Celena's POV
Sakay ng chopper, nakarating na kami ni Prince sa farm nila. It's located at Eastern Visayas. Nagulat ako nang sinabi niya saakin na siya ang mag-papalipad ng chopper, because I didn't expect that.Nang makababa kami sa chopper ay agad kaming sinalubong ng mga trabahador nila.
"Mabuti naman at napasyal kayo dito, Sir Tyler!" Salubong saamin ng isang matandang lalaki na mukhang nasa mid 60's na.
"Magbabakasyon lang ho ng dalawang araw. Anayways, Celena, this is Mang Mario with his wife, Manang Pina." Pagpapakilala niya sa kanila.
"Manang Mario this is my fiancee, Celena." Napangiti naman ang mag-asawa.
"Kay gandang bata mo naman, hija. Kinagagalak kitang makilala." Nakangiting bati saakin ni Manang Pina.
"Salamat po. Nice to meet you din po." I said to them.
"Mauna na ho kami para makapag-handa po kami at ililibot 'ko po si Yena dito." Paalam ni Prince sa kanila kaya naman tumango sila.
Nang makapasok kami sa mansyon nila dito ay hindi 'ko maiwasang mamangha. Malaki ito at makaluma ang tema pero maganda tignan.
Pumasok kami sa isang silid at kaagad na nag-palit ng damit. I decided to wear a white top, skirt and partnered it with boater hat. Nang makapag-ayos kami ay agad kaming lumabas para maglibot.
"Let's ride a horse later." Bulong saakin ni Prince habang nagtlalakad kami papunta sa mga puno ng mangga. Kasama namin sila Mang Mario at Manang Pina sa paglilibot.
"Hindi ako marunong." I shyly whispered causing him to chuckled kaya siniko 'ko siya.
"I will teach you, don't worry. Riding a horse is one of my hobbies." He assured me so I nodded.
Agad kaming umupo nang makarating kami sa taniman nila ng mangga. Si Prince naman ay nag-balat ng mangga. Buti na lang at may dalang bagoong si Mang Mario.
Nagtubig naman ang bagang 'ko nang mailagay sa harapan 'ko ang mangga na may bagoong kaya agad 'ko itong nilantakan.
"Love, easy. Wala ka namang naagaw." Tumatawang sabi ni Prince kaya inirapan 'ko siya.
"May gusto ka pa ba, hija?" Nakangiting tanong saakin ni Manang Pina kaya naman nilibot 'ko ang tingin sa kanilang farm at naghanap ng gusto 'kong kainin.
"Gusto ko po ng turon." Nakangusong sabi 'ko.
"Oh sige, ipagluluto kita." Sabi naman ni Manang Pina kaya umiling ako.
"Naku, huwag na po!" Nakakahiya kaya. Ipagluluto niya pa ako ng turon.
"Sige na, hija, kaya 'ko naman." Pangungulit niya kaya wala akong nagawa kundi tumango. Habang hindi pa bumabalik si Manang, ay nagpa-picture muna ako kay Prince. Naalala 'ko tuloy dati lagi naming ginagawa ito. Simula nang maging abogado ako, hindi na ako madalas mag-post ng picture 'ko sa instagram.
Nang matapos kaming magpicture ay agad 'ko itong pinost. Inistalk 'ko din ung account ni Prince at ang huling post niya ay ung picture namin sa France nung nag 3rd Anniversary kami. Agad namang nag-comment ang mga kaibigan namin sa post 'ko.
adri_cia: Nang-iinggit talaga kayo 'no?
heather_mina: Happy for both of you!
victoria_ivy: You look so good together!
prnce_tylr tags you in a post.
Tinignan 'ko naman ito at napangiti.
edward_bry: Nuxx, binuhay ang IG niya.
mat_den: Ulol! Mukha kang kabayo @prnce_tylr
lia_anderson:Miss you both<3
astrid_ven: Ginaganon ka ni @edward_bry, payag ka non?
