka kayo mag-pahinga." Sumunod naman kami at kumain habang nag-kwekwentuhan.
"How's US Victoria?" I asked my cousin.
"It's fine, but of course stressing. How about you?"
"Good. I'm enjoying it actually. Anyway, pupuntahan 'ko bukas si Heather sa condo niya. Sasama ka ba?" I asked Victoria. Well, minsan kasi kasama namin siya kapag lumalabas kami ni Heather kaya hindi na bago sa kaniya ang pag-sama saamin.
"Sure. Wala naman akong gagawin bukas." She answered. After we ate ay hinatid 'ko muna si Prince sa kwarto niya.
"Mag-pahinga ka muna. Apat na oras biyahe natin. Bukas na tayo mag-gagala. If you need anything, nandoon lang ako sa kwarto ni Victoria." Sabay turo 'ko sa isang pintuan na malapit sa guest room. Tumango naman siya, pag-tapos ay sinara na ang pinto kaya naman pumunta na ako sa kwarto ni Victoria para magpahinga.
Kinabukasan ay nagsuot lang ako ng white top and trousers dahil pupuntahan namin si Heather.
"Sasabay ka ba saamin sa kotse or mag-sosolo ka?" I asked Victoria habang nag-bibihis.
"Sasabay na lang ako." She answered. Nauna namang bumaba si Victoria habang naka-sunod lang kami ni Prince habang nakahawak ang kamay niya saakin. "Mommy, aalis na po kami." Paalam ni Victoria kay Tita.
"Sige, mag-iingat kayo." Tumango naman kami bago lumabas ng bahay.
"Ako na kaya mag-drive. 'Di ka naman familiar dito." I suggested to Prince.
"Ok, love. Pero mamayang pauwi ako na." I just nodded at him. After 10 minutes ay nakarating na kami sa condo ni Heather.
"Sino ya-" nanlaki ang mata niya nang makita ako sabay kusot sa mata nya. "OMG, Yena?! Why didn't you tell me that you're coming!" Sabi niya sabay beso saakin.
"I wanted to surprise you." I said while smiling. "G ka ba? I miss going to mall with you."
"Sure! Wait, magbibihis lang ako." Pinapasok niya muna kami tsaka umupo sa couch nya. "Sunduin natin si Khai. I'm sure matutuwa yon." After a minute ay natapos na siya kaya naman pumunta na kami sa bahay nila Khai.
"Hey babe wha- Yena?! Hey namiss kita." Khai welcomed me kaya napairap ako. "Alam 'ko naman na na-miss mo 'ko. 'Wag mo na ipagkalat." He joked kaya naman binatukan 'ko siya ng mahina.
"Ang hangin mo! Sana hindi ka na namin sinundo." I hissed. Napahawak naman siya sa dibdib niya na parang nasasaktan.
"Grabe ka na saakin Celena." Maarteng sabi nya. Napalipat naman ang tingin nya kay Prince na nakaakbay saakin. "Kasama mo pala fiancée mo. Hi pre, Khai nga pala." Maangas na sabi niya. Prince just looked at him emotionless.
"Tyler," Maikling sagot sa kanya ni Prince. Siniko naman ni Heather si Khai kaya napaaray sya.
"Mahiya ka nga." Bulong sa kanya ni Heather kaya napakamot siya sa batok niya.
"No, it's fine." Prince assured them.
Napag-desisyunan namin na pumunta sa mall at doon mag-lunch. Sa kotse ni Khai sumakay si Heather kaya naman kaming tatlo lang ang nasa kotse ni Prince. I'm the one who's driving because it's his first time here.Nakarating na din kami sa mall kaya nag-lunch muna kami sa isang restaurant dito.
"Victoria, how's love life?" Heather asked my cousin. Napairap naman si Victoria dahil don.
"Wala! Tsaka ayoko 'no! Baka nakakalimutan mong kasama 'ko si Daddy sa US." Victoria answered. Well, Tito is kinda strict.
"Parang dati lang si Yena ang third wheel saatin, ngayon si Victoria na." Natatawang sabi ni Khai.
"Yeah. Because lagi kang nakadikit kay Heather." I mocked him. "Parehas nga kayo ni Tyler."
"Love, don't expose me." Natawa naman ako sa sinabi ni Tyler.
"Ang sweet niyo. You know you're perfect together." Nakangiting sabi saamin ni Heather.
"Anyways, balak namin mag-libot bukas. Sasama ba kayo?" I asked them. Umiling naman silang tatlo.
"No, thanks. Sa Biyernes na lang, punta tayo sa beach sabi ni Momny. Sasama ba kayo Heather?" Victoria asked.
"Yeah, sure! Namiss 'ko din mag-beach. Naging busy kasi ako sa school." Heather answered. Bubuka na sana ang bibig ni Khai nang unahan 'ko siya.
"Huwag ka nang magsalita. Alam 'kong sasama ka. Ikaw pa? Eh buntot ka ata ni Heather." Natawa naman sila sa sinabi ko habang si Khai ay nakanguso. "Huwag ka ngang gumanyan, ang pangit mo." I teased.
"Nakakasakit ka na talaga, Celena. Tyler, paano mo natitiis yan?"
"Hindi siya ganyan saakin, baka sayo lang." I smirked at Prince's answer. Sila Heather naman ay tumawa.
After we ate ay naglibot na kami sa mall at nag shopping. Namiss 'ko ung ganito. Ung kasama sila lagi tuwing nag-shoshopping. Minsan, sabay din kaming nagpapa-spa or facial. O kaya naman ay sa bahay lang kami tumatambay.
Nang nakauwi kami ay tumambay muna ako sa mini garden ni Tita kasama si Prince.
"Bukas maaga tayong aalis. Punta tayo sa Mt. Samat tsaka pupuntahan natin si Papa. Titignan 'ko rin ung dating bahay namin dito." I informed him.
"Sure. Anything you want." He smiled.
YOU ARE READING
Unpredicted Marriage (Royal University Series #1)
RomansaRoyal University Series #1 Celena is living a quiet life not until her parents arrange her to marriage with Prince, would they relationship work? (Under Editing)