Chapter 6

34 2 0
                                    

Pagkarating sa bahay ay nag shower lang ako at dumiretso na agad ng higa sa kama. Hindi pa naman ako inaantok pero gusto ko nang mailapat ang likod ko dahil sa sobrang pagod.

Gusto ko rin sana ng tahimik na paligid dahil gusto kong mag ME time muna, pero si Tania ay nandito pa rin sa kwarto ko at nanggugulo. Maya't maya ang tanong niya sa akin kung wala ba talaga akong balak na ikwento sa kanya. Palagi rin namang paulit-ulit ang mga sagot ko. Kung hindi, "Wala, wala nga, o wala nga sabi." Hindi ko na mabilang sa kamay ko kung ilang beses niya na akong tinanong ng gano'n.

Nanonood kami ngayon ng movie na ni-request niya. She's the man ang title niyon. Actually, pareho namin 'yong favorite dahil pag malungkot ako o gusto kong matawa lang ay 'yon ang palagi kong pinapanood.

"Tash, may itatanong ako sayo." Alam ko na kung ano 'yon.

"Wala nga akong iku-kwento. Bakit ba paulit-ulit ka?" inis na tanong ko.

"Hindi naman kasi 'yon. Ito naman, masyadong mainit agad ang ulo. Kulang ka sa lambing, eh." natatawang ani niya.

"Eh, ano ba iyon?"

"Okay lang ba kung mag fi-first move ako Sage? Masama ba kung sasabihin ko sa kanyang gusto ko siya?" natigilan ako dahil masyadong seryoso ang mata niyang nakatingin sa akin. Nag iwas naman ako agad.

'Wala namang masama sa tinanong niya pero bakit pakiramdam ko ay ayaw kong sagutin ang tanong niyang 'yon?'

"Uhm, bakit? Gusto mo ba talaga siya? Baka naman akala mo lang gusto mo siya." nag aalangan may ay tinanong ko pa rin.

"I like him." agad na sagot niya at mukhang hindi man lang siya nagdalawang isip nang sabihin niya 'yon. "Mukha naman siyang mabait at disente, mukhang magkakasundo naman kami." tumango naman ako ng bahagya.

"Okay." ano bang dapat kong isagot, hindi o ayoko? Pareho lang naman iyon.

'Tss.'

Nagulat ako nang bigla siyang bumalikwas ng bangon at hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko.

"Okay? As in okay?" napalunok ako bago nagiwas ng tingin sa kanya dahil titig na titig siya sa mata ko. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang makuhang reaksyon sa akin pero bigo siya.

"O-Oo naman. May magagawa pa ba ako kung pipigilan kita? Eh, hindi ka naman magpapapigil." pagdadahilan ko pa.

"Talaga 'yan, ha? Seryoso ka diyan, baka naman ine-echos mo lang ako?" seryosong tanong ulit niya.

"Hindi." bahagyang ngiting sagot ko bago ko tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko.

Nararamdaman kong panay ang sulyap niya sa akin pagkatapos ng pagtatanong niya pero hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin dahil baka kung saan pa mapunta ulit ang usapan namin.

Hindi ko rin alam kung tama bang um-oo ako sa tanong niya. Hindi naman kasi tamang babae ang mag first move. I mean, wala naman sigurong masama do'n pero hindi sa lahat ng pagkakatanon ay tama ang desisyon mong mag first move lalo na't hindi ka pa naman talaga sigurado sa kung anong totoong nararamdaman mo. Pero sino ba ako para pigilan siya sa kung anong makakapagpasaya sa kanya? Kapatid lang naman niya ako. At kahit naman na anong pangaral ang isaksak ko sa kokote niya ay hindi naman niya iniintindi.

Nanood na lang ulit kami hanggang sa matapos ang movie. Hindi ko na rin natingnan ang oras bago ko ipinikit ang mata ko para matulog. Alas singko ng umaga nang magising ako sa alarm ko.

As usual, same routine. Pagkagising ay pahingang kaunti bago magluto ng almusal. Ligo at bihis naman bago pumasok sa school. Sa tabi ko na rin nakatulog si Tania kagabi at halos sabay rin kaming nagising dahil sa alarm ko kaya hindi na ako nahirapan pang gisingin siya.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon