"Narinig mo naman diba?" tanong niya pero hindi pa rin ako kumikibo. Nakatanga lang ako at hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na nakatingin lang sa kanya. "Ang sabi ko, kung pwede kitang yayain na makip---"
"Okay na! Wag mo nang ulitin. Narinig ko naman." pigil ko sa sasabihin niya. Nagiwas ako ng tingin at huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Pinag---pinag ti-trip-an mo ba ko?" mahina ang boses na tanong ko.
"Mukha ba akong nang ti-trip lang?" kunot noong tanong niya.
"Oo. Bakit mo ko yayaing makipag date? Hindi tayo talo." tumango-tango naman siya na para bang may naiisip.
"Ahh...dahil ba kalat dito sa school na hindi ka pumapatol sa lalaki? You're a lesbian."
'So alam naman pala niya?'
"Alam mo naman pala." wala sa sariling sabi ko pa.
"Oo nga. Sinabi sa akin nila Enrique. At isa pa, kilala ka rito sa school. Marami akong naririnig na kwento tungkol sayo. Sikat ka nga eh." nakangiting sabi niya na parang naaalala niya iyong mga pinagusapan nila ng kung sino mang mga nakausap niya tungkol sa akin.
"Oh. Eh, bakit tinatanong mo pa ako kung pwede mo akong yayain makipagdate sayo?" kunot noong tanong sa kanya.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Hindi naman ako dapat naaapektuhan ng ganito pero bakit pag lumalabas na sa bibig niya ang mga salita ay naiilang na ako.
"Dahil gusto ko talaga--"
"NO! Hindi mo ako gustong maka date. Hibang ka na." pag didiin ko sa huli kong sinabi.
"Hmm, Baka nga hibang na ako sayo." natatawang sang ayon niya. Lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Nagiwas siya nang tingin at humarap sa board bago pa lang humarap sakin para lang makita ko ang maganda niyang ngiti. 'Bakit para siyang kumikinang sa paningin ko?' Napalunok ako ng dahil sa naisip. "Natasha Aileen, I like--" tinakpan ko ng kanang kamay ko ang bibig niya para hindi niya na maituloy pa ang sasabihin niya dahil ayaw kong marinig. Ayaw ko talagang marinig, dahil tingin ko ay alam ko na kung ano 'yon.
Mas natigilan ako at napaawang ang labi ko nang hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at siya ang nagtanggal no'n. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang lunok ba ako.
Pilit kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero wala ata siyang balak na bitawan. Bahagya niya pang nilaro iyon habang nakatingin sa mga mata ko.
"OKAY CLASS, GET YOUR INDEX CARD---WRITE YOUR FULL NAME AND YOUR SECTION."
Buong pwersa kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya nang bumukas ang pinto at si Ms. Tolentino ang bumungad sa amin. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa niya, marahil ay dahil sa inasta ko.
"Ganda mo!" natatawang bulong sa akin ni Bie.
"Good morning, Miss." bati nila sa kanya.
Ako naman ay parang wala sa sarili ko. Para akong nakalutang dahil hindi ko matanggap na nangyayari sa akin 'to ngayon. And worst? Lalaki ang salarin.
Sinulyapan ko pa ng isang beses si Sebastian at nakita kong nakangisi siya. Wala sa sarili kong kinuha pabalibag ang bag ko at nanguha ng index card doon. Napatingin ulit ako sa kanya dahil baka wala siyang baon na index card at baka manghingi siya pero mabuti naman at meron.
Habang nagsusulat ako ay nararamdaman kong maya't maya ang sulyap niya sa akin kaya medyo tumagilid ako palihis kung saan ang pwesto niya. Nakaharap na ako ng bahagya kay Bie.
BINABASA MO ANG
CHANGE OF HEART
Fiksi RemajaMaraming tao ang pwedeng makapagparamdam sayo na iba ka sa kanila dahil lang iba ang preference o gusto niyo sa buhay. Pero maswerte ka kung maraming tao ang tumanggap at umintindi sayo dahil kilala nila kung sino at ano ka. But in my case, tingin...