Chapter 10

45 0 0
                                    

"Okay ka na ba?" tanong niya kaya nilingon ko ito at nagtama ang mata namin. Bahagya siyang nakangiti habang naghihintay ng sagot.

Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob ay katahimikan na ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Nakakabingi ang katahimikan. Sobrang tahimik at wala akong ibang marinig maliban sa ugong ng aircon at ang pagsinghot ko ng sipon sa kadahilanang umiyak nga ako.

Wala rin akong narinig sa kanya na kahit na ano. Wala siyang sinabi pero pag napapasulyap ako sa kanya ay tutok ang paningin niya sa akin. Mas okay na rin siguro 'yon. Minsan talaga ay sa mga ganitong pagkakataon, hindi mo naman talaga kailangan ng makakusap. Iyong simpleng taong makikinig lang sa mga problema mo ay sapat na 'yon para makapagpagaan sa loob mo kahit na papaano.

"Kailangan na nating bumalik--paniguradong nag-aaalala na sila sayo."

"Baka nandoon pa siya. Ayaw ko na munang bumalik do'n." Nakayukong sagot ko. Nahihiya ko itong tiningnan bago nagsalita ulit. "Pero...kung gusto mo nang mauna---okay lang, dito muna siguro ako. Pag nakausap mo na lang ang kapatid ko, pakisabi na lang na gusto ko munang mapag-isa. Magkita na lang kami mamaya."

"Sigurado ka? Magiging okay ka lang dito kung iiwan kita?" bahagya akong ngumiti at saka tumango.

"Hmm--"

"Okay. Baka hindi na rin siguro ako pumasok, tinatamad na ko. Pero sige, pag nakita ako ang kapatid mo, sasabihin ko na lang na okay ka at magkikita na lang kayo mamaya sa school." nakangiwing anito. Napakunot naman noo ko dahil sa sinabi niya.

'Tamad rin pala ang isang 'to.'

"Eh, saan ka naman pupunta kung hindi ka naman pala papasok?" napangisi siya at nakakalokong tumingin sa akin. Pinilig ko ang ulo ko at naghintay ng sagot niya. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya pero wala akong makita.

"Hmmm, makikipag-date na lang siguro ako." natigilan ako. May nakikipag-date ba nang ganito kaaga? "Tamang-tama! Maganda ang panahon ngayon." sabi niya pa na para bang nabasa niya ang laman ng isip ko. At sa hindi malamang dahilan ay naging matunog ang paglunok ko.

"G-Ganon ba?" wala na akong masabi. "Okay...ingat ka. Salamat pala kasi may nahingahan ako ng mga hinanakit ko." nakangiti at sinserong pasalamat ko.

"Wala 'yon. Basta ikaw binibining Natasaha, handa akong makinig." nangasim ang mukha ko dahil sa ka-corny-han niya.

"Alam mo, Sebastian?? Minsan mag-workshop ka sa akin para makakuha ka ng idea kung papaano ang totoong pagpapakilig sa mga babae. Mahal ang TF ko, pero pag sayo...libre na lang." natatawang biro ko.

"Pag ba nag workshop ako sayo... mapapasagot ko ba ng "OO" 'yong nililigawan ko?" nakakalokong tanong niya. Nag-iwas naman agad ako ng tingin dahil parang tinutunaw na naman niya ako sa mga tingin niya.

"Tch! Ang sabi ko...tuturuan lang kita kung papaanong magpakilig, hindi ko naman sinabing mapapasagot mo 'yong nililigawan mo pag tinuruan kita. Magkaiba 'yon!" nakangiwing sagot ko dito. Natawa naman siya.

Tumayo na siya kaya sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa pinto ng chapel. Doo niya lang ako nilingon nang may pagtataka.

"Ano pang inuupo-upo mo diyan?" takang tanong niya.

"Dito muna ako diba?" takang tanong ko rin.

"Eh, sino pa lang ka-date ko kung hindi ka sasama?"

"H-Huh?"

Umayos ito ng tayo at hinarap ako nang maayos. Hindi kita pwedeng iwan dito, Natasha. Kaya nga kita sinundan dahil baka kung ano nang nangyari sayo eh. Kaya hindi ako aalis dito nang hindi kita kasama." napanguso ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon