Nang mai-serve lahat sa table ang pagkain na in-order namin ay nagumpisa ng kumain kumain ang iba. Tinapa ang in-order ko dahil iyon ang favorite ko gano'n din ang kay Sebastian. Longanisa naman ang kay Tania at tapa naman do'n sa tatlo dahil iyon ang pinakagusto nilang kinakain dito.
Inaya ko na rin sila Khai, Barry at Nics na kumain na at sumabay na lang sa amin. Nang matiyempuhan ko kasing kami na lang ang tao sa café ay agad akong nagpaskil sa labas ng 'CLOSED' para makapaglunch kaming lahat nang sabay-sabay. Pina-order ko rin sila ng sarili nilang pagkain para hindi na sila mamili sa labas dahil sayang ang oras.
Kumakain na ang lahat maliban sa akin dahil hinihintay ko pa si Khai na makabalik dahil magpaalam siyang may kukunin siya sa sasakyan niya. Nang sulyapan ko naman ang katabi ko ay hindi pa rin pala niya ginagalaw ang pagkain niya.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ko rito at nilingon niya naman ako.
"Dahil hindi ka pa rin kumakain." napatanga na naman ako dahil sa sagot niya bago ako nagsalita.
"Huh? E-Eh, mauna ka na, hinihintay ko pa kasi Khai na makabalik." paliwanag ko.
"Bakit kailangan mo pang hintayin?" kalmadong tanong niya.
"Para lang may kasabay siyang kumain." siya naman ang natahimik.
"Hihintayin rin kita kung gano'n."
"Okay lang, mauna ka na. Mukhang gutom ka na, eh." hindi na siya kumibo at bahagya na lang na ngumiti bago bumaling ulit sa plato niya.
Mayamaya lang ay may nagbukas ng pinto at si Khai iyon na may dalang dalawang maliit na paperbag. Para sa amin siguro ni Tania.
Umupo siya sa kaliwang bahagi ko sa may kabisera. Katapat ko si Tania. Katabi naman niya si Erique, Bie, Mitch. Sa side ko naman ay si Sebastian, Barry at Nics.
Itinabi naman muna ni Khai sa paanan niya ang dalawang paper bag na dala niya.
"Let's eat." Aya niya sa akin. Nakangiti kong hinawakan ang kubiertos dahil gutom na ako at excited ng kumain. Sinulyapan ko ang katabi ko at hindi pa rin siya nag uumpisa.
"Kumain ka na rin." bahaga kong bulong.
Lumingon siya sa akin. Hindi ko naman mabasa kung anong gusto niyang iparating dahil sa ekspresyon ng mukha niya."U-uhm.. H-Hindi kasi ako marunong maghimay ng isda. I mean, nahihirapan ako." bulong niya sa pandinig ko. Natigilan ako bago nakarecover.
'Bakit parang lagi na lang niyang pinahihinto nang ilang segundo ang oras ko?'
"G-Ganon ba? Eh bakit kasi 'yan pa ang in-order mo?" naiilang na tanong ko naman.
"Eh kasi, ang sabi mo ito ang favorite mo kaya gusto kong tikman." nahihiyang sagot naman niya.
Bumuntonghininga ako bago ako bumaling sa plato ko at nagsimulang himayin ang tinapang nando'n. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na ina-attempt niyang kalikutin iyon pero baka bukas pa siya makakain dahil sa paraan ng paghihimay niya ng tinapa.
Tinapang tilapia iyon, hindi boneless. Hindi kagaya ng nakasanayan na tinapang bangus na madalas mo ng mabili sa kung saan at wala ng tinik.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at tumayo pa ako para kumuha ng extra plate para sa mga nakuha kong tinik, balat at ulo. Nang matapos ako ay pinagpalit ko ang plato naming dalawa.
"Kain ka na." anunsyo ko sa kanya. Para naman siyang natigilan dahil sa ginawa ko. "Bakit?" tanong ko pa.
"A-Ahh, b-bakit pinaghimay mo pa ako?" nagugulat pa ring tanong niya.

BINABASA MO ANG
CHANGE OF HEART
Teen FictionMaraming tao ang maaaring magparamdam sa'yo na iba ka sa kanila dahil lamang sa magkaiba kayo ng mga gusto o pananaw sa buhay. Pero napakaswerte mo kung may mga taong tanggap at naiintindihan ka dahil kilala nila kung sino at ano ka talaga. But in m...