Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay naiilang ako sa presensya niya ngayon dahil hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kanina.
Namiss niya ko? Eh, araw-araw naman kaming nagkikita-hindi nga lang kami nagkakausap masyado.
Ganito pala ang pakiramdam? Kilig na ba ang tawag dito? Eh, bakit naman ako kikiligin? Masaya ako, oo, dahil kinausap niya na ulit ako nang normal. Pero ibig sabihin ba no'n kinikilig na ako?
Hayy! Ang dami mong tanong, Tash!
"Bakit naman kasi ngayon pa? Hindi ako prepared."
"What did you say?" nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita siya kaya agad ko siyang nilingon.
"Ha? Wala naman akong sinasabi." nagtatakang sagot ko na ikinatawa naman niya.
"Sabi mo hindi ka prepared." takang tanong niya rin. "Prepared saan?" napapikit ako sa kahihiyan at napakagat labing nag-iwas ng tingin. Bahagya kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa inis. Dapat sa isip ko lang 'yon!
"A-Ah wala. Hindi ako prepared. Hindi ako nakapagdala ng sweater, medyo...malamig pala." pagdadahilan ko.
"Oh wait, hinaan ko 'yung aircon. Sorry..." hininaan niya naman agad. "Okay na?" nakangiti naman akong tumango kahit naiinitan naman talaga ako. Mayamaya lang sigyuro ay magbubutil-bitil na ang pawis ko.
"Thank you-" binaling ko ulit ang tingin sa labas ng bintana at nagmuni-muni. Nag-iisip ako kung papaano ko bang matatagalan na kasama siya ngayon nang hindi ako ganito katahimik.
Dapat ba tanungin ko siya kung bakit niya nasabi sakin 'yon kanina at saka bakit kailangan yakapin niya pa ako? Ay hindi. Wag na. Baka kung ano pang sabihin mas hindi mo rin kayanin.
'Tash, just act normal. 'Yon ang pinakamagandang gawin. Isipin mo na lang na walang nangyari.'
Tama! Walang ibang dapat gawin kung hindi umakto ng normal sa harap niya.
"Bakit ang tahimik mo? Okay ka lang ba?" May masakit ba sayo?" tanong niya ulit. Agad naman akong umiling.
"May iniisip lang."
"Wag mo ko masyadong isipin, Natasha. Nandito na nga ako sa tabi mo eh." natatawang anito. Inis naman akong tumingin sa kanya.
"Mahangin ka rin eh 'no?" tinawanan niya lang ako. "Mag focus ka nga sa pagdadrive." utos ko pa.
"Yes boss!" natatawa nanaman niyang pinagpatuloy ang pagmamaneho niya.
Yes boss ka diyan!
Ilang sandaling naghari ang katahimikan bago niya binasag ulit ito.
"Wooaahhh....Don't tell me iniisip mo 'yung sinabi ni Harbie kanina kaya mo nasabing hindi ka prepared?" nangunot ang noo ko at napaisip sinabi niya. 'Anong bang sinabi?' "Grabe ka naman, Tash. Tingin mo ba talaga gano'n ako? Nakakahurt ka na ng feelings ah." lalo mamang nangunot ang noo ko.
"Alin do'n? Ano bang sinasabi mo?" para maman siyang natigilan.
"A-Ahh...nevermind. hehe."
"Ano nga?"
"Wala. Wag mo nang isipin 'yon."
"No. Ikaw ang nag-umpisa ng topic kaya tapusin mo." hindi pa rin siya kumikibo. Patuloy lang siya sa pagmamaho at kahit madilim sa loob ng sasakyan ay pansin kong malikot ang mga mata niya. "Ano na?" pag-aapura ko. "Isa. Dalawa. Kapag umabot 'to ng tatlo hindi talaga ako sasama sayo." wala pa rin. "Dalawa't kalahati." ayaw pa rin. "Tat-"
BINABASA MO ANG
CHANGE OF HEART
Teen FictionMaraming tao ang pwedeng makapagparamdam sayo na iba ka sa kanila dahil lang iba ang preference o gusto niyo sa buhay. Pero maswerte ka kung maraming tao ang tumanggap at umintindi sayo dahil kilala nila kung sino at ano ka. But in my case, tingin...