Celena's POV
It's been 2 years since our relationship started, and today is his graduation. I'm wearing a blue dress while sitting besides Prince's mother and waiting his name to be called.Tito Earl, Tita Charlotte, Theo, Tiffany and I attended his graduation ceremony.
"Sanchez, Prince Tyler, Cum Laude." I clapped my hands when his name called. I'm very proud of him. He did his best para maging laude. Sabi niya, gusto niyang maging deserving para saakin dahil grumaduate ako as summa cum laude. Hindi pa naman ako tapos dahil may law school pa akong papasukin.
Nang makababa siya ay agad niya ako niyakap at hinalikan ng mabilis sa labi kaya namula ako. Nang mapatingin ako kila Tita ay nakangiti lang sila.
"We're so proud of you Tyler." Tito
said. "Halina kayo, nag-hihintay na ang mga bisita niyo ni Matt sa mansyon nila."Sabay silang grumaduate ni Matt kaya pinag-sama na din ang celebration sa bahay nila Matt.
"Mauna na kayo dad, mag-pipicture pa kami." Prince said. Tumango naman sila at nauna na. Agad kaming lumapit kila Matt, Lia, Ven at Edward.
"Let's go, guys picture na! I brought my camera, dali!" Lia excitedly said. Agad naman kaming pumwesto. Si Prince at Matt ay nasa gitna, ako naman sa tabi ni Prince at sa kabila ko naman ay si Edward. Samantalang ang girlfriend ni Matt ay nasa tabi niya at si Lia ay nasa tabi ng girlfriend ni Matt, si Ven naman ay nasa tabi ni Lia. Nakailang picture pa kami bago pumunta sa mansyon nila Matt.
Nang makarating kami doon ay ang dami ng tao. Karamihan, mga business partners ng parents ni Prince at Matt. Nakita 'kong nasa iisang table ang parents 'ko at parents ni Prince kaya naman lumapit kami.
"Congrats, Tyler!" Bati ni Kuya kay Prince.
"Thank you, Kuya." Prince smiled at them.
"Ano nang balak mo Earl?" Tanong ni Dad kay Tito.
"Ipapasok ko na agad siya sa kompanya para maturuan. Kailangan 'ko na din ng katulong sa mga business namin." Tito chuckled. Tumango-tango naman si Dad. "Mukhang tinatawag na tayo ni Tristan." Tukoy ni Tito sa Daddy ni Matt.
"Excuse us." Dad said then they went to Tito Tristan.
Nang mag-alasnuebe ng gabi ay umuwi na kami dahil may pasok pa sila Kuya bukas.
Kinabukasan ay nag-aya sila Ciara na tumambay sa bahay nila dahil wala naman kaming ginagawa. Nag-text muna ako kay Prince na pupunta ako kila Ciara bago ako nagdrive paalis.
Nang makarating ako ay naabutan 'ko na si Enzel at Ciara sa may kusina.
"Wala pa si Alex?" I asked.
"Papunta na daw siya. Mukhang ayaw pa paalisin ng jowa eh." Sagot naman ni Enzel. Ilang minuto lang ay dumating na din si Alex na may dalang mga chips.
"Anong niluluto niyo?" Alex asked Ciara.
"Fries atsaka nagbebake ako ng brownies." Ciara said proudly.
"Wow! Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa baking?" Alex teased her.
"Mahilig si mommy magbake kaya nagpaturo na ako para kahit papaano may alam ako, diba?" She giggled.
"Hi guys! Andito pala kayo." Napalingon naman kaming lahat kay Tita Esme, Ciara's mother.
"Hi po, Tita!" Bati 'ko sabay beso sa kanya.
"Mom can you taste this please." Tukoy ni Ciara sa brownies. Agad namang kumagat si Tita at nag thumbs up.
"Ok na siya kaysa nung nakaraan na gawa mo. Anyway mauna na ako dahil pupuntahan 'ko pa ang dad mo." She bid goodbye to us.
Nang matapos ang niluluto nila ay pumunta na kami sa sala nila para manood ng movie. Sinilip 'ko naman ang phone 'ko nang mag-notif ito.
