Chapter 9

40 0 0
                                    

"Tash, gising na." nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog sa braso ko.

"Hmmm..."

"Tash, 6:30 na. Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman nali-late ng gising?"

"Ayaw kong pumasok."

Hindi ko alam kung gaano lang katagal nakapikit ang mga mata ko pero alam kong mababaw lang ang tulog ko. Ang sakit din ng ulo ko at feeling ko kahit na pumasok ako ngayon ay nasa ibang dimension ang kaluluwa ko. Hindi ako magpa-function nang maayos.

"Ha?" takang tanong niya dahil alam niyang hindi naman ako ganito. "Ayaw mong pumasok o hindi ka makakapasok? Magkaiba 'yon." tanong niyang nakakainis kaya napakunot ang noo ko. "Masama ba pakiramdam mo? Nilalagnat ka ba?" kinapa niya pa ang leeg ko para maramdaman kung mainit ba ako.

"Hindi. Masakit lang ang ulo ko." sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan.

"Hindi ka naman nga mainit. Kaya mo bang pumasok?" gusto kong umiling pero tango pa rin ang sinagot ko.

"Kaya ko naman. May recitation kami kay Ms. Tolentino ngayon. Hindi ako pwede um-absent."

"Oh, eh, recitation lang naman 'yon. Hindi ba sila makakapag recite nang wala ka?" pilosopong tanong niya.

"Hindi mo kilala si Ms. Tolentino. Para 'yong dragon, bumubuga ng apoy." bumaling ako sa kanya at hinagod siya ng tingin.

Nakaayos na siya at medyo balot ang katawan niya ngayon kumpara sa mga palagi niyang sinusuot.

"B-Bakit?" naiilang na tanong niya. Napansin niya sigurong nakangisi ako habang tinitingnan siya.

"Ba't ganyan ang suot mo?"

"Bakit? Pangit ba?" Maagap na tanong niya at saka sinipat ang sarili sa full body mirror na nasa kwarto ko.

Sinipat ko rin ulit ang suot niya. Naka navy blue siya na smart pants at white na polo shirt. Naka tuck in 'yon. Nakapusod din lahat ng buhok niya at hinayaan ang tuwid niyang buhok kumpara sa palagi niyang kinukulot at nakalugay.

Ganito palagi ang style ng damit ko. Siya kasi ay babaeng babae kung manamit.

"Bagay naman sayo, hindi lang siguro ako sanay." Tumayo ako at saka ko inayos ang pinaghigaan ko.

"N-Nabastos kasi ako kahapon." inis akong napalingon sa kanya.

"What?! Sinong bumastos sayo?"

"Wala 'yon. Kaklase ko lang."

"Sino nga?"

"Ay nako, Tash! Si Castelo lang 'yon, kaklase ko sa minor subject ko. Nandoon naman si Gav kaya okay lang. Binawalan na niya akong magsuot ng maiikli." paliwanag niya. "May point naman siya na hindi appropriate ang pagsusuot ng maikli sa school kaya sinunod ko siya"

'Napasunod siya si Gav?' napangisi ako sa naisip.

"Na dapat naman talaga ay noon mo pa ginawa!" Pagsang-ayon ko kay Gav. "At saka himala, ah---sa akin hindi ka nakikinig pero siya ay walang kahirap-hirap kang napasunod?" Panunumbat ko kunwari. Nakangiwi naman siyang lumingon sa akin bago ako sinamaan ng tingin. "Pumayag ka sa utos niya?" natatawang sabi ko. Hindi naman siya kumibo at inirapan lang ako. "Hintayin mo na lang ako sa baba, saglit lang ako."

"Okay. Sa school na tayo mag breakfast. 9:00AM pa naman ang pasok ko. Ikaw ba?"

"8:30 pa naman. Ikaw magmaneho ngayon, ah? Wala ako sa mood." tumango naman siya at saka ako tinalikuran at lumabas ng pinto.

CHANGE OF HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon