Celena's POV
"Congrats, Attorney Romero!" Ciara said, giggling. I just rolled my eyes on her because everytime na may naipapanalo akong case, lagi siyang ganyan, at alam 'ko na ang kasunod niya."Tawagan mo na sila." I said. Every time na may naipapanalo kaming case ay nag-cecelebrate kami. Kung kaninong case ang nanalo, siya ang gagastos.
"Bago ka pa sumalang sa court hearing, natawagan 'ko na sila." She said. Napaka-confident niya talaga, kaya napailing ako.
Nang matapos ang lahat ng trabaho namin ay naisipan naming mag-club. Kumain muna ako ng dinner bago dumeretso sa club na lagi naming pinupuntahan sa BGC.
Saktong pag-baba 'ko sa kotse 'ko ay nakita ko si Enzel na kakarating lang. He's wearing his business casual clothes.
"Engineer Lopez!" I shouted to get his attention. Agad siyang napalingon saakin at ngumiti.
"Congrats! Nag-hihinatay na sila Ciara sa loob." He smiled. Kaya naman agad kaming pumasok sa loob. Naabutan namin na nandoon na sila Alex at Ciara pero hindi pa sila umoorder.
"Finally! Nandito na rin kayo." Ciara exclaimed. Umorder sila ng cocktail, whiskey, rum and tequila. Hindi naman ako palainom kaya cocktail na lang ang kinuha 'ko. Habang nag-kwekwentuhan kami, bigla namang may lumapit sa table namin.
"Nandito pala kayo?" Napalingon naman kami kay Mat. "Kumusta?" Napailing na lang ako.
"Really Mat? Kakakita lang natin nung nakaraang linggo." I rolled my eyes on him.
"Teka lipat kami dito, okay lang ba?" He asked. Napalingon naman ako kay Alex at Ciara pero tumango lang sila kaya tumango na lang din ako kay Mat.
Nang makabalik siya ay kasama niya si Lia at Ven. Buti na lang at wala si Edward. Nang madako naman ang tingin ko kay Lia at Alex ay parehas silang tahimik.
"You're here ba to celebrate about sa case na naipanalo mo, Yena?" Lia smiled at me.
"Yeah. How about you?" I asked. Minsan 'ko na lang sila makita dahil madalas ang lipad ni Lia.
"Just to have fun. May flight na naman kasi ako sa isang araw. Anyways invited ka ba sa wedding ni Theo?" I nodded at her.
"'Di niyo ata kasama si Attorney Vidal?" Pag-iiba 'ko ng usapan.
"That man, he's always busy." Mat hissed.
"How about you Ven? How are you?" I asked.
"Fine. Actually, may project kami ni Engineer Lopez sa Caloocan kaya medyo busy din." Ven shrugged. Nag-patuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa maisipan naming umuwi na. Buti na lang at hindi naparami ang inom namin dahil mag-dadrive pa kami.
Today is Theo's wedding kaya maaga kaming nag-handa. I'm wearing a dark blue dress. Sa hotel nila gaganapin ang kasal, so we decided to use our limousine.
Nang makarating kami ay madami ng tao. Some are famous business tycoons, models, and politicians. Agad kaming umupo sa table namin dahil malapit nang mag-simula ang ceremony.
Mabilis natapos ang ceremony kaya naman kanya-kanya nang pag-uusap ang mga tao. Agad namang lumapit saamin sila Tita Charlotte kasama sila Theo.
"Congrats!" I said to the couple. Pati sila Mommy ay kinongratulate sila.
"Thank you po!" The bride thanked us.
YOU ARE READING
Unpredicted Marriage (Royal University Series #1)
RomanceRoyal University Series #1 Celena is living a quiet life not until her parents arrange her to marriage with Prince, would they relationship work? (Under Editing)