From prince_tylr:
Take care! I love you!😘Napailing naman ako sa emoji niya. Gosh, this man.
"Ano nga palang balak niyo sa law school?" Ciara asked us.
"Sa Royal University pa rin ako mag-aaral." I shrugged.
"Me too. Para kasama 'ko pa rin kayo." Alex said.
"Kami din ni Edward, doon pa rin namin balak." Ciara said. "Ikaw couz? Kailan ka mag-tetake ng board exam?"
"Sa June pa. Sana nga makapasa." Enzel answered.
"Makakapasa ka niyan. Ikaw pa." Ciara assured him.
"Bakit nga pala hindi kayo um-attend kagabi sa celebration nila Tyler?" Pag-iiba 'ko ng usapan. Ininvite kasi sila ni Prince at Matt dahil mag-kakaibigan na ang turing naming lahat sa isa't isa.
"May pinuntahan kami ni Ate kahapon kasama si Enzel kaya hindi na kami nakapunta." Ciara answered.
Nanood pa kami ng ilang movie hanggang sa inabot na kami ng alasais kaya naisipan na naming umuwi.
Sakto namang pagka-uwi 'ko ay nag-hahanda na sila ng dinner kaya naman agad akong naligo at nagpalit ng damit bago pumunta sa dining area para kumain dahil hinihintay na ako nila Mom.
"Ano palang balak mo sa law school?" Dad asked me.
"Uhm....sa RU pa rin po ako maglalaw-school. Tsaka balak 'ko pong palakihan ung bookshelf 'ko sa kwarto 'ko para sa codals." I suggested.
"Sige bukas ipapaasikaso 'ko na." Mom smiled at me.
"Sure ka na ba sa Criminal Lawyer? Ayaw mo bang maging Lawyer ng kompanya natin?" Dad asked me. Actually sumagi din sa isip 'ko yan, pero mas gusto 'kong maging criminal lawyer.
"Sure na po ako." I answered.
Kinabukasan ay may sinusubukan akong tugtugin sa violin habang nasa balcony ako. Every time na nagviviolin ako ay dito 'ko gustong pumwesto dahil garden namin ang natatanaw 'ko. Habang tumutugtog ako ay bigla akong napasinghap ng may yumakap saakin mula sa likod.
"I miss you." Bulong niya sabay halik sa sintido 'ko kaya humarap ako sa kanya.
"Kakakita lang natin nung isang araw." I giggled that's why he just groaned. "Why are you here?" I softly asked.
"I just missed you, atsaka malapit na nga pala akong ipasok ni Dad sa kompanya kaya magiging busy ako." Prince's answered.
"Good luck! I'm just here okay? Atsaka kapag naglaw-school ako, huwag mo na ako ihatid okay?" I said.
"But-"
"No buts, love. You're busy na. Kaya 'ko naman ang sarili 'ko." I assured him. He just nodded while pouting. He's so cute though.
Inaya 'ko siyang pumunta sa kusina dahil mag-luluto ako ng street foods dahil na-miss 'ko. I just cooked sauce, fishball, kikiam and hotdog. Nang maayos 'ko na siya ay dumeretso ako sa sala dahil nandoon si Prince.
"What's that?" Prince excitedly asked.
"Fishball. Gusto mo? Try mo bilis!" Sabay palakpak 'ko. Nang tikman niya ay nakatitig lang ako sa kanya.
"It's good. Is this a street food?" He asked confused kaya naman napatango ako.
"Yup! My favorite is this," turo ko sa kikiam. "This is kikiam, try it!" Nang tikman niya ay okay naman daw. Sayang nga walang isaw dahil isa din yon sa paborito 'ko.
Nang mag-alasingko na ng hapon ay umuwi na siya kaya naman umakyat na ako sa kwarto 'ko at nagbasa.
YOU ARE READING
Unpredicted Marriage (Royal University Series #1)
RomanceRoyal University Series #1 Celena is living a quiet life not until her parents arrange her to marriage with Prince, would they relationship work? (Under Editing)