"Ano Tash, hindi ka ba talaga kakain? Oorder na kami." tanong ni Bie sa akin. Nakatayo na sila ni Mitch at papunta na sana sa counter para um-order ng pagkain nila pero nilingon ulit nila ako. Hindi siguro sila sanay na hindi nila ako kasabay na kumain.
"Hindi, busog pa talaga ako." sagot ko naman nang mag angat ako ng tingin sa kanila.
"Sure ka, ha? Kahit snacks ayaw mo?" umiling na lang ako bilang sagot kaya tumalikod na sila at naglakad. Nakasalubong pa nila 'yong tatlo at bumati sa mga 'to.
Nagbabasa lang ako nang may maramdaman akong umupo bakanteng upuan sa kaliwang bahagi ko. Alam ko na kung sino 'yon dahil pamilyar na sa akin ang amoy ng pabango niya.
Mahaba ang table at eight seater iyon. Dito kami madalas na umuupo pag nandito kami sa cafeteria. Sa medyo dulo iyon at malayo sa entrance.
"Aren't you going to eat?" tanong niya pero hindi ako kumibo at pinagpatuloy lang ang pagbabasa. "Hey, you okay?" bahagya niya pang binunggo ng kanang braso niya ang kaliwang braso ko.
Nang mag angat ako ng tingin sa harap ko ay wala rin pala si Tania doon. Nang inilibot ko ang paningin ko sa mga nakapila ay kasama niya na sila Bie na nakapila pati na si Enrique na nangungulit sa kanya.
Nasa harap ko na rin ang tatlong pink roses na kanina ay binibigay ni Sage sa akin. Napatitig na naman ako doon. Sa buong buhay ko, wala pa akong natanggap na bulaklak galing sa lalaki maliban kina dad at kuya. At makakatanggap lang ako no'n galing sa kanila tuwing may mga espesyal na okasyon na pati si Tania ay meron. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa mga bulaklak. Maganda 'yon at hindi normal ang laki. May maliit din na tube sa dulo ng stem na nagsisilbing tubig para masiguro na mas matagal ang magiging buhay niyon. Nakatali ang kalahati ng stem ng makapal na puting ribbon at ang ilang metrong haba nito ay ini-ribbon nang mas maganda para mas presentableng tingnan. Doon ko lang rin napansin na may maliit pang card do'n na nakasabit rin sa ribbon. Napasulyap ako sa kanya at hindi na ako nagtaka nang makita kong nakatuon na ang mata niya sa akin kaya inalis ko rin agad iyon.
"Wala namang problema kung gusto mong bawiin ang sinabi mo." hindi man ako nakatingin sa kanya ay ramdam kong nakangiti siya nang sabihin niya 'yon. "Kahit naman ilang libong beses mong tangggihan ang mga bulaklak na 'yan, sayo ko pa rin naman gustong ibigay 'yan." napalunok ako bago ko napagpasyang tingnan siya. Hindi pa man ako ako nakakaharap sa kanya ay bigla ng kumabog nang malakas ang dibdib ko. "I really like you, Tash." habol niya pa. 'So hindi niya binigay kay Tania 'to? Eh, bakit hawak niya?' "Hindi ko naman binigay 'yan sa kapatid mo. Kinuha niya lang sa akin kanina at siya na raw ang bahalang mag abot sayo." paliwanag niya na ipinagtaka ko dahil parang nababasa niya ang laman ng isip ko.
"H-Huh?" Do'n ko lang siya nilingon. Nasalubong ko ang malamlam niyang matang nakatitig sa akin at ang bahagyang ngiti na ibinibigay niya.
Bakit kahit anong klaseng ngiti ang ipakita niya ay parang sobrang gwapo niya pa rin?'
'Oh my God, Natasha... NO!!! erase, erase! Hindi mo alam ang sinasabi mo!'
"Ang sabi ko, hindi ko binigay 'yan sa kanya. Kinuha niya lang sa akin 'yan kanina dahil siya raw ang mag aabot sayo. Tinatanong mo kasi." pag uulit niya na gumising sa pagmumuni-muni ko.
"Hindi ko naman tinatanong." depensa ko.
"Tinanong mo. Narinig ko kahit na mahina ang pagkakasabi mo." nakangising sabi niya.
'Huh? Nasabi ko ba ang nasa isip ko?' napapikit ako nang mariin sa naisip.
"Ano...hindi ko naman gustong kunin 'yan. Wala rin naman akong pakialam kung kanino mo 'yan gustong ibigay." sagot ko bago nag iwas ng paningin sa kanya dahil lumalalim na naman ang mga tingin niya sa akin dahilan para manlambot ang mga tuhod ko.

BINABASA MO ANG
CHANGE OF HEART
Genç KurguMaraming tao ang maaaring magparamdam sa'yo na iba ka sa kanila dahil lamang sa magkaiba kayo ng mga gusto o pananaw sa buhay. Pero napakaswerte mo kung may mga taong tanggap at naiintindihan ka dahil kilala nila kung sino at ano ka talaga. But in m...