Natawa naman ako sa mga comment ng mga kaibigan namin. Binitawan 'ko naman na ang cellphone 'ko dahil dumating na si Manang dala ang niluto niyang turon.
"Salamat po manang. Pasensya na at naabala 'ko pa kayo." I said sincerely.
"Ano ka ba! Wala iyon hija." Nakangiti niyang sabi. Agad 'ko namang kinain ang turon. Nang matikman 'ko ito ay napangiti ako.
"Ang sarap, manang!" Nag thumbs up pa ako sa kaniya kaya natawa siya.
"Maliit na bagay hija. Oh sige, maiwan 'ko na kayo at pupuntahan 'ko pa si Mario." Tumango naman kami sa kaniya. Nang matapos kaming kumain ay pumunta naman kami sa mga kabayo nila.
Hinihintay 'ko si Prince dito sa labas dahil kinukuha niya pa ang kabayo niya sa loob. Ilang minuto lang ay lumabas na siya dala ang isang itim na kabayo.
"This is King, my favorite horse. Siya ang lagi kong sinasakyan kapag nandito kami." Prince said. "Aalalayan kita. Ako bahala sa'yo." He assured me.
Sumakay naman ako at agad siyang sumakay sa likod 'ko habang ang isang kamay niya ay nasa bewang 'ko kaya medyo napanatag ako. Ginamit namin ang kabayo para mapabilis ang paglilibot namin dito sa farm nila dahil masyado itong malaki. Marami kaming napuntahan gaya ng taniman nila ng buko, patatas, saging at may iba't ibang hayop din sila dito.
Alasingko na kami natapos sa pag-lilibot dahil mag-didilim na kaya pumasok na kami sa mansyon. Naabutan namin si Manang na nag-luluto ng hapunan.
"Ano pong niluluto niyo?" Tanong ni Prince kay Manang.
"Pinakbet, hijo. May gusto ba kayong idagdag?" Tanong niya saamin kaya umiling kami.
Nang matapos kaming kumain ay agad akong nag-palit ng pantulog dahil inaantok na ako. Pagkatapos 'ko mag-bihis ay naabutan 'ko si Prince sa higaan na mukhang kakatapos lang din mag-palit kaya agad akong tumabi sa kanya.
Kinabukasan naman ay wala kaming ginawa kundi manood ng movie at mag-swimming dahil may swimming pool itong mansyon nila. Bukas ay babalik rin kami sa Manila at siguradong mamimiss 'ko dito.
Nang mag-gabi ay nagtataka akong lumabas ng kwarto dahil hindi 'ko mahanap si Prince. Nakita 'ko naman si Manang sa kusina at nag-liligpit kaya nilapitan 'ko siya.
"Manang, nakita niyo po ba si Tyler?" Tanong 'ko sa kanya.
"Ang alam 'ko nandoon siya sa puno ng mangga." Nakangiti niyang sabi kaya tumango ako. Pumunta naman ako doon ngumit napakadilim.
Napasinghap ako nang bigla ng bumukas ang mga ilaw na nakasabit sa puno. May nakita din akong sapin na may mga pagkain. Nilinga 'ko ang paningin 'ko at nakita 'ko si Prince na nag-lalakad palapit saakin kaya mabilis na kumabog ang puso 'ko.
"Yena, you know how much I love you right?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Alam 'kong ikakasal na tayo, pero gusto 'kong gawin ito sa tamang paraan." Napatakip naman ako sa bibig 'ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan 'ko. "Yena, I want you to experience the right proposal because you deserve it. Under the moon and the stars, Love, will you marry me?" Naluluha naman akong tumango sa kanya kaya sinuot niya agad ang singsing saakin at hinalikan ako. Narinig 'ko naman ang palakpakan ng mga trabahador nila kasama si Manang Pina at Manong Mario.
"I love you Tyler." I whispered.
"I love you more." He said with full of love
YOU ARE READING
Unpredicted Marriage (Royal University Series #1)
RomanceRoyal University Series #1 Celena is living a quiet life not until her parents arrange her to marriage with Prince, would they relationship work? (Under Editing)