Chapter 12

6 0 0
                                        

"Uuwi na ko." paalam ko kay Tania nang mag fifteen minute break ulit sila sa training. Pinanood ko sila saglit mag-practice kasama sila Bie at Mitch pero sila ay nauna nang umuwi dahil ihahatid pa ni Bie si Mitch sa kanila at baka gabihin na siya masyado. "I have to cook dinner for us. Isasabay ka ba ni Khai pauwi?" tanong ko at wala siyang dalang sasakyan ngayon dahil coding siya.

"Oo yata? Tatawagan ko na lang mamaya, nasa YOLO lang naman 'yon."

"Okay—"

Nilingon ko naman ang kabilang court at napansin kong hindi na sila maayadong seryoso sa paglalaro. Hindi kagaya kanina na tutok talaga sila, marahil ay patapos na sila sa practice dahil kanina pa naman silang umaga nag-start.

Hindi nga ako ngakamali nang i-annouce ni Coach Yap na pwede na silang umuwi.

Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Tania at tumayo na ko sa bench kung saan ako nakaupo. Hanggang 6:00 PM pa ang training nila at 4:30 pa lang. Hindi ko na kaya pang maghintay nang gano'n katagal nang wala akong ibang gagawin kung hindi ang panoorin lang na buhatin siya at ihagis siya sa ere nang paulit-ulit. 

Hindi ko nga rin alam kung bakit isa siya sa mga flyer samantalang matangkad siya at may kabigatan rin di hamak sa mga ibang babaeng kasama niya dahil mga petite ang mga ito. Siya pa ang palaging nasa gitna.

"Ingat ka ha. Sarapan mo ang luto dahil gutom na rin ako." natatawang habilin pa niya sa akin. Nakangiwi naman akong tumango.

Humalik ako sa pisngi niya bago ko siya tinalikuran at nagpasyang maglakad palabas ng gym. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na akong pamilyar na boses.

"Natasha!" hindi ko na inabala pa ang sarili kong lingunin ito dahil nararamdaman ko na rin naman ang pagsunod niya. "A-Ano...sabay na tayo. Kung...okay lang sayo?" agad na sabi niya nang magpantay kami.

Nang lingunin ko siya ay nagtama din agad ang paningin namin pero agad din siyang nag-iwas at bahagya pang napakamot sa batok.

"Hindi mo ba kasabay 'yung mga ka-teammate mo?" tanong ko pa habang panaka-nakang sinusulyapan siya pero patuloy pa rin sa paglalakad.

"Hindi na muna. At saka, kanina pa kaming umaga magkakasama, nakakasawa na rin ang mga pamumukha nilang lahat." natatawa nitong litanya na ikinatawa ko rin nang bahagya. Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Uhm...Tash, okay lang bang yayain kitang mag-coffee ngayon? Kailangan mo na bang umuwi agad?" nahihiyang tanong niya. Napaisip naman ako at saka ko siya muling tiningnan.

"Hmm, kailangan kong pa kasing magluto pagkauwi ko, eh." napansin kong dismayado siya sa sagot ko at napakagat pa sa ibabang labi. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing pinapakita niya sa akin na nahihiya siya. Hindi naman kasi siya ganito sa akin noon.

Inalis ko ang paningin sa kanya at itinuon iyon sa dinadaanan namin. Marami pa ring mga estudyante sa campus at ang ilan sa kanila ay hindi inaalis ang mga matang nakatingin sa amin na parang nagtataka pa rin na madalas kaming makitang magkasamang dalawa.

Madalas ay naririnig ko rin silang magbulungan patungkol sa amin pero hindi ko na lang iniintindi. Marahil ay nakakapagtaka talaga dahil ang karamihan sa kanila ay hindi ako nakilalang madalas na makipag-usap sa lalaki kahit na dati pa. Mas lalo pa siguro ngayon dahil ang lakaking 'to sa tabi ko ay madalas ko pang kasama kapag nasa loob ng campus.

Nilingon ko siya ulit at hinayaan ang sarili na malibang sa nakikita. Halata masyado ang pasa at sugat niya sa mukha pero hindi nabago niyon ang natural na gandang lalaki niya. Nakanguso siya ngayon at para bang nag-iisip ng isasagot niya sa akin. Pero bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon