Chapter 2

48 2 0
                                    

Bago pa ako makalapit sa sasakyan ko ay narinig ko na ata lahat ng papuring pwedeng ibato sa mga varsity player na nagkalat sa parking lot. Masyadong mabenta iyong team captain sa karamihan. Na kesyo mabait daw at hindi snob. Ang gentleman daw dahil imbes na sila ang maghawak ng camera para magpa-picture ay ang mismong player pa ang nag i-insist na mag-take ng picture. Sobrang bango rin daw at parang amoy baby. Kesyo ang lambot daw ng kamay dahil nahawakan rin nila.

I don't know why these girls are so fascinated with athletes. Pag sporty ka o parte ka ng varsity, pinag-aagawan at pinagkakaguluhan ka ng mga babae. Maraming nagkakagusto sayo. To the point na nag-aaway-away pa ang iba pag pakiramdam nila ay nalalamangan ang mga gusto o favorites nila. I don't get it.

Dalawang hakbang na lang ako papalapit sa kotse ko nang may biglang humarang sa harap ko. Nakayuko ako kaya hindi ko alam kung sino. Nang mag angat ako ng tingin dito ay nakita ko iyong team captain. Kunot ang noo kong tumingin sa kanya dahil sa pagtataka kahit na ang ganda naman ng ngiti niya sa akin.

"Hi." bati niya pero nakatingin lang ako sa kanya. "Natasha Aileen Agoncillo, right?" tanong niya.

'Sa dami ng estudyanteng nagpakilala kanina, bakit naman kabisado niya pa ang pangalan ko?'

"And you are from college of Arts and Sciences, third year, HRM student." patuloy niya.

'Weird.'

"Yes. Why? May kailangan ka ba?" tanong ko rito.

"Wala naman. I'm Sage---" pakilala niya sabay abot ng kamay sa akin.

"Alam ko, narinig ko kanina noong nagpakilala ka sa stage." sabi ko na hindi man lang nag abalang abutin ang kamay niya.

Nahihiya naman itong nagbawi ng kamay at bahagya pang napakamot sa batok niya.

"May kailangan ka pa?" tanong ko ulit.

"U-Uhm, you look pretty." napalunok ako dahil sa narinig. Sinsero ang pagkakasabi niya. Bahagya siyang nakangiti at mataman akong tinitingnan.

Hindi naman iyon ang unang beses na sinabihan ako ng ganoon pero bakit iba pag sa lalaki nang galing? Lalo na at ganito pa makatingin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tumikhim muna bago magsalita.

"Uhh, Thanks. I'm sorry, but I have to go." bahagya ko itong nginitian at saka ko tinalikuran. Nahagip pa ng mata ko na mas lumawak pa ang pagkakangiti niya. Kung anong dahilan? Hindi ko alam.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at doon lang ako nakahinga nang maayos. Isinalpak ko na lang basta ang susi para umandar ang makina. Nang makapag maniobra ako ay nakita ko pa sa side mirror na nakatayo pa rin siya malapit sa kung saan kami nag-uusap kanina pero kasama niya na ang mga ka-teammate niya at lahat sila ay nakatanaw sa sasakyan kong umaandar.

"What the hell is wrong with these people?" asik ko pa bago nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagkarating ko sa café ay may tao na. Nadatnan ko na sila Barry at Nicole na nagpupunas ng mga mesa at nagwawalis ng sahig. May thirty minutes pa bago magbukas ang store.

"Good morning!" Bati ko. Hindi man lang nila naramdaman ang pagpasok ko sa pinto. Kung hindi pa ako nagsalita ay hindi nila ako mapapansin.

"Oh, Tash! Bakit ka nandito? Diba may orientation kayo?" gulat na tanong ni Nicole.

"Oo, pero tapos na. Wala namang gagawin kaya tutulong na lang ako dito. Pero...baka mga after lunch aalis rin ako dahil mag go-grocery kami ni Tania. Wala na kasing stocks sa bahay, eh." paliwanag ko.

"Buti na lang nga at dumating ka. May twenty pax tayong reservation. Katatawag-tawag lang. Eh, may kasamang meal, baka hindi namin kayanin ni Nics. Buti sana kung puro drinks lang." si Barry.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon